Chapter 7
Ethan’s voice is like a broken record inside my mind. I can’t thinking about what he said the moment we bond inside the mall. Kahi ilang araw na ang lumipas hindi ko siya maialis sa isipan ko. That made me think a lot of possibilities. That made me think that I’m starting to like him too?
Kung hindi ko iisipin ang mga pangarap ko sa buhay, bibigay kaagad ako sa kaniya. Who can’t resist a guy like him? A guy with chiseled jaw, perfect poise in every outfit, a loving brother, a man who knows his priority in life, a guy like Ethan. Hindi ko alam kung may flaws pa ba siya sa katawan. Minsan nakakainis niya pero ako lang yata ang naiinis sa kaniya.
China-chat niya ako halos araw-araw sa Messenger. He’s only checking on me pero ang weird lang sa pakiramdam. Gusto ko siyang makita na gusto ko rin siyang iwasan. Minsan, natatanong ako ni Wilson tungkol sa nangyari. Hindi ko na alam ang isasagot sa oras na magtanong muli siya.
Our day ended when he told those words. Nagdesisyon akong umuwi na. Nagpahatid lang ako malapit sa bahay namin pero hindi sa mismong tapat. Gustong-gusto ko na kasing bumababa sa kotse niya noong araw na ‘yon.
Kahit ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita, his lips, his hair, his face, it is always in my mind. Am I that addicted to him? Hindi na ‘ko makapag-focus sa pag-aaral dahil sa kaniya.
“Anja,” tawag sa akin ni Bea. “Anong dapat gawin kung shallow na kayo ng jowa mo?”
Para akong ibon na lumilipad sa ere. Muntikan ko nang makalimutan na nasa classroom ako. May sari-sarili naman silang ginagawa maliban kay Bea na tumabi sa akin imbes na kay Wilson. I noticed that there is something off between them.
Ibang-iba si Bea kumpara noon. She is talkative at mahilig siyang mang-asar. Pero ngayon down na down siya. Is it because of Wilson? Hindi ko alam na ganito ang epekto kapag may away sila ni Wilson.
“I-break mo na.”
“Anja!” Hinampas niya ang braso ko.
“You told me na pang-experience lang si Wilson. Sinabi mo pa sa’kin na wala pang isang daang porsyento ang pagkagusto mo sa kaniya. Linawin mo kasi, Bea. If the relationship between the two of you doesn’t work, it is fine. Maaga pa para humanap ng pangmatagalan.”
“Hindi mo naiintindihan, Anja. Kita mo naman kami noon, ‘di ba? Ang saya namin ta’s parang ‘di mapaghiwalay. Parang ang cold niya bigla sa akin. Minsan sini-seen niya lang ang chats ko. Pareho lang naman ang section naming dalawa kaya alam ko na hindi rin siya busy. Tingnan mo siya, oh.” Napasulyap kami ni Bea sa boyfriend niya na mag-isang nagbabasa sa upuan nito. “Parang ewan, ‘di ba? Hindi naman ako gumagawa ng ikakaselos niya. Bakit gano’n?”
“Kausapin mo siya. Siguradong may rason ‘yan.”
Napatingin sa amin bgila si Wilson. Bea pretended that she is chatting with someone on her phone habang ako naman ay ngumiti kay Wilson. He smiled back ngunit nagtuon muli ng atensyon sa librong binabasa. Bea was not perfect. Baka may nagawa talaga siyang kasalanan.
“Gustong-gusto ko siyang kausapin. Ayokong maging ganito kami. Kahit iilang buwan pa lang kami, pakiramdam ko ay gustong-gusto ko na siya. Masaya ako sa kaniya, Anja.”
Gusto ko na lang pukpukin ng flower vase si Bea. Siya ang pasimuno ng no strings attached kapag nagjojowa tapos ngayon kinain niya rin ang sinabi niya. Sa amin tatlo ni Laraine, siya lang ang hindi no boyfriend since birth. Sa mas malaking group of friends namin, isa siya sa tatlong may jowa.
“Resolve your issues with him. Walang mangyayari kung wala kayong communication.”
Gusto ko sanang mag-approach sa kaniya tungkol sa amin ni Ethan. Gusto ko siya tanungin kung ano ang puwede kong gawin sa sitwasyon namin sa ngayon. Gusto ko rin magtanong tungkol sa nararamdaman ko. Muntik ko na makalimutan na si Bea nga pala siya at ang isa-suggest niya sa akin ay sagutin na agad.
BINABASA MO ANG
Still My Fault
RomanceAnja was still young when he had a relationship with Ethan until she realized that it became a barrier behind her dreams. ... Anja assured herself that her dreams is her priority before entering a relationship. One day, he met Ethan in a convenience...