KABANATA 8

31 2 0
                                    


Kabanata 8:

Umangat ang lahat ng nasa ilalim ng tubig -- ang mga basura, patay na isda at mga taong nakagapos. Nagulat naman ang ibang tao na nakakita nito. Hindi nila akalain may makita silang isang katulad nito. Pero sinugurado nila muna na mapapatulog nila ang mga taong naka kita nito.

" nakatulog na lahat ate bella" sabi ni zala

Inutos ni bella ang apat na pusang na patulugin lahat ng tao nasa palagid nila na nakakakita sa kanila. Binilisan ng lahat at nilagay sa dalampasigan lahat ng tao nanakagapos mula sa ilalim ng dagat.

" nandito na po lahat ate bella" sabi naman ni zele

Pinuntahan naman ni bella si yuan.

" yuan, ibaba mo na iyan kasi ilang minuto gigising sa mga taong pinatulog ng pusa ko" sabi naman ni jerabella kay yuan

" okay sandali lang" sagot naman nito.

Dahan dahan naman niyang ibinaba ang lupa dahilan sa pag yanig nito hanggang sa maibalik na ang lahat sa dati nitong ayos. Kinalas nila ang gapos ng mga taong nakuha sa ilalim, samantala nagising na ang mga taong nakasaksi ng pangyayari ngunit wala silang matandaan sa kanilang nakita.

"Anong nangyari? Napakarami naman ng taong inanod ng dagat sa dalampasigan" pakiki-isyoso ng mga tao sa nangyayari. Normal na sa kanila na makakita ng mga katawan ng taong inaanod ng dagat sa dalampasigan kaya naman hindi na sila masyadong nagtaka

" dahil po kasi iyan sa nalunod kanina na bangka po" magalang na sagot ni zala at agad naman itong pumunta sa kay ate bella nya

" ate bella? Alam mo po ba may nakikita po ako nandun" bulong nya sabay naman turo sa isang isla

Tiningnan naman ni bella at totoo nga may babae nga naka tayo sa isla na yun.

' ikaw kaya ang katubigan o isa ka ring kalupaan?' napatanong naman sya sa sarili nyang utak

Pinuntahan na nila lahat ng naiahon na tao sa dalampasigan at isa-isang sinuri ang kalagayan ng mga ito.

May nakitang isang pamilyar na mukha si zolo. Ito ang nakita nilang pusa na nag-aanyong tao rin.

" ate bella sya po yung pusa!" siglang sabi ni zulu

" oo ate sya ito " pag sang ayon naman ni zele

Napaisip naman bigla si bella dahil parang may hindi tama.

" isa lang po ang morse code nya at nasa daliri nya po ito' dagdag pa ni zele

" kung sa ganon isa syang pusa na nag aanyong tubig?" sabi naman bigla ni jamaica at sabay pang napatango sa kaniya sina Zele at Zulu

Ilang minuto pinuntahan naman sila ni yash

" cris?" sabi naman ni yuan

napa lingon naman silang lahat sa kanya. Lumuhod si yuan sa harap ng tinatawag nya na si cris at nagulat naman sila sa ginawa nito.

" hindi pwedeng mamatay ka" sabi ni Yuan habang yiniyugyog ang walang malay na katawan ng pusa

" kuya sa ginagawa mo po mas lalong mahihilo yung pusang iyan" sabi naman ni zolo

" kasi po kuya kaming mga pusa pag nalunod man kami sa tubig o na basa man po kasi kailangan po namin ma tuyo agad kung hindi magkaka flu po kami or makaka sipon" dagdag naman ni zala

" at hindi po sya mamatay kasi po isa po siyang demigod kaya nya po magtagal sa tubig ng isang buwan kasi po madami naman po pagkain sa ilalim" sabi naman ni zulu

Lucky 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon