KABANATA 4

58 2 0
                                    


Kabanata 4:

Tumakbo lang sila nang tumakbo hanggang dumating sila sa isang kubo. Pumasok sila sa loob at bigla nalang nahimatay si jerabella sa sobrang pagod at pagkaputla. Natataranta sila hindi nila alam ang gagawin hanggang sa may dumating na isang mensahe galing sa lola ni zele.

' apo lagyan ninyo sya ng gamot na binigay ko sayo, tapos sabihan mo din sya na maikli nalang ang oras kaya wag na kayo mag sayang ng oras. Isang maling galaw ninyo lang dyan, mas lalong magugulo ang paligid ninyo. Mag iingat kayo dyan at isipin ninyo ang kalagyan ng nanay nya na nasa kritikal na kondisyon na. Sinabi sa akin paunti-unting nilalamon ng lason ang katawan ng kanyang ina. Apo mag ingat kayo dyan ha?' mensahe na galing sa kanyang lola

Kaya mabilis naman tumayo si zele at pinuntahan yung bag na dala-dala ni jerabella upang malagyan na agad ang sugat na natamo nya. Kinuha na ito ni zele at dahan-dahan nyang nilagyan yung sugat ni jerabella. Samantala, yung iba naman ay nakatingin lang sa kanya.

" pakshett bakit pa kasi ginamit yung lakas nya? Yan tuloy nagkasugat sya" mahinahong sabi ni yovanni

" alam mo kasi masakit yung ginapos sya kanina sa lubid na sobrang higpit. Sino naman kaya ang hindi gusto maka alis sa gapos na yun?" pilosopong sagot naman ni juliette

At nagsumbatan ang dalawa kahit ilang araw pa lang silang nagkakilala. Sinira naman ni zele yung sumbatan nilang dalawa

" pasensya na po kung nadala ko kayo sa kapahamakan ha?" lungkot na sabi nya

" ano kaba zele, hindi mo naman kasalanan yun ' sabi ni yovanni sa kanya

" mga ate at kuya , may sinabi po pala ang lola saakin " sabi nya

" ano naman iyon? " sabay na sagot nina yovanni at juliette

" ay sabay talaga? " ang babaeng hindi kilala ni zele

" na ---" hindi pa naipagpatuloy ni zele yung sinabi nya nang biglang

" ano sinabi nya sayo zele? Tungkol saan?" sabi naman ni jerabella

Lumapit naman agad si zele kay jerabella at niyakap ito.

" zele yung sugat ko" sabi ni jerabella

" ay pasensya po" sabi nya at natuwa naman ang iba

" ano na ang sabi ni nanay fe?" mahinahon na tanong ni jerabella

" kasi po ate" sabi ni zele na pahinto ito

" kasi ano zele? Sabihin mo na please nagmamakaawa ako sayo" sabi ni jerabella

" ang nanay mo po kasi ate ' pagkabangit nun ni zele yung mukha ni jerabella hindi mabasa

Parang wala silang pake sa mga taong kasama nila sa loob ng kubo na yon dahil sa pinag-uusapan nilang dalawa

' ano daw ? ano nangyari sa kanya? " naluluhang tanong ni jerabella

" uy umiiyak na sya " bulong ni yovanni kahit naman naririnig sya nito

" bakit sya umiiyak? " sabay din na tanong ng katabi nyang babaeng hindi nya kilala

" ate kasi daw unti-unting nilalamon ng lason ang katawan nya ate. Tapos daw po nanghihina na daw po ang pangangatawan nito" malungkot na sagot ni zele

Si jerabella naman ay napapikit na lamang, hindi nya alam kung ano at saan pwedeng lumugar yung sakit na nararamdaman nya. Mahal na mahal nya ang kanyang ina kaya ganito na lang ka importante sa kanya ito.

' ina? Sana mapakingan mo ito. Ma magpalakas ka lang po please parang awa mo na. Kung ibubuwis ko man ang buhay ko para lang mabuhay ka nang matagal gagawin ko po, ina. Ina, wag mo lang po ako iwan. Kailangan kong bigyan mo po ako ng kasiguraduhan na mabubuhay ka pa hanggang makabalik ako dyan kasama silang lahat ' hiling ng isang bata na nasasaktan sa nalaman ang kondisyon ng kanyang ina

Lucky 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon