Chapter 1

415 19 28
                                    

Chapter 1

Card giving day and no one cares. Given na sa aming mga special science class students ang magkaroon ng grades na hindi bababa sa ninety. May mga nakaka-line of eight pa rin but rarely.

Bukod pa rito, we waited for it because classes are cut after our fourth period kaya walang gagawin maghapon. May mga teachers din na hindi na nagbibigay ng activities sa umaga kapag card giving day. Maglilinis lang at ang mga officers ang bahalang mag-entertain sa bisita.

Nakaupo ako sa sahig katabi sina Laraine at ang iba ko pang kalaro ng Mobile Legends. Nagpapa-load lang ako ng ML 10 everytime we decided to play games. School is boring and we need something to enjoy at the moment. Luckily, naglo-load ‘yung isa naming kalaro.

“Retreat! Retreat!” Magkakasama kami sa mid nang mang-ambush ang kalaban. Three of us died at isa ako sa mga natira. Bumalik kami sa base ngunit umatake sa amin ang kalaban. In a span of twelve minutes, the enemy won.

“Ang bobo naman,” bulong ko. Nakaka-frustrate pa rin kahit na laro lang.

“Sayang talaga. Dapat hindi tayo nagsasama. Mga ‘di kayo nagpu-push,” si Hardy na seatmate ko at isa rin sa mga kalaro namin.

“Kalma lang parang gigil ka, ah,” natatawang sabi ni Bea. “It was a good game though. Laro pa?”

Tiningnan ko ang battery percentage ng phone ko. Kaya pa naman maglaro ng isa pang laro kaya lang tiyan ko naman ang hindi payag. Parang tinatawag ako nito para bumili ng pagkain.

“Lars, bili tayo sa labas?”

“Puwede ba raw lumabas? Ang alam ko bawal pa.”

“Tungek. Card giving day naman. Maluwag ngayon sa guard.”

“Ikaw na lang. Busog pa naman ako.” Nakatingin ako sa cellphone niya nang may mag-invite muli sa kanya. Si Paradise yata ‘yon, isa naming kalaro. “Hindi ka na ba lalaro, Anja?”

Umiling ako at tumayo. “Hindi na. Mamaya na lang. Pa-invite, ah.” I pouted. Nag-start na sila ng laro habang nakatayo ako at nakatingin sa kanila.

“Bea, samahan mo na ‘ko.”

Umiling ito. Hindi na rin siya kalaro nina Laraine, Paradise, at Hardy. Nagbabasa siya sa Wattpad dahil ‘yon ang nakita ko sa cellphone niya.

“Pasama ka kay Wilson. Pupunta rin yata siya ro’n,” she said, her eyes are still fixed on her phone.

“Luh, bakit naman sa boyfriend mo pa? Ang awkward naman no’n. We’re not that close.”

“Tinatamad pa ako, Anja,” pabiro niyang sabi. “Nasa baba ‘yon kaya magpasama ka na.”

I rolled my eyes. Walang pag-asa na sasamahan ako ng mga kaibigan kong ‘to. Tinalikuran ko na si Bea nang hilahin niyang muli ang kamay ko.

“Pasabi na rin kay Wilson na ilibre niya ako.”

“Tsk.”

Bumababa ako ng hagdanan para hanapin si Wilson. I saw him standing near our canteen. Nakalagay sa tainga niya ang cellphone. He’s mouthing words that I cannot hear. Mayamaya pa ay ibinababa niya na ‘yon then she glanced at me, smiling.

“Oh, Anja,” bati niya sa akin na nakangiti. Outgoing naman ang boyfriend ni Bea, but it feels weird when I am with my friend’s boyfriend.

“Uhm, Bea told me that you’re going outside?”

He nodded. Umusod kami ng usap sa sulok dahil humahaba ang pila sa canteen at nakakaabala kami. Mga lower years pa naman ‘yon at ang gugulo nila.

“Yup, why?”

Still My Fault Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon