Kabanata 9:
Hindi tumiitigil ang matinis na tunog, parang sasabog na ang kanilang mga utak ngunit inalala nila ang bilin ni Jerabella na ito ay isa lamang ilusyon.
Nagulat sila nang biglang umagos ang tubig sa kanilang paanan at nabasa na silang lahat. Pinilit dumilat ni Jerabella para tingnan kung ano ang nagyayari. Kitang-kita niya kung paano lumusot sa pagitan ng mga salamin ang napakalakas na agos ng tubig na kung tatantyahin ay kayang punuin ang buong lugar na iyon sa loob lamang ng isang minuto.
Humina ang tunog ngunit malinaw pa rin nila itong naririnig. Tinaggal na nila ang takip sa kanilang mga tainga. Mas lumalakas pa ang water pressure dahilan para magcrack ang mga salamin at tuluyan na itong mabasag.
Nagulat naman sila nang makabalik na muli sa dalampasigan, sa harap ng bonfire kung saan sila naglalaro kanina
"Nasaan na si Cris?" pagtataka ni Yuan saka niya ito hinanap
"Kuya Yuan nandito po ako!" tawag ni Cris dahilan para mapaharap sila sa direksyon na pinaggalingan ng boses nito
"Ate Janette, lumabas po kayo dyan" sabi pa ni Cris habang nakaharap sa dilim
"Cris sino bang kinakausao mo dyan?" tanong naman ni Yuan
Bumalik si Cris sa madilim na bahagi ng lugar, at pagpunta niya sa liwanag ay buhay na sya ng isang babaeng hindi naman katangkaran ngunit kapansin-pansin ang asul niyang mata na para bang isang malalim na dagat.
" Kuya Yuan, siya po ang nagligtas sa inyo. Siya din po yung kinukuwento ko sayo na amo ko po, si ate Janette" sabi naman ni Cris habang buhat pa rin sya ni Janette
Bigla naman lumabas si janette mula sa dilim. Sobrang ganda ng mata nya kulay teal ito. Habang nag lalakad sila si janette may na pansin sa parte ng dagat kaya naman bumilis sya sa pagtakbo at sumisid agad.
" ate janette naman e!" sigaw bigla ni cris
Bigla naman silang lahat sa nangyari. Hindi nila akalin ganon pala ang mukha ng isang katubigan.
" ohshet ang ganda ng mata nya ' bigla napa sabi si yash nag dahilan upang mapa lingon naman si jamaica
" ano naman ang maganda dun?" sagot naman ni jamaica
" uy may nagseselos " sabi naman ni yale at nag katuwaan silang lahat
Ilang minuto na tahimik ang paligid. Hindi nila na pansin na nawala si bella sa kanilang tabi.
" zala, zolo, zulu at zele wag kayong mag alala okay lang ako at wag ninyo ako hanapin " bulong ni bella sa mga isipan ng apat na pusa at na bigla naman silang lahat nung napatayo na lang bigla yung apat tapos tumitingin sila sa paligid
" ano bang nangyayari nasaan ba si bella?" yovanni
" nasaan nga sya?" yervant
" nasaan ang ate bella ninyo" jamaica
" nasaaan na sya ?" juliette
Nanatiling tahimik lang silang apat. Hindi nila alam kung ano e sasagot nila sa mga kuya at ate nila. Bigla na lang sila naging pusang apat.
" hindi ako makapaniwala na nagagawa na ni zele yung mga bagay bagay na ginagawa ng sarili nyang mga kakambal" sabi naman ni yervant
Sumang-ayon naman sila. Ilang araw ang nakalipas hindi parin bumabalik si bella at sila zele, zulu, zolo at zala naatili pa rin na pusa,
*******
" ilang araw kana dito sa "cave" na to ha? Sino ba hinihintay mo?" sabi naman ng isang magandang babae
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...