Chapter Twelve - Be mine again

514 11 1
                                    

Christoff blow the candles after namin siyang kantahan ng happy birthday song, nagpalakpakan kami lahat. "Happy birthday!" isa-isa na kaming bumati dito.

"This is my most happiest birthday ever.. thank you!" nag bow muli ito. At hinapit ako sa baywang sabay isang matunog na kiss sa pisnge ko.

"Thank you Sweety, you made my wish come true."

Ngumiti ako sa kanya. "let's ate the cake na." nagsiunahan na kami sa pagkuha at pag slice sa cake.

Pagkatapos ng foodtrip namin ay sumakay naman kami ng speedboat para libutin ang buong isla. Lahat kami humanga sa ganda. Balak daw ng pamilya Kang na buksan sa publiko ang naturang isla, gagawin daw nitong resort island sa susunod na mga taon. Pang hatak tourist din naman kasi ang ganda ng isla.

Niyakap niya ako sa likod habang nasa speedboat kami, inihinto niya iyon sa gitna kung saan tanaw ang kabuoan ng isla. Kami lang dalawa sa speedboat dahil sa ibang speedboat sila. Sumandal ako sa dibdib niya habang namamanghang pinagmasdan ang isla Kang.

"Ang ganda.." hindi ko napigilan ang sarili kong i-voice out iyon.

"Yes. This is my favorite place, pag sawa na ako sa Manila dito ako pumupunta." hinalikan niya ako sa ulo.

"Alone? or with someone else?" napakagat labi ako sa tanong ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Alam mo bang last year nag wish ako? I wished na sana makita ko na ang babaeng para sa akin, na mamahalin ko habang buhay at pag nangyari iyon isasama ko siya dito. That's why your here.."

Humarap ako sa kanya. "Christoff.. why you love this much? have we met before the elevator incident?"

Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. "Yes. Nakita kita nung kinarate mo yung snatcher.. and you helped grandma in the street while carrying .. " nag-isip ito. Napangiti narin ako.

"Bayong." ako na ang sumagot para sa kanya.

"Bayong?" twang na pagkasabi nito.

Kung ganoon pala.. kilala niya na pala ako.. tumango ako.

"From that moment. I know you already have my heart, cheezy right? But it's true.."

Sinakop ng mga palad ko ang pisnge niya. Hinalikan ko siya sa noo.. sa ilong.. sa magkabilang pisge.. sa kanyang mga mata.. sa baba.. at syempre sa lips.

"Iloveyou Sweety.." he murmured. Pinagdikit ko ang aming mga noo.

BonFire

Nakapalibot kami lahat habang naggigitara si Kevin. Sumasabay kami sa kinakanta nitong pusong bato. Haha.

"I think I love you na." si John kay Kevin.

"Mag hunos dili ka nga!" kontra naman kaagad ni Marie.

Kumuha si Sally ng bote. Magkatabi kami ni Christoff habang kaharap naman namin si Marknell.

"Okey guys truth o dare tayo, game ba kayo?" Sally.

"Yan oh!" si John. Naglagay ang mga ito ng maliit na tabla sa gilid ng bonfire. "sir you know this game?" tanong niya kay Christoff.

"Yes. I used to play that way back in my childhood." tinapik ni Christoff ang balikat, napangiti ako at inihilig ko ang ulo sa mga balikat niya. Tumikhim naman si Marie sa kilig.

Umikot ang bote at kay Christoff iyon natapat. Naghiyawan kami. Nakisali narin ako sa kasiyahan. "Truth o dare?" si John.

"Truth." sagot ni Christoff.

Ngumiti ng kaloka si John. "do you think si Miss Jhin na ang babaeng magiging Mrs. Kang soon?"

Sinaway ko si John. Napaka intrega talaga ng baklang to. Hinawakan ni Christoff ang kamay ko.

"Yes." Naghiyawan na naman sila habang ngiti ngiti lang ako.

Si Christoff naman ang nagpaikot at tumama iyon kay Marknell. "Truth o Dare?"

"Dare." tumingin sa akin si Marknell.

Bakit biglang naging tensiyon ang paligid?

"Stay away from your ex." sabi ni Christoff na ikinagulat namin lahat.

"Huh? may ganun ba Sir?" si Sally.

"I can't do that." sagot ni Marknell.

"You lose this game." nakipagtitigan si Christoff kay Marknell. "do as I say."

"The game is not yet over." kinuha ni Marknell ang bote at pinaikot iyon at sa walang hiyang pagkakataon. Sa akin tumapat.

"Truth o Dare." si Marknell.

Hindi ko alam ang isasagot ko! "truth o dare." pang ulit niya.

"D-dare.." nasagot ko.

"Tumayo ka diyan at umupo ka sa tabi ko." si Marknell.

Nagkandaloko loko na!  Susundin ko ba o hindi?

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon