Chapter 25

56 7 3
                                    

   Si Ethan ang may dala ng mga pinamili ko sa department store. Hindi ko alam kung saan kami susunod na pupunta. Pagod at gutom na rin ako kakapamili. Hindi ko alam kung papaano ko mapapasaya si Ethan ngayon. Siguro bilhan ko na lang siya ng regalo mamaya.

   "Gutom ka na ba?" Tanong nito sa akin. Bahagya akong tumango. Gutom na kasi talaga ako. "Saan mo gusto kumain?"

 "I'm not on the mood to eat fastfood so sa foodcourt na lang tayo. Fries and Takoyaki are okay for me."

   Nagtaka siya sa sinabi ko. "Hindi mo ba muna titingnan kung ano pa ang gusto mo sa foodcourt? Pupunta na din naman tayo doon."

   "May pupuntahan pa kasi ako. Mauna ka na do'n." Sumenyas ako na pawang itinataboy siya.

   "I'll join you then." 

   Hindi niya ako pwedeng samahan dahi regalo para sa niya ang bibilhin ko. Gusto ko naman maging surprise 'yon kahit papaano. Magkano na ang nagastos ni Ethan sa akin ngayong araw. Halos hindi na nga ako gumagastos sa bahay. They all deserve a gift.

   "Hindi pwede. I mean mabilis lang naman ako. Matagal pati ang pag-iintay do'n. I'll be back in a couple of minutes." I assure him with my magical smile.

  "Fine. Mag-ingat ka." Tipid niyang sagot at tumalikod na.

   Ano kayang pwede kong ibigay sa kanila? Kay Ethan talaga ako nahihirapan dahil hindi naman siya palabasa ng libro, hindi din siya mahilig sa music at hindi din siya sporty. Maalam siya magbasketball pero hindi siya player. Si Vlad nga lang ata ang kalaro niya.

   Unahin ko kaya muna 'yung kila Tita Wilma,Ate Mary Joy at Vlad. I need to act fast. Baka mag-alala si Ethan sa akin.

   Una akong pumunta sa Krispy Kreme. Bumili ako ng isang dosenang doughnuts para may pasalubong ako mamaya. Hinayaan ko na 'yung nagseserve sa flavor basta ay may variety.

    Dahil sporty si Vlad, pumunta ako sa isang shop kung saan nagtitinda jersey. Ang daming varietiea ng jerseys. May iba't ibang kulay at number. I ended up buying the lemon yellow and dark blue jersey. I just feel that it fits Vlad compare to the other colors.

   Pumunta ako sa Penshoppe para ibili sina Tita Wilma at Ate Mary Joy ng damit. Kahit matanda na si Tita Wilma, maayos pa rin itong manamit. Iyong tipong may style ba. Hindi din papahuli si Ate Mary Joy. Isang beses nakita ko siya na nakaporma. Hindi ko nga alam kung may date siya noon o bibisita lang sa kaniyang pamilya.

  I ended up buying a couple of tops and jeans for the two. Sinamahan ko na din ng pabango. Ngayon lang ako makakapagregalo sa kanila at hindi ko hahayaan na basta-basta lang iyon.

   Malaki na ang nagastos ko ngayon at ang dami ko ng bitbit. Si Ethan na lang ang hindi ko nabibili. Nao ba kasing pwedeng iregalo sa kaniya. I feel bad about myself. I'm his girlfriend but I don't know what to give.

   Bumalik ako sa department store para ibili si Ethan ng regalo. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong namimili basta I enjoy doing this. I enjoy giving gratitude to the people I love the most. Bibigyan ko din sina Mama kapag umuwi ako doon. Ang hirap din umuwi dahil sa hectic schedule.

   Habang tumitingin-tingin sa department store ay nabaling ang atensyon ko sa isang headband. Ang cute! Kulay pink iyong headband at may parang tainga ng kuneho na nakakabit dito. Hindi ko maimagine ang hitsura ni Ethan kapag isinuot ko ito sa kaniya.

    Ilang minuto na akong naglilibot sa department store ngunit wala pa rin akong makita na pwedeng ibigay sa kaniya. I should buy him shoes. Iyon lang naman ang magandang ibigay sa kaniya. The shoes should be high quality.

   Pumunta ako sa section ng mga sapatos. Tumitingin ako sa design. Gotcha! 

   Napatingin ako sa isang sapatos. I really like the design. Mahal din naman siya kaya pwede ko na itong ibigay kay Ethan. Sana magustuhan niya ito. Papunta na ako sa cashier nang tumunog ang phone ko. Ethan was calling. Sinagot ko ang tawag at itinapat ang phone sa tainga.

"You've been searching for almost am hour. Where are you?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Sabi na natagalan ako. Pabalik na naman ako Ethan.

"Pabalik na ako. Babayaran ko na 'to. Wait lang." Nagmamadali kong sabi.

"Fine basta naandito pa rin ako sa foodcourt." Sabi nito at ibinababa ang tawag.

 Nagmamadali akong pumunta sa cashier at binayaran 'yung headband at sapatos. Ang cute kasi talaga ng headband. 

"Wow Mam ang yaman niyo naman po. Ang swerte po ng pagbibigyan niyo ng thirteem thousand pesos na sapatos. " saad ng cashier at ibinigay ang mga ipinamili ko. Ngumiti na lang ako at naglakad na pabalik aa foodcourt.

Nakita ko agad si Ethan sa foodcourt. Sinalubong niya ako at kinuha ang aking mga pinamili.

"Just for a couple of minutes." Ginaya niya ang boses ko kanina habang inaayos 'yung mga pinamili ko sa upuan. Pinaghintay ko siya ng halos isang oras. 

"Bakit naman ang dami mong ipinamili?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa akin.

"It was my gifts for your family. I am very thankful to all of you. Halos wala na naman akong ginagastos sa bahay kaya bumili na ako ng mga regalo. May regalo din ako sa iyo, wait." Sabi ko at hinalungkat 'yung paperbag na mula sa department store. Una kong inilabas 'yung headband at isinuot iyon sa kaniya.

"Seriously?" Nagtatakang tanong niya at akmang tatanggalin ang headband pero pinigilan ko siya.

"Huwag, you look cute there."

  Napangiti siya sa sinabi ko. "If I look cute because of this, I won't remove it." Sabi niya at hinayaan ang headband na nasa ulo. Cute na sexy pa.

"May regalo pa ako sa iyo bukod diyan." Sabi ko at inilabas ang box ng sapatos na binili ko kanina. Halata sa kaniyang mukha ang pagkabigla sa sapatos.

"Burberry? How did you bought this? Ang mahal nito. Huli akong nagkaroon nito noong pumunta ng States sila Daddy." Hanggang ngayon ay seryoso pa din siyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Malungkot kong tanong. Ngumiti siya sa akin at tumayo. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ofcourse I do. This would be my favorite shoes from now on." 

  Bumalik siya sa upuan niya at pinansin ko ang fries. Nang hawakan ko iyon ay mainit pa. Akala ko ba ilang oras na akong naghintay.

"Bakit mainit pa 'yung fries?" Nagtataka kong tanong habang sinisipsip 'yung flavor na nasa daliri ko.

"Lumamig na kasi 'yung pagkain kanina kaya kinain ko na lang at ibinili kita ng bago. I don't want you to eat unfresh foods. You're my queen and you deserve the best food in the universe."

Ethan, you're making me blush for the third time today. Now I know why I fell in love with Ethan Velasquez.

Still My Fault Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon