Kabanata 17:
"Tauhan ka ba ni Voxana?" tanong ni Zele saka nya nilapitan yung lalaking nagpapanggap na si yannick
"A-ano bang sinasabi nyo? Ako ito si yannick. Hindi ko la--" hindi na nito natapos ang sasabihin nya nang biglang magsalita si Zulu
"Wag ka na pong magmaang-maangan, alam na po namin ang totoo! Nilinlang mo lang po kami!" sigaw pa nito
Gumapang naman palapit ang lalaki sa kanila na parang nagmamakaawa ito ngunit agad nyang sinunggaban si Zele at hinila ang buntot nito dahilan para bumagsak ito sa lupa
"Zele!" sigaw naman ng mga kapatid nya
Nag-iba ang kulay ng mga pusa maliban kay zele na naka hinga na lang at nanghina bigla ang kanyang katawan
"Zele!" sabi naman ni Bella at saka niya sinugod ang lalaki na nakahawak pa rin nang mahigpit sa buntot ng pusa
Kumuha ng espada si bella mula sa kanyang tagiliran. Binitawan ni yannick si zele na parang isa itong basura na tinatapon na lang kung saan saan. Nag laban ang dalawa. Nakikita ni bella ang pag kapula ng buong katawan ng kanyang mga pusa sa sobrang galit sa ginawa ng taong nagpapanggap lamang na si yannick.
Hingal na hingal na ang dalawa. Tumigil na si yannick na nagpapanggap lang at si jerabella naman ay lumalaban lang kahit masakit ang puso nito. Susugod na sana si bella nang hindi niya na kita na may papunta pala sa kanya na isang espada mula kay yannick. Nagalusan naman si bella sa bandang kanan ng kanyang braso pero hindi ito naging dahilan para tumigil syang lumaban para sa taong mahal nya. Kasi nasa buong buhay nya si zele lang ang hindi nya masyadong nakasama sa itaas kasi na una itong bumaba sa kabilang mundo.
" WAG NA WAG MO SILANG SAKTAN AKO NA LANG!!!!"
" WAG SILA!!!!"
' WAG NA WAG SILA!!!!!'
" IBA LANG WAG SILA!"
Apat na salitang paulit ulit na sinasabi ni bella sa kanya. May mga tao na nakatingin lang sa kanila. Nagulat naman sila sa nangyayari
Sumugod si yannick pero iba ang natamaan nya yun ay si zele
" zele!" sigaw nilang lahat at bigla naman may mga tauhan ng Realm of Gods ang dumakip sa nagpapanggap na yannick.
Lumuhod na lang si jerabella bigla at nagulat ang mga tao sa nangyari sa likurang bahagi ni bella na sobrang pulang pula na parang gusto nyang pumatay ng tao.
Nabalitaan ng buong kaharian ng Realm of Gods ang nangyari at nagulat silang lahat sa nangyari. Bigla naman agad tumakbo si jerabella sabay ang siyam pa nyang mga pusa.
" pulang pula parin ang mga pusa mo iha hindi parin nag babago ang kanilang mga kulay " sabi naman ng taga ayos ng bangkay ni zele
Nakatulala lang si jerabella sa walang malay na katawan ni zele sa harapan nya.
" po?" bigla naman na tauhan si bella
" wala sabi ko tingnan mo muna ang iba mo pang mga pusa " sabi naman nito at sumunod na lang bigla ang kanyang katawan.
Pinuntahan niya naman ang isang silid kung saan umiiyak na lang silang lahat.
" punta kayo dito kay ate" sabi ni bella na nasa pintuan pa lang at pinipigilang umiyak. Bigla naman silang napatingin sa pintuan. Nandun din ang ibang lucky 14.
Pumasok si bella sa silid at niyakap naman nilang siyam si bella. Halos lahat ng pusa iba na ang kulay, pure white na silang lahat samantalang nung iniwan ni bella si zele kulay pula parin ito.
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...