KABANATA 2

86 2 0
                                    

Kabanata 2:

"Jerabella anak, bumangon ka na" narinig niyang pagtawag ng kaniyang ina. Pagdilat niya ay nasa isang tulip field siya, mahamog at wala na roon ang kaniyang ina. "Ina!?" paulit-ulit niyang sigaw ngunit walang sumagot. Lumakas ang hangin na tila ba tatangayin na siya nito.

"Ina!" sigaw niya nang siya ay biglang napabangon. "Maayos na po ba ang iyong pakiramdam mahal na prinsesa?" tanong ng isang batang lalaki na nasa sampung taong gulang lamang.

Masakit pa ang ulo ni Jerabella at malabo pa ang kaniyang paningin ngunit pinilit niyang bumangon. Agad namang lumapit ang bata sa kaniya at inabutan siya ng isang mangkok na sabaw. "Inumin niyo po muna ito" wika ng bata sa maliit niyang boses.

Nag-aalinlangan ngunit inabot ni Jerabella ang mangkok na ibinibigay ng bata at ininom ang laman nito. Ilang segundo lamang ay nawala na ang sakit ng kaniyang ulo at malinaw na niyang nakikita ang paligid.

Inilibot niya ang kaniyang paningin at napansin na siya ay nasa isang maliit na kwarto sa loob ng isang lumang gusali. Madilim ang paligid, tanging ang apoy lamang sa lutuan ang nagbibigay liwanag kaya't hindi niya masyadong makita ang hitsura ng batang nakatayo lamang sa kaniyang harapan. Mausok rin kaya naman ilang beses na napaubo si Jerabella.

Ilang segundo pang titingin-tingin lamang si Jerabella sa paligid. "Okay lang po kayo mahal na prinsesa?" makulit na wika ng bata saka nito kinuha ang mangkok ng sabaw na ngayon ay wala nang laman. Ngumiti naman si Jerabella at hinaplos sa ulo ang batang lalaki, "Huwag mo na akong tawaging mahal na prinsesa, ate Bella na lang, ayos ba yon?" wika ni Jerabella, nagulat naman ang bata dahil sa sinabi nito. "Pero.. P-pero sinabi po sa akin ng lola ko na tawagin daw po kitang mahal na prinsesa, sabi po niya galing ka daw po sa langit. Isa ka po bang anghel?" tanong ng bata at halata sa kaniya na naeexcite siyang makausap si Jerabella. "Pero yung ate Bella po sobrang cute, bagay na bagay pong pangalan ng isang anghel. Isang anghel na bumaba sa lupa upang gisingin ang mga tao gamit ang mahiwaga niyang bell" patuloy pa niya dahilan para mapangisi si Jerabella. Naisip niyang ito ang tinutukoy ng kaniyang lolo na si Sthenios na kaibigang naghihintay sa kaniya sa daigdig upang siya ay gabayan.

"Ano palang pangalan mo?" tanong niya sa bata. "Ako po si Zele!" masigla nitong sagot, lumapit pa ito at nakita ni Jerabella ang singkit nitong mga mata na mas lalo pang lumiit dahil sa kaniyang pagtawa. Lumabas pa ang bungi nitong mga ngipin at dimples sa magkabilang pisngi.

Bumukas ang pinto at naalerto si Jerabella, agad niyang hinila palapit sa kaniya si Zele upang protektahan ito. Madilim ang paligid at hindi naiilawan ang tapat ng pinto, hindi niya malaman kung sino ang dumating, kaaway ba ito o kakampi?

Nagulat na lamang siya nang biglang tumakbo si Zele paalis sa kaniya at papalapit sa pinto. "Lola gising na po ang ate Bella!" magiliw nitong pagsalubong sa isang matandang babae. "Hindi ba't sinabi ko sayo na siya ang mahal na prinsesa ng Realm of Gods?" pagpansin ng matanda, "Pero po..." hindi na natapos ni Zele ang kaniyang pagpapaliwanag nang magsalita si Jerabella, "Ayos lang po iyon, ako po ang nag-utos sa kaniya na tawagin niya po akong ate Bella"

Naliwanagan na ang matanda nang mas lumapit pa ito sa higaan kung nasaan si Jerabella. "Opo lola, saka napakahaba po ng 'Mahal na prinsesa'" sagot pa ni Zele habang binibilang ang syllables ng salitang iyon, 'Ma-hal-na-prin-se-sa', 'A-te-Be-lla', "Oh diba po six syllables yung una tapos yung pangalawa four lang edi nabawasan na po ng two syllables" masayang-masayang sabi pa ni Zele na sobrang proud sa naging analysis niya. Napatawa na lang naman si Jerabella at ang matandang babae dahil sa ginawa ni Zele.

Dahan-dahan namang lumuhod ang matanda sa harap ni Jerabella at sumunod naman sa kaniya si Zele. "Mahal na prinsesa, ako po si Freya mensahera ng langit at lupa. Ako po ang naatasan ng Kamahalan na gumabay sa inyo sa iyong paglalakbay dito sa daigdig ng mga mortal" pagpapaliwanag ng matanda. "Maaari mo na lamang akong tawaging Nanay Fe kung iyong nanaisin po mahal na prinsesa." saka pa ito yumuko. "Kung gayon po Nanay Fe, Bella na lamang po ang itawag niyo sa akin" sabi naman ni Jerabella at yumuko muli si Freya bilang pagsang-ayon.

Lucky 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon