Kabanata 3:
"Tulong! Tulong!" narinig nilang sigaw mula sa di kalayuan. "Ano yon? Parang nanggagaling sa kakahuyan" wika ni Jerabella kaya't agad na napabangon si Yovanni. "Sandali lang" wika ni Yovanni at saka niya hinarangan si Jerabella. "Bakit?" tanong ni Jerabella. "Ako na ang pupunta" suggestion ni Yovanni saka na siya tumayo ngunit pinigilan din siya kaagad ni Jerabella. "Hindi. Ako nang bahala, bantayan mo na lamang si Zele" sabi naman ni Jerabella at sumang-ayon naman si Yovanni.
Agad na sinuyod ni Jerabella ang loob ng kakahuyan upang hanapin ang narinig nilang tinig. Napakadilim sa loob at tanging ang flashlight lamang niya ang nagbibigay ilaw sa daan. Nabigla pa siya sa daan-daang mga paniki na biglang nagliparan sa kaniyang harapan.
Ilang minuto pa ang nakalipas at narinig niya muli ang tinig. "Tulong! Tulong!", tinig ng isang babae. "Saan kaya nanggagaling yon?"tanong pa ni Jerabella sa kaniyang sarili. Inilawan niya ang mga taas ng puno, ang likod ng mga halamang natuyo na at nababalot ng matinding dumi ang mga dahon.
Habang kinakapa niya ang matataas na batuhan ay nagulat siya nang lumusot ang kaniyang braso sa mga tuyong baging. Hinawi niya ang mga tuyong baging at saka inilawan ang paligid. Isang tagong lugar ang nasa loob. Pagtuntong niya ay dumulas siya sa mga nakakumpol na bato at napunta siya sa isang tago at malalim na lugar. Nabitawan niya ang kaniyang flashlight kaya't hindi niya makita ang kaniyang paligid .
Naramdaman na lamang niya ang paninikip ng kaniyang dibdib dahil sa biglang pagkapal ng usok sa kaniyang paligid. Nanlabo ang kaniyang paningin at narinig na lamang niya ang malakas na paghalakhak ng tinig ng isang babae bago siya mawalan ng malay.
"Hmmm, mukhang mayaman ang babae na to ha. Sino pa naman sa panahon ngayon ang nakakabili ng mga baterry para sa flashlight kundi mga mayayaman lang" wika ng babae habang tinitingnan ang flashlight.
"Pati yung kasuotan niya mukhang bago pa" sagot naman ng isang lalaki sa tabi nito
Nang akmang lalapitan na nila si Jerabella ay bigla nilang naramdaman ang pagsugod ni Yovanni mula sa likuran. "Hayys sabi ko na nga kasing ako na eh" naiinis niyang sabi habang kinakalaban ang dalawang magnanakaw.
Nasuntok ni Yovanni ang babae sa sikmura nito kaya't bigla itong tumilapon. Sumugod naman ang lalaki at nasuntok din ito ni Yovanni dahilan para manghina ito. "Anong enerhiya iyon? Bakit parang hinigop niya ang aking lakas?" tanong ng lalaki sa babae. "Oo, may kakaibang enerhiya sa suntok niya. Hindi ko malaman kung ano..." hindi na naituloy ng babae ang kaniyang sasabihin nang sumugod muli si Yovanni at nagpatuloy ang kanilang paglalaban.
Ilang minuto pa ay nagising na rin si Jerabella at natanaw na nakikipaglaban si Yovanni. Dali-daling tumayo si Jerabella at tumakbo palapit kay Yovanni, "Hindi ba't sinabi ko sayo na bantayan mo si Zele?" sigaw niya, "HiNdi Ba'T sInAbI..." panggagaya pa ni Yovanni sa nakakainis na paraan, "Eh kung hindi ako dumating baka pinatay ka na nila. Yabang mo din kasi noh, akala mo naman alam mo ang daigdig" wika pa ni Yovanni saka na siya sumugod sa lalaki.
Pinagtulungan nila ni Jerabella ang dalawang magnanakaw hanggang sa naitali na nila ang mga kamay at binti nito. "Hayyy, kami pa talaga ang napili niyong kalabanin ha!" sigaw ni Yovanni at akmang sasapakin pa ang lalaki.
"Sino naman kayo at anong inyong binabalak sa amin?" mahinahon namang tanong ni Jerabella. "Kailangan pa bang tanungin yon, edi naghahanapbuhay!" proud na sagot pa ng babae. "Naghahanapbuhay? Isang hanapbuhay ang pagnanakaw?" nagtatakang tanong pa muli ni Jerabella at binigyan naman siya ng tatlo nang 'seriously? look' . "Saang lupalop ka ba galing? Matagal nang nabubuhay ang mga tao sa pagnanakaw, hanggang ngayon di mo pa rin alam? O malamang dahil mayaman ka kaya naman hindi mo alam ang pinagdadaanan naming mga naghihirap sa buhay!" wika naman ng lalaki na waring naiinis na. Hindi naman nakapagsalita si Jerabella. Tama ang lalaki, hindi niya naiintindihan ng pamumuhay ng mga mortal sa daigdig dahil lumaki siya sa buhay ng isang prinsesa.
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...