Chapter 5

139 17 23
                                    

Chapter 5

“Binasted mo na raw si Dion?” tanong ni Bea. Kasama ko silang dalawa ni Laraine at ang boyfriend niya na si Wilson. Silang dalawa ang magkatabi sa upuan at kami naman ni Laraine ang sa upuan.

I slowly nodded. “Oo dahil ayoko nang paasahin pa siya.”

“Why don’t you give it a try? Sagutin mo ta’s kapag hindi nag-work, mag-break kayo.”

“That would be worse, Bea. Ayokong ginagastusan ako ng isang tao para lang sa nararamdaman ko.”

“Hindi mo naman kasalanan na gumastos sila, Anja. It is their choice,” si Laraine.

“Kahit na.” Kumuha ako ng fries at isinawsaw iyon sa ketchup. Isinubo ko iyon at uminom ng milk tea.

“Anong oras ka uuwi, Wilson?” pa-sweet na tanong ni Bea sa boyfriend. Wilson smiled sweetly to my friend. Napangiwi ako sa kanila dahil hindi naman sila bagay.

“May pupuntahan kami. Family gathering sa Calamba. Susunduin ako ni Kuya Ethan dito.”

Pupunta si Ethan? Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Ang huling beses kaming naglaro ng Mobile Legends ay noong nakaraang linggo pa. Baka naging busy siya sa studies niya. Mahirap din siguro ang course niya. Sa tingin ko naman ay kakayanin niya iyon.

The next thing I knew is that Ethan is with us sipping his own milk tea. Bigla na lang siyang dumating at tumabi sa upuan namin ni Laraine. Halos mawalan ako nang pang-amoy dahil ang pabango lamang niya ang nasisinghot ko.

“Kumusta studies?” tanong nito sa amin.

Bea shrugged. “Okay lang naman.”

“Pumapasa naman,” si Laraine.

“How about you, Anja?” 

Kailangan ko pa bang sumagot?

“Nakakatamad pa rin pero worth it naman kapag na-reach mo ‘yung goal mo. Ikaw?” Napatingin ako sa direksyon niya. He is also looking at me. Iilang pulgada lang ang mukha namin sa isa’t isa. My cheeks are burning.

“Chill lang.”

Napa-sana all ako sa isipan ko. Napakagaling niyang mag-manage ng oras kasi parang hindi naman siya busy. May time pa siya para sunduin ang kapatid niya rito. Nakakapaglaro rin siya ng ML. Bakit iyong mga kakilala kong college na nag-highschool din dito ay na-i-stress na at gustong sumuko? Sana kapag nag-college ako ay magaya ko ang habits nito ni Ethan.

“Anong oras ba kayo kailangan sa family gathering? Baka ma-late kayo, Kuya Ethan,” si Bea.

Akala ko, pagkarating ni Ethan ay aalis na sila. I did not expect him to stay here for a while. Gusto ko pa naman makipag-girls talk kina Bea at Laraine. Iyong mga topics na hindi maiintindihan ng mga lalaki.

“Alas-siete ng gabi pa naman. Mag-aalas-cinco pa lang naman,” Ethan answered.

“Ma-traffic sa Calamba. You should go by now.”

Tahimik lang kaming dalawa ni Laraine na umiinom ng milk tea. Sila lang naman ang family members dito ta’s si Bea future member sila kung magtatagal sila ni Wilson. Nagpustahan pa kami ni Laraine na aabot lang sila ng six months o seven.

“Ayos ka lang ba rito, Babe?”

Ang cheesy ng call sign nila. Napapangiwi ako sa tuwing maririnig ko ‘yon.

“Uuwi na rin naman kami, Wilson. Huwag gkang mag-alala.” Bea assured her boyfriend with a smile.

“Ihatid na namin kayo,” pagpiprisinta ni Ethan. 

Still My Fault Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon