KABANATA 18

31 1 0
                                    

Kabanata 18:

Sumapit ang umaga sa Realm of Gods, kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pag-uumpisa ng huling misa. Nagtipon-tipon muli ang lahat at tahimik silang nakinig sa mga dasal. Pagkatapos ng misa ay inihanda na ang karo na sasakyan ni Zele papunta sa huli niyang hantungan.

"Nanay Freya" pagsapo ni Bella sa nanghihinang matanda. Agad namang lumapit sa kaniya ang iba pang kasamahan at inalalayan nila si Nanay Freya

Narating nila ang field of white roses kung saan nakatira ang mga angel of death na naghahatid sa mga kaluluwa sa kanilang huling destinasyon.

"Dito na ba talaga nagtatapos ang lahat kay Zele?" hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Juliette kaya tinapik-tapik nalang sya ni Yale sa balikat

"Hindi naman sya mawawala. Matatagalan bago natin sya makita muli pero mananatili naman sya sa puso natin habang hindi pa dumadating ang panahon na yon eh" sabi naman ni Janette

"Oo, isa lang naman ang patutunguhan nating lahat eh kaya magkikita pa rin tayo. Wag na kayo malungkot" sabi naman ni Yovanni

"Luh sure ka kasama ka sa amin?" pagbibiro naman ni Yervant kaya napangisi nalang ang iba, agad naman syang sinunggaban ni Yovanni at parang nagwrewrestling na sila kaya napatawa nalang ang iba

"Yan ang gustong makita ni Zele, ang masaya lang kayo kahit malayo sya sa atin" sabi naman ni Bella

"Mga ate at kuya kukunin na po ng mga angel of death si Zele" sabi naman ni leyl

Nakita naman nilang inihiga ang katawan ni Zele sa gitna ng field kung saan napakalakas ang sinag ng araw. Nagsagawa ng dasal ang mga anghel at nakita ng lahat na lumutang ang katawan ni Zele sa ere na para bang nakalaya na ito sa bigat na dala ng mundo.

"Malaya ka na ngayon Zele, sana maging masaya ka" bulong naman ni Jerabella saka sila nagpalipad ng mga puting lobo kasabay ng tuluyang pag-akyat ni Zele sa pinakamataas na hantungan

Nag-iyakan ang ilan habang pinapakawalan nila ang mga lobo, ang iba naman ay kumakaway pa tanda ng pamamaalam nila.

*****

" AKALA NINYO LANG MAGIGING MASAYA KAYO HABANG BUHAY HUMANDA KAYO KASI BABALIK AKO!!!" sigaw ng isang boses na ikinabigla naman ni bella dahilan na mapatayo ito sa kinauupuan nya.

'ilan araw pa lang ang nagdaan matapos ang huling sandali ni zele may susunod na naman agad?' sabi nito sa kanyang utak

" okay ka lang ba? Ang putla mo nanaman " sabi naman ni yannick

" oo okay lang ako" sagot naman nito '

" okay kung ganon " sabi naman nito

Umalis na si yannick kasi siya na ang susunod na magsasanay.

' sino naman kaya yung boses na yun? Sino ka ba para mang gulo na naman sa amin ? anong kailangan mo? ' sabi naman ni Bella sa isip niya

"May bumabagabag sayo bella?" biglang tanong naman ni Yash kaya nagulat si Bella

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit nandito ka?" mautal-utal pang tanong ni Bella

"Yung boses na narinig mo--" hindi na natapos ni Yash ang sasabihin niya nang sumenyas si Bella na tumahimik sya

"Ayaw kong magulo ang iba sa pag-eensayo nila. Kailangan nilang magpalakas para sa nalalapit na paglaban natin kay Voxana, wag mo sana munang sabihin ito sa kanila" sabi naman ni Bella

"Bella, hindi mo kailangang sarilihin ang lahat. Oo ikaw ang leader namin pero hindi mo kailangang buhatin ang lahat ng bigat ng grupo na to. Pamilya tayo dito, ang problema mo ay problema din namin" sabi naman ni Yash

Lucky 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon