Chapter 3
Amoy ng bagong papel ang bumungad sa’kin nang pumasok ako ng bookstore. Nasa likod ko si Ethan na may hawak na basket. There were a lot of students talking inside the bookstore. Kulang na lang ay maging palengke ang lugar na ‘to.
“Ano ba ang mga kailangan n’yo?” Ethan asked.
“Hmm, decorations, chipboard, glue, basta marami.”
“Bakit ‘di tayo maghiwalay sa paghahanap ng mga gamit? Give me a list.”
Good idea. Hindi lang si Wilson ang matalino sa pamilya nila kundi pati na rin itong nakatatanda niyang kapatid.
Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko. I searched for his name in Messenger. I typed everything that we needed then I sent it to him.
“Ako na maghahanap noong first five. Ikaw na sa decorations at chip board.”
“Okay, thanks.”
“Meet me near the cashier later.”
I smiled at him saka pumunta sa section kung saan may mga chip board. Hindi ko alam kung ilan ang kakailanganin namin. Ginawa ko na lang lima dahil malayo ang bilihan kina Wilson. Nagtungo ako sa section kung saan puno ng decoration na pang-arts and crafts.
I took some washi tapes, art papers, and other things that might help us on decorating our big book. Marami-rami rin ang nakuha ko at hindi ko alam kung magkano na ‘to. Dumungaw ako sa may cashier area pero wala pa ro’n si Ethan kaya tumingin-tingin muna ako sa mga libro at baka may magustuhan pa ako.
“Anja,” someone called my name habang binabasa ko ang blurb ng libro na may magandance cover. Tiningnan ko ang direksyon ng baritonong boses na ‘yon at muntik na akong mapamura nang makita kung sino ‘yon.
Si Dion, ‘yung makulit na manliligaw ko. Iniiiwasan ko siya na makita sa school o makasalubong dahil madalas niya akong niyayaya na mag-lunch o magmiryenda. He’s not bad, but he’s not my type. Mas gusto ko ‘yung mas matangkad sa’kin at ka-height ko lang siya.
“Hi,” I shyly said. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagtuon ng pansin sa mga libro.
“Game ba tayo next week?” Niyaya niya ako noon na mag-unli chicken next week habang hindi pa raw siya busy. Ayokong paasahin siya pero pumayag na ang mga kaibigan ko.
“Sige lang.”
“Anja, kumpleto na ang akin.” Napalingon ako kay Ethan na may dala-dalang basket. Dion bit his lower lip. He might be thinking that Ethan and I were in a relationship. Baka sabihinpa niya na manggagamit ako at nagpapalibre pa rin ako sa kanya kahit na may boyfriendd na ako.
“Sino siya, Anja?” pabulong na tanong ni Dion. Dama ko sa boses niya na hindi niya nagugustuhan ang nangyari.
Bakit ba parang kasalanan ko pa na hindi ko siya nagustuhan?
“Si Ethan, kapatid ni Wilson. Sinamahan niya lang ako na bumili ng gamit namin para sa group project. Huwag kang ma-issue d’yan.”
Lumapit ako kay Ethan at inilagay sa basket niya ang mga nabili ko kanina. Iniwan ko na lang ang walang laman na basket sa sulok. Aayusin naman ng staff ‘yon mamaya.
Kumaway ako kay Dion na mapait na nakangiti sa amin. Kinakailangan pa naming magbayad sa counter.
“Kaklase n’yo rin ‘yon?”
“Nope. Manliligaw ko.”
“Bagay kayo, huh?”
I grinned my teeth. Ano ba ang sinasabi niya? Napamura na lang ako sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Still My Fault
RomanceAnja was still young when he had a relationship with Ethan until she realized that it became a barrier behind her dreams. ... Anja assured herself that her dreams is her priority before entering a relationship. One day, he met Ethan in a convenience...