Kabanata 12:
"Yannick. Yannick ang pangalan ko" sabi ng lalaki kaya biglang napatayo si Bella. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ng ina dati noong bata pa sya.
"Sa dinami-dami ng lalaking nilalang, iisa lamang ang tuluyang makakapasok sa puso mo anak. At pag dumating ang araw na yon, ikaw lang ang makakaalam. Makikilala na lang sya ng puso mo. " sabi sa kaniya ng kaniyang ina
"Bella bakit? Sya na nga ba?" tanong ni Juliette
Hindi naman siya sinagot ni Jerabella bagkus ay umupo syang muli at kinalma ang sarili ngunit diretso lamang syang nakatitig dito.
"Sige mag-umpisa ka na ng iyong gagawin" sabi ni bella habang pilit kinakalma ang puso nya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito.
Humarap naman si yannick sa nakatayong mikropono. "This is a spoken poetry that I wrote for a girl that is really close to my heart" panimula niya
"Uy pati boses gwapo" pagpansin naman ni Jamaica
"IKAW AT AKO"
Ikaw?
Ikaw yung taong ginusto ko,
Taong minahal ko ng husto
Taong pilit kong ipaglaban
Pero ikaw rin pala yung taong kaya akong pakawalan at iwanan "
"wow feels from the first stanza" sabi naman ni janan na napasandal pa sa kaniyang upuan
"Ako?
Ako yung taong minahal ka ng buong puso
Taong nagbigay ng buong atensyon sayo
Taong ginawa kang sentro sa kanyang mundo
Ngunit ngayo'y ginawa mong isang kontinente na lamang sa mundo mo
Di alam anong meron ka
Na hindi ko mahanap hanap sa iba
Anong meron ka
Na sayo lang ako nagiging masaya
Anong meron ka na bakit akoy nakakapit pa?
Anong meron ka na bakit akoy nagpapakatanga?
Anong meron ka na bakit mahal na mahal pa rin kita?
" na wiwirduhan na ako sa pagtigin nya ha?" sabi pa ni bella sa utak nya kaya naman tingnan nito sa mata ang lalaki
Oh dapat bang ang tanong ay "Anong meron ako?"
Anong meron ako, kung bakit ang tigas ko na parang isang bato?
Anong meron ako na nagpapakamanhid ng dahil sayo?
Anong meron ako na nagpapakabingi sa iba, marinig lang ang pangalan mo?
Anong meron ako na bakit naghihintay sa pagbalik mo kahit pa na ang rami namang mas lamang sayo
Saan nga ba tayo nagsimula?
" ang ganda ng pagkasulat" sabi naman ni Juliette
Ah oo nga pala
Dun tayo nagsimula sa panahong nagpakilala ka
Nagpakilala ka nakipagkaibigan ka
Binigyan mo ako ng di mapapantayang saya
Binigyan mo ako ng Mga di maipaliwanag na kilig
Binigyan mo ako ng rason sa pusong di nagsasawa sa pag pintig
Sa pangalan mo naaalala ko
Naaalala ang paghaplos mo sa buhok ko
BINABASA MO ANG
Lucky 14
FanfictionSa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthen...