Kabanata 21: "WAKAS"
Maagang naghanda ang mga kasamahan ni Yovanni. Inilabas nila sa bodega ang mga sandatang nagawa nila.
Bumaba naman sa daigdig ang ilang mga sundalong anghel para tumulong sa plano nila. At ilang sandali lang din ay dumating na din ang mga miyembro ng Lucky 14.
"Broooooo" pagyugyog ni Yale kay Yovanni dahilan para maalimpungatan ito
"Uuyy nandito na kayo?" sabi naman ni Yovanni
"Ay hindi wala" sabay batok ni Yervant sa kaibigan at parang mga bata na naman silang nag-akapan
"Tama na nga yan, may gagawin pa tayo" pagtataray naman ni Jamaica
"Ang epal talaga nito" sabi pa nilang tatlo saka ipinagatuloy ang pagtatawanan
Samantala sa kaharian ni Voxana ay patungo ang isang truck na naglalaman ng mapakaraming kahon ng gunpowder. Agad sinuri ng mga bantay sa lagusan ang laman ng truck at nag makita ang ilang kahon sa bungad ng truck ay pinapasok na nila ito.
"Ito na ba ang mga gunpowder para sa mga kanyon?" tanong ni Yannick at sumang-ayon naman ang sundalong kasama niya habang tinitingnan nilang papalapit ang truck
Ibinaba ang kahon-kahong mga dala sa isang bodega sa ilalim ng palasyo. Sumalisi naman ang ibang mga lalaki na kasamahan ni Yovanni sa ibang bahagi ng palasyo para mag-iwan dito ng mga ginawa nilang bomba.
Mabilis ang naging pangyayari, ilang minuto lang ay naisagawa na nila ang kanilang plano. Maingat namang sinuri ni Yannick ang kalagayan ng mga gunpowder sa bodega hanggang sa nakarinig nalang sila ng napakalakas na pagsabog sa labas ng kaharian dahilan para maalerto ang mga sundalo ni Voxana.
"Anong nangyayari?" tanong ni Yannick at dali-dali niyang pinuntahan ang kaniyang ina. Naabutan naman niya itong prenteng nakaupo lang sa kaniyang trono habang nakapikit.
"Ina nariyan na po sila" sabi pa ni Yannick ngunit nanatiling kalmado si Voxana
Patuloy pa rin ang pagsabog ng mga bomba sa paligid ng kaharian
"Bella!" pagtawag ni Yovanni dito
"Ano yon?" bella
"Maaari mo bang lagyan ito ng kahit kaunti lang lang iyong kapangyarihan?" sabi ni Yovanni sabay pakita kay Jerabella ng isang maliit na granada
"Saan mo naman gagamitin yan?" pagtataka ni Jerabella
"Wala remembrance lang, baka kasi mamatay na ako dito char. Sige na!" pangungulit pa nito kaya ginawa nalang ni Jerabella ang gusto niya
Habang ginagawa ni jerabella ang sinasabi ni yovanni agad naman nito tumalikod at tingnan ang signal sa kabilang dulo ng kaharian.
****
"Umalis na kayo dito!" pagtataboy ng mga sundalo sa truck na hindi pa rin lumalabas ng kaharian
Isang sundalo naman ang pumunta sa likod ng truck upang icheck kung may ninakaw ba ang mga lalaking nagdeliver. Ngunit pagbukas niya sa isang kahon ay bigla syang sinipa ni Yale dahilan para tumilapon ito. Nagulat naman ang iba pang sundalo kaya naman nilaban na din ito ni Yale at ng mga tauhan ni Yovanni. Nagsignal na si yale kina jamaica gamit ang pagsabog ng bomba na may kulay asul na pulbura.
" sige sige punta na " utos naman ni jamaica sa kasamahan nilang mga sundalong anghel kasama sina Janette at Yisrael
Bigla naman muli pinasabog ng mga tauhan ni Yovanni ang isang bomba na kulay lila na pulbura
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...