Tatayo na sana ako ng hawakan ni Christoff ang kamay ko. Tiningnan nito si Marknell. "Hindi siya aalis sa tabi ko."
"I dare her to sit down next to me." si Marknell. "why is there anything problem with that?"
"I told you. Stay away from your ex." si Christoff.
Lahat ng mga mata napapatingin sa kung sino man ang magsasalita. "at ang sabi ko, I cannot." matapang na sagot ni Marknell. Tumingin siya sa akin. "are you not going to sit beside me? kailan kapa naduwag?"
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Hinila ko ang kamay kay Christoff at umupo sa tabi niya.
"Sir this is just a game.. no hard feelings you know?" si John na di na kinaya ang tensyon. Pinagpapawisan na nga ito.
Tumayo si Christoff at hinila ako patayo. "aray ano ba nasasaktan ako!"
Binitawan ni Christoff ang braso ko. Napatayo na rin si Marknell. "teka ano bang merun dito?" si Marie.
Isang suntok ang ginawa nito kay Marknell, sumadsad ang huli. Dinaluhan naman kaagad ito nila Kevin.
"Tama na!" niyakap ko si Christoff para awatin ito.
"Ano bang problema mo?" si Marknell. Pinunasan nito ang nagdugong labi.
"Ikaw anong problema mo ha?" ganti naman ni Christoff. Humarang ako sa dalawa.
"Tama na! pwede ba?! Dahil kahit magpatayan pa kayong dalawa wala akong papanigan sa inyo! Dahil wala sa inyo ang mahal ko! Maliwanag ba? wala!" inis na pumasok ako sa loob ng bahay to pack my things.
- - -
"Sweety.."
Hindi ko pinansin si Christoff. Taga pasok ko ng damit ko sa maleta, kinukuha niya. Inis na inihagis ko ang ilang damit sa kama. Hinarap ko siya.
"Matagal mo na bang alam tungkol sa amin ni Marknell?"
Hindi ito nagsalita. "I'm sorry about what happened nag-init lang talaga ang ulo ko kanina.."
"Matagal mo na bang alam ang tungkol sa amin ni Marknell?" ulit na tanong ko sa kanya.
Umupo ito sa kama at napahilamos sa mukha. "I accidentally heard your two conversation.. I learned that he was your ex.. I learned everything.."
"Then why you didn't tell me?!"
"Dahil natatakot ako. Natatakot akong malaman na sa kabila ng ginawa niya sayo mahal mo pa rin siya! Ayaw ko Jhin na mawala ka sa akin eh.. sinaktan ka niya noon kaya bakit patuloy mo pa rin siyang minamahal?"
Napaiyak ako. "who said that I still love him? Christoff I'm trying my best na mahalin ka.. ikaw at hindi siya.. si Marknell ay isang nakaraan nalang para sa akin. Kung may iba man akong nararamdaman para sa kanya, iyon ay awa nalang."
Niyakap ako ni Christoff. "I'm sorry Sweety if nasaktan man kita. I'm sorry.."
"It's alright." napapikit ako. Tama ako, hindi ko na mahal pa si Marknell. Naaawa lang ako sa kanya dahil hindi parin siya makapag move on sa amin dalawa.
- - -
Awa? Isang kalokohan. Napasuntok ako sa pader. At bumaba na, nagsitabihan sila na noo'y nakikinig din sa usapan nila Jhin at Christoff sa loob.
Walang imik ang mga ito. Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto ko at kinuha ang gamit ko. Isang awa? Tingnan natin kung awa ba yang nararamdaman niya para sa akin.
"Pare saan ka pupunta?" si Kevin ng makita akong bitbit ang bag ko. Hindi ko siya sinagot at nagtuloy-tuloy na ako sa labas.
"Pare malalaki ang alon ngayon, delikado sayong pumalaot ngayon. Bukas na lang tayo uuwe."
Hindi ko siya pinakinggan at sumakay parin ako sa bangka. Wala na akong dahilan para manatili pa sa lugar na iyon.
=============================================================================
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomanceDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...