Chapter Fifteen - Iloveyou goodbye

460 11 0
                                    

Tulala. Ganyan ako ngayon. Sunday kaya wala akong pasok sa office. May business meeting din si Christoff kaya wala akong gagawin, namimiss ko na si bff.. bakit kasi minahal niya ako ng lagpas pa sa pagkakaibigan namin..

Tumayo ako at ipinasyang dalawin siya sa bahay niya. Magulo at makalat ang nadatnan ko.. mag humaplos sa puso ko ng makita siya. Tulog na tulog ito sa sofa habang maraming empty bottles ng alak sa center table nito.

Nilinis ko ang mga kalat niya. And then suddenly..

Napatakip ako sa bibig habang panay ang iyak ko, nanginginig din ang mga kamay ko habang hawak hawak ang lab test ni Jaybee..

"No.. it can't be.."

"Yes may sakit ako." bumangon si Jaybee at sumandal. "naaawa kana ba ngayon sa akin? mamahalin mo na ba ako?"

"Pero bakit..? Nag second option kana ba? diba nagagamot naman ngayon ang leukemia? tara magpagamot tayo.. sasamahan kita!" umiyak ako. "Jaybee.. kailangan mong magpagamot!"

Umiiyak din si Jaybee. "all I need is you Jhin. Wala akong rason para mabuhay kung di mo man lang ako kayang mahalin. If you love me show it, kung mamahalin mo lang din naman ako bilang lalaki na at hindi bilang isang bff mo lang, kung di mo yan kayang gawin hayaan mo na lang ako."

"Jaybee.. bakit kaba nagkakaganyan ha? kahit naman iba ang mahal ko hindi naman ako mawawala sayo eh.. Jaybee naman. ."

"Makakaalis kana." muli siyang humiga sa sofa. Pinahid ko ang luha ko at umalis.. what should I do now? Ahhhh!

- - -

Buong araw kong pinag isipan kung ano ba ang gagawin ko, at isang pasya ang babago sa buhay ko. Mahal na mahal ko si Christoff pero mas kailangan ako ngayon ni Jaybee. Wala sa sariling nakarating ako sa condo unit ni Christoff.

"Sweety? I thought magkikita kayo ngayon ng bff mo?"

Pumasok ako sa loob. "akala ko nasa meeting ka." sagot ko.

"Katapos lang, naunahan mo lang ako ngayon." ngumiti siya at niyakap ako. "I miss you.." bulong niya sa akin.

I love Christoff so much. "sweety date tayo, my call." hindi na siya nakapalag ng hilahin ko ang kamay niya palabas ng unit niya.

"Wait sweety I left my key.."

"No need, let's commute.. it's more fun." paglabas namin ay kaagad nag para ng taxi ang mga guards sa labas.

Umiling ako ng akmang sasakay si Christoff. "why?"

"Let's ride jeep, bus, LRT and MRT today."

"W-what?! pero pagabi na!" bulalas niya.

Tawang tawa ako habang nakatitig sa mukha ni Christoff. Pulang pula na ito dahil siksikan sa loob ng jeep, kulang nalang ikandong niya ako just to protect me. Nilibot namin ang Metro Manila, sumakay kami ng bus, ng LRT at MRT. Wala kaming lugar na nais puntahan basta ininjoy lang namin kung san man kami mapunta.

Kumaen din kami ng street foods, nanuod ng sine, naglakad na magkaholding hands, kumaen ng ice cream, ang magbigay sa mga street childrens, ang magsuot ng couple t-shirts at ang magsuot ng couple ring. This is my most happiest moment in life..

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon