Chapter 6Napasuksok ako ng earphones ko dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Maski ang seatmate at ang nasa likod ko ay ang ingay rin. Kapag pa naman nagre-review ako, mas prefer ko na tahimik ang lugar.
I wrote some notes in Science dahil iyon ang una naming test. Iyon kasi ang first subject namin araw-araw. Science was not that hard. Mahirap lang inintindihin ang mga concepts at mahirap mag-compute kpaag Physics. Mabuti na lang at puwede ang calculator tuwing klase at test.
“Anja, ipinapabigay ni Kuya.” Napatingin ako kay Wilson na may dala-dalang Kani Salad at isang kulay asul na envelope. Inasar-asar naman ako ng mga kaklase kong malapit sa akin.
“Is this Ethan’s way of courting?”
A lot of guys give flowers and chocolates to the one that they like. Si Dion, madalas regalo ang ibinibigay niya sa akin na may chocolate rin. On the other hand, Ethan gave me a Kani Salad and a letter.
Wilson chuckled. “Maybe.”
Wilson left. Natapos din sa pagkukuwentuhan sina Laraine at Hardy kaya ako naman ang inusisa nila Kani Salad na ibinigay ni Ethan.
“Ang sweet naman ta’s paasahin mo,” asar ni Laraine.
“It isn’t my fault if Ethan is going to give me a lot of gifts. Hindi ko naman siya binigyan ng definite na sagot kung puwede siyang manligaw. Ang sabi ko lang sa kaniya ay ewan ko. Hindi ko naman kasi talaga alam.”
“Bakit hindi ka pa kasi mag-boyfriend, Anja?”
Pressuring me won’t help.
“Ikaw kaya magjowa ka para malaman mo kung bakit hindi. I’m only fifteen!”
“Ano naman? Sila nga grade seven pa lang magjowa na.” Laraine pointed two of our classmates which are couple. I bit my lip while looking at them. “Take note that they twelve or thirteen that time.”
“Their life, their rules. My life, my rules.”
“Wala ka ba talagang maramdaman kay Ethan? Guwapo naman ta’s galante pa.”
Ethan… He’s cute and quite funny. He has the features that a lot of girls might like. Caring naman siya at inihahatid niya ang mga kaibigan ni Wilson kapag uuwi sila. Mapagmahal din siya sa pamilya niya at lalong-lalo na kay Wilson.
“Nag-isip si, Anja,” asar ni Hardy.
Sinimangutan ko sila. Bakit ba ayaw nila ako tigilan kay Ethan? Kung uso ang instant love ay sana nangyari na ‘yon sa akin. Baka kung mayaman kami ta’s ‘yung tipong puwede akong magwalwal sa buhay ay ginawa ko na. Ayoko naman na sagutin si Ethan para lang sa experience. Hindi naman dapat na ginagawang experience lang ang pagjojowa. Sa iba baka iba ang belief nila pero ayokong ganoon ang gawin ko sa sarili ko.
Hindi ko na pinansin silang dalawa dahil mang-aasar lang naman sila. Porke wala akong maiasar sa kanila ay gaganituhin nila ako. Ang nakakainis lang pati ay alam ng buong section na nililigawan ako ni Ethan. Pati yata ‘yung kabilang section alam na rin.
…
I passed the test in the three subjects. Hindi pa naman quarterly exam pero bakit sabay-sabay sila na nagpa-test. Mabuti na lang nag-review ako noong gabi at hindi naglaro ng Mobile Legends. I deleted that app dahil masiyado na akong distracted dito. Hindi na naman naglalaro ‘yung ibang mga nasa room kaya hindi na ako nadedemonyo.
Nakahawak ako sa bag ko habang naglalakad palabas ng gate. Kaunti na lang ang nakakasabay ko palabas kasi late kami napauwi ng teacher namin sa last subject.
“Anja, si Ethan nasa labas,” si Vernique. Wala siyang sakbit-sakbit na bag at pabalik na siya ng school.
“Eh? Bakit nasa labas ‘yun?”
BINABASA MO ANG
Still My Fault
RomanceAnja was still young when he had a relationship with Ethan until she realized that it became a barrier behind her dreams. ... Anja assured herself that her dreams is her priority before entering a relationship. One day, he met Ethan in a convenience...