"I'm sorry Noona but you have to do this." hinawakan ni Christy ang kamay ko.
Ginulo ko ang buhok niya. "I understand."
- - -
Pagkatapos ng ilang oras na byahe sa eroplano ay nakarating din kami Manila. May pananabik sa puso ko na muling makita si Christoff.
Hinayaan ako ni Christy na kausapin mag-isa si Christoff kaya pagkatapos ihatid sa condo unit ay umalis na rin ito. Napaluha ako ng makita ang kalagayan niya. Empty bottles are everywhere at hawak hawak pa nito ang litrato naming dalawa.
"Christoff.." sinugod ko siya ng yakap, iyong mahigpit na mahigpit. "I'm so sorry.."
"Sweety.." umiyak na rin siya. "sweety your here." hinawakan niya ang mukha ko. "your real!" muli niya akong niyakap ng mahigpit. "where have you been? Okey ka lang ba? Ano tell me.. bakit ka umalis na hindi nagpapaalam sa akin? I'm so worried.. I miss you so bad.."
"I'm sorry.." parang pinunit ang dibdib ko.
Tumayo siya. "sorry about the mess. " kinuha nito ang tuwalya. Pero kaagad ding napabalik, "your not going to leave right?"
Tumango ako at nagsimula ng ligpitin ang kalat niya. Napangiti ako ng makita ang mga pictures namin together, ang saya namin. Kumuha ako ng damit niya at inilapag iyon sa kama niya, bumaba ako para ipagluto siya, nangayayat na kasi siya.
"C'mon have a seat. Dapat mainitan iyang tiyan mo at hindi puro alak ang laman niyan." pinasigla ko ang boses ko ng makalabas siya.
"Don't pretend that you are happy cuz I know your not." umupo siya at nagsandok ng kanin, inilapit ko sa kanya ang mangkok na may sinigang na baboy.
"Ayosin mo buhay mo Christoff, huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil lang sa akin.. I don't deserve it.."
Umiiyak siya habang kumakaen. "ang sarap pala ng luto mo."
"Christoff.."
"I know.. iiwan mo na ako for good. I know.. " nagpatuloy parin siya sa pagkain. "don't worry about me, I'll be fine. Thank you for coming sweety.."
"Christoff pwede ba kahit minsan man lang magalit ka naman sa akin! Naging unfair ako sayo diba? iniwan kita ng walang pasabi. Magalit kana man sa akin oh. ." hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tumayo ako at niyakap siya.
"Huwag mo ng isipin ako dahil pinapalaya na kita sweety." binitawan niya ang kutsara. Tumayo siya at may kinuha sa drawer niya. "here take this with you."
Tinanggap ko iyon. Napaiyak ako ng makita ang pares ng couple ring namin. "your free now at pipilitin kong maging okey ng wala ka." niyakap niya ako. "I failed Jhin, I failed to make you love me.. pero sana hindi mo makalimutan na minsan sa buhay mo may nagmahal sayo ng totoo at ako yun." tinapik tapik niya ang likod ko.
"let me be the one to say goodbye.. goodbye Miss Jhin." pinahid niya ang luha ko.
"Tears of joy dahil sa wakas malaya na ako.." umiiyak na sagot ko.
He lowered his head and kissed me in seconds and then he turn his back at pumasok na siya sa silid. Sobrang sakit ang naramdaman ko.. nadala ko sa dibdib ang singsing at mabigat sa loob na tuluyan ng lisanin ang lugar na iyon..
- - -
Napukpok ko ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit, mahirap pakawalan ang taong labis mong minamahal. Habang nasa shower ako kanina, sinabi ko sa sarili kong handa na akong harapin muli ang buhay na handa ko siyang patawarin pero pag may gagawin siyang bagay para pasayahin ako, alam ko na 'yon na ang paraan niya para tuluyan ng iwanan ako.
Yes I failed to make her mine. Hindi sapat ang puro pagmamahal ko lang..
"Happy monthsary Sweety.." I closed my eyes at binalikan ang masasayang bahagi ng buhay ko na kasama siya..
=============================================================================
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
عاطفيةDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...