After eating we decided to take a stroll in the mall. May nadaanan kaming ice cream stall kaya tumigil muna kami at bumili dito, nag usap at nagtawanan lang kami ni Ethan ng mapansin namin na dumidilim na sa labas.
"May gusto ka pang puntahan?" Tanong ni Ethan. Umiling lang ako, "Let's go home." Nakangiti kong sabi.
Lumabas na kami ng mall at dumiretso na kami sa parking lot. Sumakay na kami sa sasakyan at inilagay na namin ang mga ipinamili sa backseat. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Ethan na sinisimulan ang makina.
Suot pa rin kasi niya 'yung headband!
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na yakapin si Ethan. He chuckled and asked "Why?" Umiling lang ako at umalis na sa yakap.
"Thank you for today. Nag enjoy ako." Sabi ko at pinisil ko pa ang pisngi nito.
Ang cute!
Nakatingin lang ito sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi. Ako naman ang nagtanong kung bakit. Yung tingin niya kasi sa akin, baka atakihin ako sa puso dahil doon.
"Thank you din." He sincerely said. Nginitian ko siya pabalik pero nagmukhang tanga ata yung akin kasi napatawa na naman si Ethan.
Ang duga talaga! Simpleng 'thank you' niya lang, kinikilig na ako!
Nakatulog ako sa biyahe ng makaramdam ako ng antok at pagod. Nagising lamang ako sa malambot na tapik ni Ethan sa aking pisngi. Tumingin ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng bahay nila.
"Baba ka na, park ko lang ang sasakyan." Malambot nitong sabi. Akma ko nang kukunin ang mga ipinamili pero ang sabi ni Ethan siya na lang daw ang magdadala nito sa loob dahil pagod na daw ako.
I'm sure pagod rin si Ethan pero tumango na lamang ako ng nakita kong nag-aalala siyang nakatingin sa akin.
Pati ba itsura ko pagod na pagod na rin?
I mouthed him a 'Thank You' then got out of the car.
Pagkapasok ko ng bahay nakita ko agad si Tita Wilma na halatang inaabangan ang uwi namin. "Good Evening po." Bati ko sa kaniya. "Napagod ata kayo, ah." Lumapit sa akin si Tita Wilma at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik at marahang tumango.
Agad din kaming umalis sa yakap. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa sofa. Umupo ako dito pero parang hindi naging kuntento ang katawan ko. Tinanggal ko muna ang sapatos ko at niluwagan ang necktie na suot ko para makahiga ng maayos.
I know that I'm tired pero hindi ko alam na ganito pala kalala. Hindi ko rin alam kung bakit ako napagod ng ganito, hindi naman ako tumakbo mula Calamba hanggang dito.
"Anong nangyari?" Dinig ko ang boses ni Vlad. Nakita kong pababa sila ng hagdanan, nakita ko rin si Ate Mary Joy na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"I'm fine." My voice was raspy. I gulped when I feel my throat getting dry.
"You don't look fine." Vlad seriously stated.
Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo at leeg ko. Siguro basa na rin ang buhok ko dahil dito.
"Eto, Anja." Lumapit si Ate Mary Joy sa akin na may dalang baso ng tubig. Umupo ako ng ayos at ininom ito. Dinilaan ko ang labi ko ng maramdaman kong nanunuyo ito, kaiinom ko lang ng tubig pero daig pa nito ang Sahara Desert.
Hinipo ni Ate Mary Joy ang noo ko. "Nilalagnat ka, ang init mo." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya.
"Huwag ka na munang pumasok bukas." Sabi ni Tita Wilma at umupo sa tabi ko. They sound so worried and I'm relieved, kasi kahit papaano may mga taong nag-aalala at nag-aalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Still My Fault
RomanceAnja was still young when he had a relationship with Ethan until she realized that it became a barrier behind her dreams. ... Anja assured herself that her dreams is her priority before entering a relationship. One day, he met Ethan in a convenience...