Epilogue

93 4 2
                                    

Anja's Point Of View

    "Congrats, Ate!" Nakangiting bumati sa akin si Mia nang makalabas ako sa gym. Ngayon ang graduation namin. Sa wakas naabot ko na ang pangarap kong maging Physical Therapist. Sa hinaba-haba ng pag-iintay ko para makagraduate, ngayon nangyari na.

     "Mia, pagbutihin mo ang pag-aaral mo para magaya ka sa 'kin, ah." Ginulo ko ang buhok ni Mia.

     Sa Charlton din siya nag-aaral at kumuha ng course na Fine Arts. Edi siya na mahilig sa arts. First year college pa lang siya kaya baguhan pa sa Charlton. Noon freshman pa lang siya sa highschool nang umalis ako, ngayon naman baguhan siya sa college. Sigurado naman akong independent na siya sa buhay niya.

      "Oo naman, Ate. Ako pa ba." Um-apir ako sa kaniya.

       "Saan niyo gustong kumain?" Napatingin ako kay Papa na sumingit sa usapan namin. Nasa likod siya si Mama na may kinakausap na mga magulang.

      "Jolibee," matipid kong sagot.

      "Ate, wala ka bang ibang choice. Maganda siguro sa Romeo and Juliet's. Isang beses kumain kami do'n ni Mama, ang sarap kaya ng pagkain do'n."

     I bit my lip. That's the place where Ethan and I first dated. I can't go back to that nostalgic place. I feel uncomfortable. Ngayon pa na tatlong taon na kaming 'di nagkikita at wala akong balita sa kaniya. Hindi ko nga alam kung buhay pa siya, eh. Hindi ko alam kung may asawa na siya California. Hindi ko alam kung nakauwi na siya o umuwi man lang ba siya.

      "Ate!" Natauhan ako nang yugyugin ako ni Miandra. Natutulala na naman ako dahil kay Ethan.

     "Sorry, sige do'n na tayo kumain." Bumaling ako ng tingin kay Mama. "Ma, una na po kayo sa kotse magpapaalam lang po kila Reese." Ngumiti si Mama at umalis na silang tatlo.

     Bumalik ako sa loob ng gym para hagilapin ang mga kaibigan ko. Gusto ko munang magpaalam dahil hindi kami gaanong nakapag-usap kanina.  Mabuti na lang at nakita ko sila na nag-uusap sa gilid ng gym.

     "Anja, nandiyan ka pala. Akala namin umuwi ka na at nagpapatulis na ng baba." Tinawanan nila ang biro ni Vlad. Ang sarap talaga sapukin ng lalaking 'to. Lagi na lang siya inaasar ang baba ko.

      "Where are we going to crash?" Excited na saad ni Quinn.

       "Guys, hindi kami makakasama ni Vlad. Ipapakilala ko na kasi siya sa parents ko as my boyfriend."

      Buti pa sila Reese at Vlad magkasama pa rin hanggang ngayon. They became lovers since third year. Hindi ko naman alam na gusto na pala siya ni Vlad. Simula first year alam kong crush na siya ni Reese, 'di ko naman akalain na magkakatuluyan na pala sila. They are both happy. Sabagay pareho silang pikunin at palaasar.

     "Ikaw ba, Lucas?" Tanong ni Quinn. Mukhang nawawalan siya ng pag-asa na magkaroon ng kasama. Sa aming lima siya lang ang walang jowa. Ako rin pala wala 'yung boyfriend ko. Wala pa rin si Ethan.

     "Seven and I were going to a famous  restaurant. Quinn, you can join us."

     "Nakakahiya naman sumama sa inyo. Ano ako third party? Pati ayokong makasama sa Vlog ni Seven nakakahiya makita 'yung mukha ko sa youtube."

     Lucas started to court Seven on our second year. Hindi naman pala torpe si Lucas. Talagang nahihiya lang siya umamin. It turned out na gusto rin pala siya ni Seven. 

    Seven is a youtube vlogger. Simula nga nang maging sila ni Lucas lalong dumami ang subscribers niya. Hindi ko naman siya masisi because they are perfectly match with each other. Ang cute rin naman nilang dalawa kapag magkasama. Minsan nakasama ko na rin si Seven and she's pretty great. Ang saya niya kasama kahit medyo tahimik siya. Kapag naman napapanood ko ang vlog niya mukha naman siyang jolly.

Still My Fault Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon