After 5 years.
Nagtratrabaho na ako ngayon sa isang malaki at kilalang Insurance company. At masasabi ko na naging matagumpay ako sa buhay ko ngayon. Nagagawa ko na lahat ng gusto ko, nabibili ko lahat ng kailangan ko at higit sa lahat naiibigay ko na ang buhay na maganda sa family ko. At sympre kasama ko parin si Jaybee, isa na siya ngayong supervisor sa work namin noon, masaya ako dahil naging maganda na rin ang buhay ng bff ko.
AT DITO NA NGA MAG-UUMPISA ANG PAKIKIPAG SAPALARAN NG AKING PUSO.
- - -
"Manong, bayad po!" sabay abot ko ng bayad. Coding ko ngayon kaya commute ang beauty ko.
Ako iyong tipo ng tao na hindi mahilig tumingin sa mga kasabayan ko sa jeep. Hindi kasi ako palabating tao, pero okey naman ako pag nakilala mo na ako personally.
"Miss pasuyo nga," narinig kong sabi sa akin. Hindi ko siya tiningnan at kinuha ko lang ang bayad niya. Pakialam ko ba sa kanya. Malapit na ako sa pinagtratrabahoan ko, pero na stuck pa kami sa traffic. Hays. Malapit na rin akong ma-late.
"Manong, bababa na po ako. Sadali lang po," bumaba na ako ng jeep. Lalakarin ko nalang kaysa abutin ako ng pamumuti ng mata kakahintay na umusad ang jeep. Nalaman kong may nagbanggaan pala sa unahan kaya di makausad ang ibang sasakyan.
"Snatcher! Kinuha ang bag ko! Tulong! Help me!" narinig kong sigaw ng isang babae, 'di kalayuan sa harapan ko. Walang nag tangkang tumulong dito at nakikita kong patakbo ang snatcher patungo sa akin. Kumulo kaagad ang dugo ko, ke laking tao di magbalat ng buto! Pinatid ko siya at sa isang iglap binawi ko ang bag mula sa kanya at sa inis ko, binali ko ang isang daliri niya. Ops, hindi naman ako wristler pero lumalabas ang pagkabruha ko pag di ko gusto ang ginagawa ng tao.
"Next time hindi lang daliri mo ang babaliin ko, kundi iyang leeg mo na!"
Nakita ko ang babae na palapit sa akin at ibinigay ko sa kanya ang bag nito. "Miss ikaw na bahala sa taong 'to, mag iingat kana sa susunod."
"S-s-alamat po," umiiyak ito.
Tumango lang ako at dumeretso na. Bago ako lumiko nakita ko ang pagdampot ng mga pulis sa snatcher na dumadaing sa sakit. Buti lang yon sa kanya.
Nakikita ko na ang building. Isang tawid nalang at makakarating din ako. Bago ako tumawid, nakita ko ang isang may katandaang babae. Palinga linga ito, malapit kasi ang loob ko sa mga matatanda kaya nilapitan ko siya, may dala siyang isang bayong na puno ng gulay.
"Lola, tatawid po ba kayo sa kabila?" magalang na tanong ko. Tumingin si lola sa akin at parang nahihiyang ngumiti, tiningnan din niya ang suot ko. Oo maporma talaga ako manamit, at lage akong on heels pag umaalis ng bahay, dahil sa height kong five flat need ko talaga ang high heels para magmukhang matangkad.
"Lola, tatawid po ba kayo sa kabila? Tulungan ko na po kayo," sabay bitbit ng bayong niya.
"Naku hija, ako na diyan hindi bagay sayo ang magbitbit ng bayong. Ako ang nahihiya sayo. Sige na ibaba mo na yan, ako na diyan," sabi ni lola sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Huwag po kayong mag alala lola, wala naman po akong BF kaya okey lang!" natatawang sabi ko kay lola.
Nasa mukha nito ang pagkagulat. "Aba'y ke ganda ganda mong bata wala kang nobyo? Iyong apo ko nga dalawa dalawa, ikaw wala ni isa?"
"Ganun po lola? Eh di, mas maganda po ang apo niyo sa akin," tumawa siya. Bitbit ang bayong ni Lola inalalayan ko siya patawid. Naka stop na ang mga sasakyan kaya safe na kaming tumawid ni Lola.
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomanceDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...