[Ang makulit niyang pag-ibig]

523 13 5
                                    

Pumasok na sina John at Marie.

"Miss Jhin! kalerke ka! Why did you absent absent ha? worried na worried si Sir fafalicious sayo, kung alam mo lang ang feslak niya ng malaman niyang absent ka. para siyang baliw. as in Crazy!" si John.

"Anneyong hasiyo.." bati mula sa likuran nito. Nanlaki ang mga mata ni John sabay senyas sa akin.

"Si Sir?" bumuka ang labi nito pero walang salita. tumango ako. "OMG!" Dahan dahan itong umexit at pumunta sa table nito. "good morning Sir." bati nito ng nasa mesa na. Nginitian lang ito ni Christoff.

Mula sa likod inilabas nito ang isang punpon ng bulaklak. "good morning, flower para sa pinaka magandang babae sa mundo."

Yuck. corny nito ha? pero aminin kinilig ako, slight lang. kinuha ko ang bulaklak. "thank you." iniligay ko iyon sa vase, nalanta na kasi ang inilagay ko na roses na bigay din nito.

"Hey.. I remember that flower.." turo nito sa nalalanta ng roses. "yeah sa canteen.." malapad itong napangiti. "Konti nalang at mapapaibig na kita. Bye for now sweety, nakita na kita kaya buo na araw ko." nag flying kiss pa ito. Kilig na kilig naman sina John at Marie.

"Anong sinabi ng langgam sa sweetness ni sir Fafalicious?"

Napapangiting napailing nalang ako. Muntik ko ng mabitawan ang vase ng magdabog si Marknell.

"hey, okey kalang diyan Marknell?" si John at nilapitan nito si Mark. Pake ko sa kanya. namnamin niya ang sakit.

 - - -

Our first date

Dahil sa dare ni Christy kaya ngayon kailangan kong I-date si Christoff after ng aming office hour, maghihintay daw ito sa baba. Pinagbigyan ko na ito, anyway isang beses lang naman eh. Nakasabayan ko si Marknell sa elavator pababa.

"Don't go out with him, sasaktan ka lang niya, hindi ikaw ang tipo niya, nag I-enjoy lang siya sayo."

Natawa ako . "parang ikaw? ano pa bang bago sa inyong mga lalaki, hindi na ako magugulat kong ganun man siya pero at least siya hindi isang duwag di kagaya mo."

Hinawakan niya kamay ko pero iwinaksi ko iyon. "please don't do this Jhin, let's start all over again."

Bumukas ang elavator. "I am finally, over you." iyon lang at nagpatiuna na ako sa kanya, sa labas naghihintay sa akin si Christoff. Maiiwan ko na naman ang kotse ko.

"Manong gamitin mo nalang kaya ang kotse ko?" biro ko kay Manong. Tumawa lang ito at ako heto kasama na naman ang makulit kong boss.

"Nanliligaw kaba sa akin?" prangkang tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan nito.

"Hindi mo alam? I've been courting you since the first day we met."

"You didn't asked me if I am willing to."

"I admit. I don't know how to court woman, pero ang panliligaw di pinagsasabi.. pinaparamdam." sagot niya. ops ang puso ko. alanganing ngumiti ako sa kanya.

"Ah g-ganun ba." kung sa bagay wala nga namang ligawan na nangyari sa amin dalawa ni Marknell.

- - -

Akala ko magiging boring ako na kasama si Christoff pero nagkamali ako dahil puro ako tawa ng tawa sa kanya, kahit medyo OA na siya at corny ay nabebenta parin ang banat niya sa akin. Dinala niya ako kanina sa isang romantic restaurant, doon kami kumain at sinadya ko talagang lakihan ang kain ko para ma turn off siya sa akin.

Pero gumaya pa ito sa akin. hays. At ngayon naman dinala niya sa baywalk habang nakasandal lang kami sa sasakyan niya, inabutan niya ako ng softdrinks at bumanat na naman.

"Knock knock."

Napalingon ako sa kanya. "who's there?"

"Buksan mo."

"Buksan mo.. who?"

"Buksan mo ang puso mo, para sa akin." at matamis itong ngumiti.

Natawa ako. "ang corny corny mo!"

"Corny talaga pag nagmamahal ka." anito at sumisipsip na ng softdrinks, natahimik ako. Maybe he really loves me pero hanggang kailan? pag naibigay ko na ang sarili ko?

"Miss Jhin."

"Hmm?"

"I love you."

"Christoff.."

"Hindi mo kailangang sagotin ako ngayon." ngumiti siya sa akin. "I am happy dahil nasasabi ko sayo ang feelings ko, hindi kita pinipilit na mahalin o magustuhan ako agad. Maghihintay ako."

"Marami namang babaeng mas maganda, mas mayaman, mas sexy, mas bata kaysa sa akin ah? why me?"

"I don't know.. sisihin mo puso ko." kumindat pa ito. Parang may kumislot sa puso ko. Naaapektuhan na ba ako? hindi na ako nadala.

Sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng araw. It was quite good slash happy date with him.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon