"Welcome back, Miss Jhin!"
Napahawak ako sa dibdib ko ng pagpasok ko may nagsiputukan na at may nagtotorotot pa. Ako kasi ang Head ng Accounting Department namin, pero hindi ko iniiba ang sarili ko sa kanila. Para sa akin pare-pareho lang kami.
"Thank you.." napapangiting tanong ko sa kanila.
"Pasalubong! Pasalubong!" sabi nila, natawa ako.
"Naku, wala akong pasalubong sa inyo, hindi ko madadala ang dagat dito."
Nagtawanan sila.
"Miss Jhin, umitim ka nga." si Sally.
"Huwag niyo ng pansinin." ako.
"Baka naman may naging boylet ka sa province niyo ah?" si John.
"Boylet ka jan. What do you think of me.. matrona na?" ako.
"Haha! kasi naman bakit kasi hindi kapa nag bo-boyfriend? lapit kana sa thirty Miss Jhin." si John.
Inirapan ko ito. "twenty seven palang ako noh. Sige maya John.. overtime ka ha?" biro ko.
"Si Miss Jhin talaga palabiro." binatukan ito ni Marie.
"Binanggit mo pa kasi ang edad ni Miss Jhin." ngumiti si Marie sa akin. "Miss Jhin, pasalubong ko?"
"Alin iyong binagol?" natatawang sabi ko.
Tumango ito. "halika lapit ka, tas 'kumota nala ako soso' yan binagol na." (pisilin mo dibdib ko, iyan binagol na) binagol ay isang kakanin na kilala sa Tacloban City, Leyte.
Tumawa ng malakas si Marie, isa din kasi itong bisayan-waray na gaya ko. "mas dako pa gane akong binagol sa imoha, mao na akoa nala akong kumot kumoton ba mas ganahan pa ko." (mas malaki pa nga iyong sa akin kaysa sayo, kaya iyong akin nalang pisil pisilin ko mas masarapan pa ako)
"Sinakop na naman tayo ng mga allien, back to work people." si John.
Nagtawanan nalang kami ni Marie. Inilibot ko ang paningin ko at napansin ko nga na may nadagdag sa department namin, pito kami lahat sa department namin at naging twelve na kami ngayon dahil may gumamit na sa limang empty cubicle.
Habang wala ako si John ang pumalit sa akin. At ang mesa ko ay nakaharap lahat sa kanila. Kaya namomonitor ko ang mga ginagawa nila. Parang pang teacher ang style ko.
"Good morning everyone?" bati ko sa kanila.
"Good morning.. Miss Jhin." sabay sabay na bati nila.
"Miss Jhin, I would like you to meet our new five teammates." si John. Kasunod nito ang lima.
Parang huminto ang mundo ko ng makilala kung sino ang isa sa kanila.. si Marknell. At nasa mukha din niya ang gulat ng makita ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Bumalik muli sa puso ko ang sobrang sakit, parang nag flashback lahat ng ginawa niya sa akin noon.
"Miss Jhin? are you alright?" si John.
"Ah, y-yes." tumikhim ako.
"This is Kevin, Milka, Jenny, Bran at Marknell." pagpapakilala nito. "guys si Miss Jhin ang head ng department natin, ayaw niya na tinatawag na Ma'am kaya Miss Jhin ang itawag niyo sa kanya."
Binati nila ako, pero iisang boses lang ang naririnig ko.. kay Marknell.. biglang napaluha ako. Shit lang. Tumalikod kaagad ako sa kanila.
"Go back to your work." sabi ko sa kanila. Kinalma ko ang sarili ko. Si Marknell ay isang past nalang, kaya dapat deadma lang ako. Dapat hindi ako magpapa apekto sa kanya.
Dahil nawala ako ng isang buwan, maraming nakatambak na trabaho sa akin at panigurado mag o-overtime ako. Hays.
- - -
Lunch break. Subsob parin ako sa ginagawa ko, kaya hindi ko namamalayan na lunch break na pala namin at iniiwasan ko ring mapatingin kay Marknell. Nilapitan ako ni John sa table ko.
"Miss Jhin time's up. C'mon kain na tayo." sabay hila sa akin.
"Hindi pa ako gutom John.. mauna nalang kayo okey?" bumalik ako sa pagkaka upo.
"Diba ikaw narin nagsabi sa amin, na dapat hindi gutom pag nagtratrabaho para focus? c'mon tumayo kana jan." kulit pa nito.
"Fine." tumayo na ako at di sinasadyang nagtama ang mga paningin namin ni Marknell, bumundol muli ang kaba sa puso ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagpatiuna na sa paglabas.
Ang canteen namin ay nasa second floor at kami ay nasa third floor. Pag lunch break namin ay naghahagdan kami for exercise purpose narin.
At sa canteen namin ay may videoke na para sa lahat ng gustong kumanta. Nangunot ang noo ko ng makita at makilala kung sino ang may hawak na microphone. Ang lalaking kasabay ko sa elevator! Saang department kaya ito?
Nagsiupuan na kami, pagkatapos namin makuha ang orders namin. Lumapit sa akin si Nay Kara. Ang nagbabantay sa canteen at binigyan ako ng sangkatutak na pagkain.
"Nay Kara?" manghang tanong ko sa kanya. "fiesta po ba?"
"Bayad na yan para sayo Miss Jhin." inginuso nito ang preskong chinito. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ito at kinawayan pa ako. Lakas talaga nitong mang trip.
"OMG! he is so damn hot ang fafalicious! nahulog sa ganda mo Miss Jhin!" si John, lumabas na ang kulay nito. Hay.. isa kasi itong dakilang bading, pero lalaking lalaki ito tingnan.
Pagbalik ng tingin ko, muling nagkasalubong ang tingin namin ni Marknell. Ilang segundo ding nagtama ang aming mga mata bago ko binawi. Tumayo ako at binitbit ang ilang ulam, binigyan ko ang mga kasamahan ko, kabilang na sa table nina Marknell. Apatan kasi sa bawat mesa.
"Naku Miss Jhin, huwag mo ng palampasin pa, grab grab the opportunity na! ang poge oh.. tas amoy pera pa." si Marie.
"Alam ko na ang mga ganyan na mga lalaki, pagnakuha na nila ang gusto nila, goodbye kana." habang nakatingin kay Marknell.
"Hindi naman po lahat Miss Jhin." si Kevin.
Ngumiti lang ako kay Kevin at bumalik na ako sa mesa namin.
=============================================================================
Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..
Luh' yah!
BINABASA MO ANG
MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)
RomansaDo you believe in second chances? How about love at first sight? True love? Letting go? Does love never die? Or being a martyr in love? This story shows what really GREAT love is. Love is a powerful thing in the world, it changes everything. But how...