Chapter 9
“Wilson broke up with my friend,” I told Ethan nang yayain niya akong magmiryenda. He needs to hear this.
“Oh.”
“Totoo ang sinasabi ko at nagiging rude na ‘yung kapatid mo. Hindi siya ‘yung kapatid mo na nasanay ako.”
“I know. I know. Si Wilson ang may kasalanan kaya lang ‘di rin natin siya mapipilit na magustuhan ang isang tao.” That struck me. Iyon ang parating sinasabi ko sa manliligaw ko noon ngunit si Ethan lang ang nakasira ng kasabihan kong ‘yon. I liked him back. “I’m sorry for my brother’s actions, but I assure you that he didn’t cheat or do the similar thing.”
We changed the topic so that we can enjoy our meal. It was not a big problem though. Walang makagugulo sa amin.
One week after, Bea gained her happiness again at para bang walang nangyari dahil tila sayang-saya siya sa buhay niya pakikipagchat sa mga guwapong college student sa isang site. Kahit nga noong naman niyang nililigawan na ni Wilson ang kaklase naming si Vernique ay wala siyang naging tugon.
That seems off. Courting another woman one week after you broke up with your ex is an act not showing respect. Bakit ba parang laro lang sa kanila ang lahat? Is that how we enter and leave relationships in high schools?
For me, no. Not only in high school but for all stages of relationships.
***
Napakasuwail ko bang anak kung nagpaalam akong gagawa ng group proect kahit sumama ako kay Ethan sa Santa Rosa? Siguro, oo.
Ethan asked me last week kung pwede akong mag-Enchanted Kingdom. Sikat na amusement park iyon sa Laguna. Malayo nga lang sa bayan na tinitirhan namin. Kung iyon ang ipagpapaalam ko kina Mama ay hindi ako papayagan ng mga ‘yon.
Maski nga group project ay hirap akong payagan. Sa gala pa kasama ang boyfriend ko? Hindi nila alam na boyfriend ko si Ethan. Natatakot akong sabihin sa kanila at sa maaring maging reaksyon nila lalo na’t three years gap kaming dalawa ni Ethan.
Kaya nagpaalam ako na group project ang pupuntahan kahit Enchanted Kingdom talaga. I texted Ethan that we should meet; hindi ako papayag na sunduin niya ako rito sa may amin dahil ayokong maging topic ng buong baranggay. Ang impression pa naman sa’kin ay masipag mag-aral ta’s baka sabihin naman nila na ang talande ko at pumatol sa college.
Dito kasi sa amin ang mindset kapag gano’n ay mag-aasawa o mabubuntis na. Sinasabi nilang predator ang mga college students na nagjojowa nang mas bata. Pero iba si Ethan. He respects me as a woman, as a younger person. Pinaka-touchy na yata niyang ginawa ay hawakan ang kamay ko. Kahit minsan ‘di siya nagtanong kung puwede niya akong halikan o yakapin.
Inaantok ako sa biyahe kaya naman nakadantay sa bintana ang ulo ko. Nagpapatugog si Ethan ng lofi songs at gumagalaw-galaw ang ulo niya habang nagda-drive.
Nang makarating sa Enchanted Kingdom at isinakbit ko sa ulo ang sumbrero na nakita ko sa backseat ni Ethan. It looks new and it fits me. Bago naman daw iyon at para raw talaga sa’kin para hindi ako mainitan.
Hinawakan ni Ethan ang kamay ko nang makababa siya at mai-park ang sasakyan. Maraming tao ang napasok sa loob ng amusement park at tila nangniningning ang kanilang mga mata sa tuwa. Lalong-lalo na ang mga bata.
Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa amusement park. Malayo nga lang ‘to kaya ‘di ko napupuntahan. Kapag may festival sa amin at may mga rides na available ay saka ko lang nararamdaman ang amusement park feeks.
Ethan entered first para kumuha ng ticket namin. Pagbalik niya ay isinuot niya sa wrist ko ang ride-all-you-can na parang bracelet.
“Anong gusto mong sakyan, Anja?” he asked while his eyes are roaming around.
BINABASA MO ANG
Still My Fault
RomanceAnja was still young when he had a relationship with Ethan until she realized that it became a barrier behind her dreams. ... Anja assured herself that her dreams is her priority before entering a relationship. One day, he met Ethan in a convenience...