Kabanata 10:
Matapos ang araw na yun mas naging close pa sila ni yovanni at jerabella. May isang balita na nakuha si jerabella na kina bigla naman nito.
" ate bella si nanay Sumaran daw po mas lalong nag hihina po. Sabi daw po ng Diyos na si Sulas ay mas kumakalat na daw po ang lason sa katawan niya" bigla sabi ni zala
Ang tatlo kasing pusa may isang sa kanila na konektado sa isang tauhan sa ibabaw kaya naman nakukuha agad nila ang mga impormasyon na importante. Napatahimik si bella hindi niya alam kung paano at anong kailangan nyang gawin.
"Pakisabi sa kanila na alagaan ng mabuti si Ina. kaunti nalang ang panahon na hihintayin niya at matatalo din namin si Voxana," utos naman ni Jerabella na agad naman din sinunod ni Zala
"Hala mukhang stress na naman si Bella ha" pagpansin ni Yuan habang tinatanaw si Jerabella sa malayo
"Mukhang may masamang balita na naman siyang natanggap" sabi naman ni Yervant
"Ilan nalang ba ang kailangan nating hanapin na bato?" tanong ni Juliette
"Apat nalang. Ang kabiyak nina Yervant, Janette, Yuan at Jerabella" sagot naman ni Jamaica
"Sana mahanap na natin sila kaagad para hindi na sya malungkot" pag-aalala naman ni Yovanni
"Mga anak, maaari ba akong makisuyo sa inyo?" biglang tanong ni nanay Frena
"Oo naman po nay, ano po ba yon?" sagot naman nila
"Naubusan na kasi ako ng mga gamot na pantapal sa sugat. Medyo malayo ang bayan dito, baka hindi ko na kayaning maglakad" sabi naman ni nanay Frena
"Kung ganon ako na po ang bibili" pagprisinta naman ni Yash
"Pati daw po si Jamaica sasama" bigla namang sabi ni Yale habang napapangisi. Nagulat naamn si Jamaica dahil wala naman siyang sinasabi
"Sige kung ganon ay puntahan ninyong dalawa ang tindahan na ito" sabay abot ng isang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng tindahan maging ang isang mahabang listahan ng dapat bilhin.
Napanganga naman si Yash dahil sa haba ng listahan, "akala ko po ba nay ay gamot lamang na pantapal ang bibilhin, bakit po ang haba nito?"
Napatawa nalang naman si nanay Frena, "Nagdagdag lang din ako ng kaunting gamit na kailangan dito sa bahay tsaka kaunting pagkain" pagpapaliwanag nito
'Kaunti?' tanong ni yash sa sarili niya habang nanginginig na hawak ang isang rolyo ng papel na umabot pa sa lupa
"Ang galing mo po talaga nay, kayang kaya nina Yash at Jamaica yan" sabi naman ni Yuan sabay kindat kina Yale at Yovanni
Hindi alam ng dalawa ay nakaplano na ang lahat. Alam nilang mabilis magprisinta si yash dahil palagi nitong gustong may ginagawa, at alam naman din nilang hindi marunong tumanggi si Jamaica lalo na kung si nanay Frena na ang nagdesisyon. Pinangalanan pa nila itong "OPLAN YASHAICA"
Humayo na sina Jamaica at Yash. Ilang kilometro din ang kanilang nilakad bago nila marating ang pamilihan. Gusto sana nilang mawala ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa pero tila hindi sila makapagsalita, kaya naman hindi sila nag-usap sa buong paglalakbay at patuloy lang nagkahiyaan.
"Ano ba yan, binigyan na nga ng pagkakataon itong si Yash eh sinasayang pa niya. Dapat sunggab agad, ganon!" reklamo ni Yale na nanonood lang sa dalawa mula sa malayo. Tahimik lang silang nakasunod ni Yervant mula sa likuran.
"Hoy sabi tahimik lang na nakasunod ha, ingay ingay mo dyan" reklamo naman ni Yervant
"Ayy sorry naman r" sabi pa ni Yale
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...