Kabanata 20:
"Bella!" sigaw ni Juliette nang makitang bumagsak ito sa lupa
"Anong ginagawa mo? Bakit mo sya sinaktan?" sabi pa ni Juliette ngunit napaatras nalang sya nang mapansing naging kulay puti ang mga mata nito
Sinugod sya ni yannick ng punyal ngunit agad din syang nakaiwas, ngunit ayaw siyang tigilan nito. Bumalik naman si Yuan at nakita niyang nakahandusay na sa sahig si Jerabella habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng dugo nito. Agad niyang binuhat si Jerabella.
"Dalhin mo sya kay panginoong Sulas" sigaw naman ni Juliette at tumango naman si Yuan ngunit bigla din itong sinugod ni Yannick ngunit nakaiwas ito
"Bro, ano bang nangyayari sayo? Hindi kita kakalabanin" sabi pa ni Yuan habang pilit umiiwas sa bawat tira nito
Kinuha naman ni Juliette ang kumot at agad na tinalukbungan si yannick
"ITAKAS MO NA SI BELLA" sigaw pa ni Juliette kay Yuan at agad naman itong tumalon sa bintana at gumawa ng mga daang lupa paakyat sa Realm of Gods
Naiwan si Juliette na pinipigilan si Yannick na grabe ang pagwawala
"Alam kong hindi ikaw yan Yannick. Hindi mo magagawang saktan si Jerabella." sabi ni Juliette ngunit bigla siyang tumilapon dahil sa lakas ng pwersa ni Yannick
"Kinokontrol ka lang ni Voxana. Yannick, labanan mo sya. Alam kong malakas ka, hanapin mo ang sarili mo at wag kang magpapabaon sa kapangyarihan niya!" sigaw pa ni Juliette ngunit sinugod siyang muli ni yannick at sa pagkakataong iyon ay nasugatan na sya sa kaniyang balikat.
Sinubukang utusan ni Juliette ang mga itim na insekto ngunit wala itong panama kay Yannick.
"Yannick, hanapin mo ang pag-ibig dyan sa puso mo! Alalahanin mo ang mahal mo, si Jerabella!" sigaw pang muli ni Juliette at bigla namang napatigil si yannick at napapikit na para bang bumabalik na ito sa totoo niyang katauhan
"Ganyan nga Yannick, labanan mo! Hinihintay ka ni Jerabella!" sigaw pa muli ni Juliette ngunit biglang pumuti muli ang mata ni Yannick at muli sya nitong sinugod ngayon ay nasugatan naman si Juliette sa kaniyang pisngi
Sinubukan pa niyang pigilan si yannick ngunit masyadong malakas ang kapangyarihan ni Voxana. Mabilis na tumalon sa bintana si Juliette ngunit agad naman siyang pinalibutan ng daan-daang mga sundalo.
*****
"Kuya Yuan, ano pong nangyari kay ate Bella?" pagsalubong ng mga pusa kay Yuan at Jerabella nang makarating sila sa Realm of Gods
"Nasaksak sya. Nasaan ang panginoong Sulas?" hinihingal naman na sabi ni Yuan saka niya inihiga si Jerabella sa isang kama
"Sino pong may gawa nito sa kaniya?" nag-aalalang tanong ng mga pusa
"Si Yannick" sagot naman ni Yuan na ikinagulat ng mga ito.
"Naku po anong nangyari dito!" biglang sabi ni nanay Freya nang pumasok sila sa silid
"Namumutla na si Bella" sabi naman ni Nanay Frena saka sya napahinto. "Sandali, sugat ba ito mula sa punyal ng mga diyos?" tanong naman ni Nanay Frena
"Punyal ng mga diyos?" pagtataka naman ni Yuan
"Noong unang panahon po ay may isang makapangyarihang punyal na syang kayang pumatay sa kahit na mga immortal na nilalang." sagot naman ni Laly
"Pero ang akala ko po matagal nang wala ang punyal na yon. Hindi po ba sinira na yon ng haring Sthenios?" tanong naman ni Zolo
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...