“Ipaliwanag mo nga, ano ba‘ng kulang sa pagpapalaki ko sa inyo?! Ikaw Hiroto? Ano‘ng nangyayari sa ‘yo at ang mga kalokohang nababalitaan ko?” nagulat si Cindy sa sigaw ni chairman.“Mas maniniwala kayo sa mga nalalaman niyo kaysa sa sarili niyong anak? Ni minsan ba naitanong niyo man lang sa sarili niyo bilang ama kung ano talagang gusto ng mga anak mo? Gusto ko ng kalayaan Pa!” sumbat ng lalaking kaharap nito.
Hindi alam ni Cindy kung ano‘ng ginagawa niya sa silid na iyon.
Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib nang magising, nanaginip na naman siya. Parang totoo, at tagaktak ang pawis niya nang bumangon sa kama. Bumaba siya at lumabas sa kuwarto para uminom ng gatas sa kitchen, siguradong mahihirapan na naman siyang makatulog.
Na sa kusina siya nang biglang sumulpot si Tomoya.
“Anong ginagawa mo rito? Hating gabi na ah?” malambing nitong tanong at pinatay ang ilaw. Ang natirang ilaw lang ay nagmumula sa siwang ng bintana kaya nataranta si Cindy.
Nagsimula rin siyang humakbang paurong habang kumakabog ang dibdib.
“Huwag kang lalapit!” ibinaba niya ang hawak na baso habang patuloy pa rin sa pag-urong, hanggang sa mabangga siya sa lababo. Napangiti naman si Tomoya nang makitang wala na siyang mauurongan.
“Don't worry,” nakakaloko nitong sambit at patuloy pa rin sa paglapit sa kanya. Kinuha nito ang basong may gatas at ininom iyon bago ngumisi ulit at tuloyan nang nakalapit sa kanya.
Ibinaba nito ang tingin sa kanyang labi kaya hindi na nakagalaw pa si Cindy.
Nang angkinin nito ang kanyang labi ay nalasahan niya ang magkahalong pait at tamis ng labi nito dahil sa alak at gatas.
“I missed doing this thing, Cindy.” Malambing nitong bulong at parang namamalat pa ang boses. Sinubokan ni Cindy umalis pero ayaw siyang pakawalan ni Tomoya, napabuntong hininga siya at galit na sinalubong ang tingin ng lalaki.
“Stop, baka may makakita sa 'tin.” Saway niya.
Ngumiti naman si Tomoya. “Do you want us to move to my room?”
“Tumigil ka nga!” kunwa ay naiirita niyang sabi pero sa loob loob ay nagugustohan din ang ginagawang panunudyo ni Tomoya.
“I want to kiss you everywhere, Cindy.” Paglalambing nito, at nagmistula iyong musika sa pandinig niya.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya na nagagawa pang tumanggi kay Tomoya, nang tuloyan na nitong ipinasok ang mainit na palad sa loob ng t-shirt niyang suot. Napapikit na lang si Cindy sa nakakikiliting sensasyong dulot ni Tomoya, ibinaba din nito ang labi sa kanyang leeg kaya napakapit na lang si Cindy sa balikat ng lalaki.
Nang mahubad nito ang kanyang pang-itaas ay binuhat siya ni Tomoya papunta sa mesa at pinaupo siya roon.
Nagsimula na rin itong maghubad ng t-shirt kaya tumambad sa kanya ang maganda nitong katawan, pagkatapos ay itinuloy ang ginagawang paghalik sa labi niya. Ramdam niya ang pagiging mapusok nito, habang siya naman ay nangangambang baka may makakita sa kanila.
Bawat paglapat ng labi ni Tomoya sa kanyang balat ay mas nag-aalimpuyo na rin ang kanyang nararamdaman.
“Tomoya,” sambit niya sa pangalan nito at napakagat sa pang-ibabang labi at yumakap na rin sa binata.
NAPANGITI si Tomoya sa sarili dahil wala siyang naramdaman kahit konting pagtutol mula kay Cindy. Malaya niyang iginala ang palad sa maganda at malambot nitong katawan.
BINABASA MO ANG
Tomoya's Possessive Love
Mister / Thriller"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga...