Chapter 33

49 5 1
                                    

Anja's Point of View

    It's a week after the Christmas Vacation had started. I'm with Ethan and we're here at the biggest mall in our country. This would be our last date before saying goodbye to each other. Hanggang bagong taon ako mananatili sa amin at hindi kami makakapagkita dahil ayoko namang mawalan ng kasama sila Tita Wilma sa bahay. Si Vlad at Mary Joy din kasi ay uuwi sa kani-kanilang lugar.

    "What do you want to do today?' Nakangiti niyang tanong sa akin. 

     I crossed my arms at tumingin sa kaniya. "We could do arcades." 

     Naalala ko noong isang beses na nagpunta kami sa mall, hindi ako nag-aya sa arcades dahil pagod na pagod ako. Pero ngayon parang gusto ko siyang makasama sa ganoong mga bagay.

     "I thought you don't do arcades and you told that it's just for kids."

     "I've already changed my mind, Ethan. Laging nag-iiba ang mga gusto namin."

     Bahagyang natawa si Ethan sa sinabi ko. Totoo naman kasi na madalas paiba-iba ang gusto namin. Minsan gusto namin ng matamis, maasim o kaya ay  maalat. 

    Nakahawak sa beywang ko si Ethan habang naglalakad kami sa mall. He's currently wearing a brown cap, striped shirt and shorts. He looks innocent with his outfit yet still good-looking.

    "Here we are," He said with a marvelous tone of voice. 

  

    I never thought that the arcade here is really big. Kumpara sa mall namin, doble o triple ang laki ng arcade sa MOA. Siguradong magsasawa kami sa paglalaro.

   Nakahawak ako sa braso ni Ethan nang magpapalit kami ng tokens. Sa dami ng arcades dito ay hindi ko alam kung ano ang uunahin.

    "Where should we go first?" I asked.

     Inikot ko ang mata ko sa buong Tom's World ngunit wala akong mapansin na kahit anong nakakuha ng interest ko. Ang dami rin kasing tao na nasa loob ngayon.

     "We should try the basketball one." Nakangiting yaya sa akin ni Ethan.

     Ngayon ko lang naalala na mayroon nga palang basketball dito. Hindi ako mahilig sa basketball pero iba ang sayang nararamdaman ko sa tuwing naglalaro ng basketball sa arcade. Pakiramdam ko sporty ako at maalam kahit hindi naman talaga.

     "That would be great!"

       Hinila ko si Ethan papunta sa arcade basketball. Naghulog siya ng dalawang tokens at nagsimula nang bumababa ang mga bola. 

      "Fuck."

      Napamura ako nang hindi pumasok ang unang bolang inihagis ko. Minsan na nga lang maglaro hindi pa makapagpa-shoot. Tiningnan ko si Ethan na naka-pokus sa ginagawa niya. Bakit ang galing niya magpa-shoot.

     "You're great, huh?" Saad ko at inihagis ang ikalawang bola ko patungo sa ring. Hindi na naman iyon lumusot sa ring.

      "Wilson and I were doing this for years. Ito ang palagi naming pinupuntahan ni Wilson kapag nagtutungo kami sa mall. Wilson is better than me in terms of this game." He said while still focused on shooting the balls.

     I bit my lip. Si Wilson na naman ang laman ng kaniyang isipan. I'm not fucking jealous of a dead person. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya na lang ang palaging lumalabas sa bibig ni Ethan. Naalala ko tuloy noong nagpunta kami sa Casa Villanueva noong nakaraang biyernes, iba ang galaw niya noon. Nakikita niya raw si Wilson kahit na tatlong taon na itong patay. Hindi ako naiinis sa kaniya. I just feel that he's still not over with the accident. Pakiramdam ko binabagabag pa rin siya ng aksidenteng iyon.

    Natapos ang oras ng basketball at naglaro pa kami ng ibang arcade. Halos maubos ang tokens namin sa claw machine pero wala kaming makuha kahit isa. Dalawa na lang ang natitirang tokens namin kaya't si Ethan na ang pinaglaro ko.

    "I'll show you my skills." Kumindat siya sa akin nang sabihin niya iyon at inihulog ang token sa machine. Nagsimulang umilaw ang claw machine. Tumatagaktak ang pawis ni Ethan habang tinitingnan ang claw machine. He's really into this, huh? The time ended at nahulog lang ang stuff toy.

    "I'll show you my skills." I mocked him. Natatawa ako sa sinabi niya kanina. Ang yabang-yabang kasi tapos hindi pala niya makukuha 'yung stuff toy na snail.

    "Wait, I still have a chance."

      Ipinakita niya sa akin ang huling token namin at inihulog iyon sa claw machine naging determinado siya sa pagkuha no'n. Ilang segundo lang ang lumipas nang umalis kami sa arcade room dala-dala ang stuff toy na nakuha namin.

    "Did you know that the first item I got in claw machine was a lego game?" Tumango lang ako sa sinasabi ni Ethan. "I was already fourteen years old when I did that. Dahil hindi ako naglalaro ng laruan sa edad na 'yon. Ibinigay ko kay Wilson ang laruan na 'yon. Alam mo ba ang saya-saya niya nang makuha niya iyon. He even idolize me just because of a claw machine."

     I thought we're having some moments for ourselves. Bakit si Wilson pa rin ang bukangbibig niyang hanggang ngayon? Bakit lagi na lang mga memorya nila ng nakababata niyang kapatid ang binabanggit niya? Hindi ako natatakot na malaman na mas mahal niya ang kapatid niya kaysa sa akin. Natatakot ako para kaniya, that he's pointing out himself on the accident.

    "Gutom na ako. Kumain na kaya tayo?" 

     I pretend that I am hungry. Hindi pa talaga ako gutom dahil kumain ako bago umalis at maaga pa naman ngayon. I just don't want him to remember his brother again. Ayokong maalala na naman niya ang aksidenteng nangyari noon.

    "Sure, babe."

   

    I bit my lip when I heard that word again. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang salitang 'babe'. I feel loved and cared about. Hindi ko alam pero bakit ang magical ng salitang 'yon. Isama mo pa ang baritonong boses ni Ethan. 

    Inakbayan niya ako papunta sa restaurant. The clientele of the restaurant was good. It feels like in a traditional cuisine because it serves traditional Filipino food with a modern design.

    "What do you want, Anja?" 

       Tiningnan ko ang menu. Maraming traditional foods ang naririto. I like to taste them all pero mukhang hindi naman kakayanin ng tiyan ko.

    "I would like to have Chicken Adobo and Halo halo," Nakangiti kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang inorder niya para sa sarili dahil mahina lang ang pag-uusap nila ng waiter at nakapokus ako sa cellphone ko.
 

   Nang matapos silang mag-usap, nakangiting tumingin si Ethan sa akin.

    "This cuisine is really remarkable for me."

     I don't like this kind of conversation. Bakit hanggang dito uungkatin niya pa rin ang nakaraan? Past is past and it will never happen again even though the past can teach us the best life lessons.

    

    "Why? Bakit naman?" Lumunok ako nang sumagoy ako. I really don't want to entertain him with that topic. Ayokong marinig na naman ang pangalan ng nakababata niyang kapatid. 

    "We have our last supper here. Dito kami huling kumain ng hapunan nang sama-sama. Matapos kasi noonh kumain kami dito lalong nagkalabuan sila Mommy at Daddy noon. Madalas kami na lang ni Wilson ang sabay na kumakain. Minsan mag-isa na lang akong kumakain. That's why this restaurant is really a historic place for me." 

     I don't know but I pity him. Mahal na mahal niya ang kapatid niya noon pa man at halos nabuhay siya para iparamdam sa kapatid niya na walang kulang. That's why he's still saying that it's his fault that Wilson is dead.

Still My Fault Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon