Kabanata 6:
"Hoy gising!" sigaw ni Yovanni habang yinuyugyog si Yervant
Bigla namang napabangon si Yervant at naramdaman niya na umagos ang luha niya kaya niya ito pinunasan. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niya ang kaniyang mga kasamahan na nakatingin lang sa kaniya.
"Ayos ka lang ba? Umuungol ka kasi ng malakas, mukhang masama yung panaginip mo ha" sabi naman ni Jamaica
'Panaginip lang. Oo, isa lang yong masamang panaginip' nasabi na lamang ni yervant sa kaniyang isipan
"Ayos lang ako, madalas namang mangyari sa akin yun eh" sabi nalang ni Yervant
"Mag-ayos ka na, kailangan na nating maghanda." sabi ni Jerabella
" maghanda saan?" tanong naman ni yervant
"Hala nananaginip ka pa ba? Inaasahang susugod ng tatlong district sa pagsikat ng araw" sabi naman ni Yale
' totoo pa rin pala ibang bahagi ng panaginip ko? Ibig sabihin binababalaan na nito ako kung sa ganon. Pero hindi pwede yun, hindi pwedeng mapahamak yung kapatid ko' sabi niya mui sa isip niya
"Yovanni, nakarating naman nang maayos ang lahat sa paglikas hindi ba?" paniniguro ni Yervant
"Oo naman, ayos na ayos sila don pati yung kapatid mo. Ang saya pa nga niyang tumatakbo at nakikipaglaro dun sa apat na pusa noong umalis kami eh." sagot naman ni Yovanni
Dahil doon ay napanatag naman ang loob ni Yervant na hindi magkakatotoo ang kaniyang panaginip.
Unti-unti nang sumikat ang araw at handang-handa na silang lima na isagawa ang kanilang plano
" this is it pancit!" sigaw bigla ni yale
Tumawa naman silang lahat
"Hala tagal naman nilang lumabas gusto ko nang lumaban" pagyayabang pa ni Yovanni kaya mas lalo silang natawa
"Oh ? ang yabang nitong palakang to " bulong ni juliette na narinig ni Jamaica kaya napangisi nalang ito
Nagulat nalang sila nang biglang lumipad ang isang bala ng kanyon at bumagsak sa ilang kabahayan na naging dahilan ng sunog.
"Yung napag-usapan natin guys!" utos naman ni Jerabella at tumungo na sila sa kani-kanilang mga puwesto
Pinagsanib nina Yovanni at Juliette ang kanilang mga kapangyarihan at nag-umpisang dumilim ang kalangitan na labis ikinagulat ng mga sundalo.
"Fire!" sigaw naman ni Yash at nagpaulan pa sila nang mga bala ngunit nahirapan silang kumilos dahil lumalakas ang hangin.
Sinubukan naman ni Yale na hilahin ang araw at palubugin ito. Sa kabilang banda ay hinila naman ni Yervant pataas ang buwan. Napakalakas na enerhiya ang lumalabas sa kanilang mga katawan. Nagtagumpay naman silang ibahin ang takbo ng kalawakan. Tila guguho na ang mundo, halos hindi na makatayo ang mga sundalo.
"Bakit nagiging gabi? Anong klaseng mahika ito?" wika pa ng mga salamangkero na kasama ng mga sundalo, maging sila ay hindi maipaliwanag ang nangyayari
Hindi nila inaasahan na magiging ganon kalakas ang anim na tao kung pinagsama-sama ang kapangyarihan ng mga ito. Tumingala lang si Yash at pinapanood kung paano naging gabi ang umaga.
Naghanda na si Yervant. Nagdasal siya sa buwan at hiningi ang lakas nito. Inalala niya ang sinabi ni Jerabella sa kaniya, ang gagawin niyang ito ay para iligtas ang mga mahal niya sa buhay.
"Lumapit tayo sa kanila" utos ni Yash sa sundalong nagmamaneho ng kanyon
"Pero commander mapanganib po" sagot naman nito
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...