Kabanata 19:
Nakasandal lang si Jerabella sa balikat ni Yannick habang pinapanood nilang nagpapalit ng puwesto ang araw at buwan.
"Hindi magiging maganda ang isang kwento kung puro lang masasayang eksena ang mababasa mo, kailangan din ng lungkot, takot at kung ano-ano pang emosyon" sabi naman ni Yannick
"At nakadepende sa ending kung naging worth it nga ba lahat ng eksena na yon" sabi ni Jerabella
"Anong klaseng ending yung gusto mo?" tanong pa ni Bella
Napangiti naman si yannick dahil sa tanong nito.
"Wala" matipid nyang sagot kaya napatingin sa kaniya si Bella
"Gusto ko walang ending" sabi ni Yannick kaya napangisi si Bella
"Tsk, pwede ba yon? Lahat naman ng bagay may katapusan" sabi ni Jerabella
"Alam mo yung katapusan, ilusyon lang yon. Hindi naman natatapos ang mga bagay eh, humihinto lang o nawawala saglit tapos nandyan ulit sila. Kailan ba hindi bumalik ang buwan?" panimula ni yannick dahilan para hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Jerabella
"Ang bawat pagtatapos ay kahulugan ng bagong simula. Hindi ba't sa bawat tuldok ay isang panimulang pangungusap? Sa bawat paglubog ng buwan ay pagsikat ng araw. Sa tingin mo, sa bawat nagtapos na kwento sa aklat, wala na ba talagang kasunod?" dagdag pa niya
"Ikaw, napakarami mo talagang nasasabi noh!" sabi naman ni Bella saka sila sabay na napangisi ni Yannick
Nagulat naman sila sa malakas na tunog ng kanyon na nanggagaling mula sa daigdig.
"Ano iyon?" tanong ni Jerabella
Tingan naman nila kung saan iyon banda at ano ang nangyayari. Sunod sunod ang pag putok ng kanyon. Kaya dali-daling nag labasan ang mga Demi Gods.
" ano ang nangyayari?" sabi naman ni jayden bigla
" tignan ninyo ang daigdig " seryoso sabi ni bella na sabay ang tingin kay yannick na walang emosyon ang mukha
Pinamasdan nila ang daigdig hindi nila malaman kung bakit nagkakagulo ang mga tao.
'Eto na ba ang kagustuhan mo mangyari ? ito naba ang oras na mamamatay ako? Para sa mahal ko sa buhay? Ito na ba? Paano ? ilang sandali? Minuto? Oras?' gulong tanong nya sa kanyang mga utak at naka tingin sa mga taong nasa paligid nya
Pumunta sila sa palasyo. Pinuntahan nila ang hari.
" pinuno, ngayon na ang araw" sabi naman ni bella na kinabigla naman ng mga tao
"ihanda ang lahat ng tauhan at mga sundalo, siguruhin ninyong ligtas ang mga anghel" utos naman ng hari
Kaya mabilis namang tumakbo ang mga tao. Ang mga sundalo ay nagsilabasan na. Nasa harap na ang lahat ng mga tao. Halos limang bilyon ang mga sundalo na nasa harap ni bella ngayon.
" magandang gabi mga prinsesa at prisepe " bati ng lahat ng mga ito sa kanila
" magandang gabi din po, gusto ko po makinig po kayong mabuti sa akin" panimula naman ni bella sa kanya
Hindi nya napapansin ang mga tingin ng mga kasama nyang lucky 14
" ASENTO!" sigaw ni bella
Kaya bigla naman ng assemble ang mga sundalo sa pangkat pangkat.
" ARESTTO!" sigaw naman ni bella sunod at umupo naman lahat ng mga sundalo sa kanyang harapan
" pangkat isa hanggang sa labing lima sa itaas po kayo magbantay " sabi naman ni bella
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...