Chapter 2
“Lars, retreat!” sigaw ko. We were playing mobile legends at nakabukas ang mic namin para mas dama ang paglalaro. Kahit pa magkakalayo kami ay hindi namin iyon nararamdaman.
“Teka, Anja. Huwag mo kong iwanan. Gago ka!” aniya.
Natatawa na lang ako dahil one hit na lang ay mamamatay na siya. Nakatakas pa siya dahil biglang dumating si Hardy na ang gamit ay si Rafaella. Mage ang hero ni Laraine at ang akin naman ay Marksman. Iyong dalawa pa naming kalaro na random lang ay naka-tank at fighter. Hindi namin nakalaro si Paradise dahil offline ito nang may magyaya.
Nagpapagaling kaming tatlo sa base at napatay naman ng mga kakampi namin ang mga kalaban. Nang sumugod kaming tatlo ay nasira namin ang mga tore ng kabila. In the end, kami pa rin ang nanalo.
“One game pa ba?” si Hardy.
“Sige, game pa ako,” reply ko naman.
“Wait inom lang ako ng tubig,” saad ni Laraine.
Hardy invited me to a new game party. Hinintay pa namin si Laraine na makasali kaya nag-scroll muna ako sa Facebook. Someone sent a friend request.
I checked kung sino ang nag-send no’n. It was Ethan Velasquez, ‘yong kapatid ni Wilson. Naka-close up ang mukha niya sa profile picture at nakasuot ng white shirt do’n. I stalked his account and he’s so proper in social media. Wala siyang shine-share na memes o nonsense na rants.
Most of his pictures are his family and friends. Maski dalawang kaibigan niya ay maganda at guwapo rin. Wala man lang siyang epic na picture. Same school din kaya siya pumasok ng high school? Makakalat kami sa school ta’s kung doon siya pumasok parang hindi siya nahawa.
Sa Charlton University siya nag-aaral na kilalang school para sa mga magme-Med. He’s taking a Business Administration course at fourth year na siya. Iyon ang nakalagay sa bio niya na walang emoji o kajeje-han.
“Game na ba?”
Nagulat ako sa boses ni Hardy. I was stalking Ethan’s Facebook account nang magsalita siya.
“And’yan na ba si Laraine?” I asked.
“Oo, nandito na ‘ko. ‘Di ba ako nag-a-appear sa’yo?”
“Hindi naman. Nag-fe-Facebook kasi ako.”
“May ini-stalk ka, ‘no,” pang-aasar ni Hardy na para bang nakikita niya kung kaninong Facebook Account ang tinitingnan ko.
“Gago, wala. Someone sent a friend request.”
“Lalaki ba?” si Laraine
“Iyong kapatid ni Wilson. Iyong Ethan Velasquez.”
Umubo si Hardy sa kabilang linya. “Close kayo?”
Mula sa pagkakaupo ay nahiga ako sa malambot kong sama. Inalalay ko ang isang unan sa ulo ko para ‘di masakit ang pagkakahiga.
“Hindi, ah. Nakita ko kasi kanina sa convenience store noong bumili ako.”
“Ayiee, sa college student na ‘yan kakalampag,” pang-aasar ni Laraine at ginatungan pa ni Hardy.
“Fifteen pa lang ako. Grabe naman kayong dalawa.” Tumatawa silang dalawa sa kabilang linya. “Game, start na! Galingan n’yo malapit na ako mag-Legend, eh.”
Ginabi kami sa paglalaro at natulog na ‘agad ako pagkatapos dahil wala namang kailangang gawing schoolworks. Kung meron man, sa room na ako gumagawa.
Akala ko makakahilata na ako maghapon sa higaan pero kinakailangan ko palang umalis dahil kailangan daw naming gumawa ng group project sa English. Ka-groupmates ko sina Laraine at Hardy saka ‘yung isa naming kaklase na si Dara. Pati si Wilson ay kagrupo rin namin.
BINABASA MO ANG
Still My Fault
RomanceAnja was still young when he had a relationship with Ethan until she realized that it became a barrier behind her dreams. ... Anja assured herself that her dreams is her priority before entering a relationship. One day, he met Ethan in a convenience...