Kabanata 7:
Hanggang kinaumagahan nagpatuloy lang sila sa paghahanap ng impormasyon sa paligid nila. Halos pitong tao ang nasa ibaba na nakita nila zele at zulu. Halos anim naman na tao ang nakikita nila ni zolo at zala sa di kalayuan na mga tao.
' lahat sila may morse code, lahat din sila nasa lupa at nasa dagat. Sino sa kanila ang bato ng lupa at katubigan? Sa mga taong nahanap amin sino sa kanila dun yung DemiGod at yung hindi' sabi nya sa utak nya
" wag muna kayong lalapit tatapusin ko lang ito at sasabihan ko kaagad kayong lahat " biglang sabi naman jerabella at nagulat naman silang lahat na nalaman ni bella na nandun sila papunta.
Ilang minuto nilang hinintay si bella at ang apat na bata. Tumayo na si bella at pinuntahan yung kasamahan nya na naka upo sa isang bonfire. Madilim kasi kahit madaling araw na
" makinig kayo mabuti okay?" sabi naman nya at na bigla naman sila sa pagdating nito.
Umupo sila zele, zolo, zala, zulu at si jerabella sa kabilang side kung nasaan yung mga kasama nila.
" yung nangyari kagabi ay hindi isang biro. Kasi ayon sa kanilang apat may pitong tao ang nasa ilalim ng dagat na yun * sabay turo sa dagat * at may anim na nasa paligid lang natin, nakatali ang parehong paa at kamay nila. Meron din silang morse code katulad sa atin. May dalawang pusa na nahanap silang apat, isa dun ay pusang nag aanyong tubig at sunod naman ay pusang ng aanyo kung anu anong bagay. Hindi man kayo maniwala pero lahat ng katawan ay buhay pa. " nakinig naman silang lahat kay bella nang mabuti
Pinag-usapan nila ito nang paulit ulit at pinaintindi ni bella sa kanila ang lahat ng na obserbahan nya.
" halos isang taong mag tatapon ng basura daw po sa dagat pagka bukas na pagka bukas nawawala po daw yung tao na yun. At bawat putol ng puno ay may nawawalang tao din" sabi ni zele
" ang malaking tanong ay paano sila humihinga sa tubig kung naka tali naman sila sa ilalim ng dagat ' sabi naman ni yovanni
"Baka naman isa don ang may-ari ng water stone?" sabi naman ni yale dahilan para manlaki pa ang mata ni Yovanni na tila ba sobra syang sumasang-ayon sa sinabi nito
"Pero sa dinami-dami nila, sino ang tunay na demigod?" tanong ni Yash
"Kailangan natin silang maiahon para malaman natin" sagot naman ni jamaica
"bukas na bukas rin kukunin natin sila. Sino ba sa inyong marunong sumisid?" tanong ni Jerabella ngunit nagtitigan lamang ang anim nyang kasama
"lumaki ako sa bundok. Ngayon nga lang ako nakakita ng anyong tubig eh." pagpapaliwanag niya
"Hala, ibig sabihin sa labin walong taong pamamalagi mo sa mundo, hindi ka pa naliligo?" tanong naman ni Yervant
"Gagi anong di naliligo dyan?" pagtanggi niya saka naman sya napaisip. "Naliligo naman ako noh, pero limang beses lang... sa isang taon" pabiro pa nyang sabi saka niya itinaas ang kaniyang braso at iniharap ang kaniyang kili-kili sa katabi niyang si Yale. Naghabulan pa sila paikot-ikot sa bonfire, habang pinagtatawanan naman sila ng iba nilang kasama dahil mukha silang mga aso't pusa.
Nagpatuloy pa ang asaran, at nagsilbing mga clown ang makukulit na si Yovanni at Yale.
"Napansin ko, simula nung nagkakilala tayo sa District Z, ngayon lang tayo tumawa nang ganito" pagpansin ni Jamaica
"Oo nga, napansin ko din na kahit palagi tayong nagkakaroon ng salo-salo at pagdiriwang sa bayan ni nanay frena, hindi pa rin yon tunay na saya dahil natatakot tayo sa kapahamakang dadating at sa responsibilidad nating iligtas ang lahat" pagsang-ayon naman ni Juliette
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...