Chapter 28

46 7 3
                                    

"Good Day sa inyo." Nakangiting bati ni Tita Wilma sa mga kaklase ko na papasok sa bahay. Dito pa rin ang napag-usapan namin. Gusto rin kasi ni Tita na makitang muli ang mga kaklase ko. Maski ako miss ko na rin sila.

"Bigatin ka na, Anja. Kamusta naman dito?" Tanong sa akin ni Bea. 

    She's really gorgeous today. Tanda ko noon sobrang patpatin niya at parang walang laman. She became sexier dahil sa kaunting laman na andagdag sa katawan niya. I can say she improved a lot.

"It's good here. They are really great especially Ethan. How about you? You're gorgeous and your body became sexier."

   Hinampas niya ng mahina ang balikat ko. Tama naman ako dahil iba na talaga ang hitsura niya. She's my friend for years kaya masasabi kong iba na talaga ang hitsura niya.

"Saan ang university mo?" Tanong kong muli.

"Ust. How 'bout you?"

"Charlton. Doon din si Ethan, eh. "

"Wow. Ano ka Taylor Swift? Can I go where you go?" Natawa naman ako sa tinuran niya. 

"Oy, anong pinag-uusapan niyo diyan?" Napalingon ako sa malagong boses na narinig ko. It was Nicko, another friend of mine.

  Shit, he looks great. Bakit parang tinamaan kami ng adolescence sa tatlong taon naming hindi pagkikita? Ang tangkad na niya ngayon and his face is pretty good-looking too.

"We're talking about universities. " sagot ni Bea.

"Good." Matipid na tugon ni Nicko.

   Nag-usap kaming tatlo bago pumunta sa backyard ni Tita Wilma. Malapit na rin dumilim ang paligid at kakaunti pa lang kami na naririto. Hanggang ngayon, Filipino Time pa rin ang section namin.

"Nasaan si Kuya Ethan?" Tanong nang nakasalubong namin  na si Vernique. Siya ang punong-abala ngayon kasama si Vannah. They are both leaders kaya si  Vernique ang nakakuha ng leadership award noong moving-up.

"Nasa kwarto niya. Kakagising lang niya noong bumababa ako, eh. You can check him out inside." I said and Vernique just nod on me. She's pretty busy that's why she's on the state of rush.

   Naupo muna kaming tatlo nila Bea sa monoblock chairs na nakaayos. Habang nakatutok sa cellphone, naririnig ko ang usapan nila Gwen at Vladimir sa likod. Vlad was not our classmate back then but Gwen and him were friends.

"Kamusta si Tita Betty?"  Tanong ni Gwen sa kaniya.

"Ayos naman siya. Umaayos na rin ang pakiramdam niya." He seems serious. 

  Kapag kaharap ko siya, para ko siyang mortal enemy. Palagi kaming nag-aasaran kaya tinatawanan na lang kami ni Ethan. Namimiss ko tuloy sina Reese, Quinn at Lucas. Martes pa noong huli ko silang nakausap. Halos limang araw ko na silang 'di nakikita. We chat sometimes but I miss their voices.

"How about your stay here? Kamusta naman ang mga kasama mo sa bahay?" Tanong muli ni Gwen.

  Talagang malapit na magkaibigan sila noon pa man base sa pag-uusap nila. They look so comfortable with each other. Gano'n din naman ako kila Laraine at Bea.

"Ang saya nga dito. Tita Wilma is giving me anything. Malaki rin ang allowance ko. Siya rin ang nagbabayad ng tuition fee ko. Tita Wilma is a good mother after all. Si Ate Mary Joy naman ang saya niya kasama. Si Kuya Ethan, he's clingy with Anja pero he's a good brother. Pakiramdam ko talaga kapatid ko siya. Si Anja, she acts like my older sister. Mabait naman siya at maganda pero masakit kapag napapahawak ako sa baba niya." Natawa si Gwen sa sinabi ni Vlad.

  Hanggang ngayon ba naman 'yung baba ko pa rin ang inaaputag niya? Kung wala lang talagang event ngayon, kukutusan ko na talaga itong si Vladmir. Ang dami niyang alam. Lagi na lang akong inaasar.

Still My Fault Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon