Sports competition
One week na din ang nakalipas. At nakauwi na sila tita.
Hindi na din ako nakapag practice kahit isang beses. Kaya hindi na ko sinali ni andrea sa volleyball."Tita, good morning. kamusta po? Naka ready na po ba si andrew?"
"Nakoo iha, ayaw magpagising. Ikaw. Na nga ang bahala."
"Late nanaman po ba sya nakauwi?." Masyado na syang naka focus sa training nila. Ewan ko nalang kung matalo pa sila
"Oo iha, nagaalala na nga ako. Baka mamaya hindi na sya nakakapag pahinga ng maayos. " Umakyat na ko sa kwarto ni andrew
"Andrew gising na. Malelate na tayo." Bumiling lang sya at sinilip ako. Pumikit din sya ulit at hinila ako pahiga.
"Maaga pa." ungol nya. Napatingin naman ako sa orasan 6:20 am palang.
"Ano ba andrew malulukot yung uniform ko. Babangon na ko." Pero pinigilan nya ko at niyakap. Hinayaan ko nalang sya.
"baka malusaw ako ha" natauhan naman ako agad ng mapansin nyang nakatitig ako sa kanya bigla syang dumilat at ngumisi sa akin. Napaupo tuloy ako. Walangya akala ko natutulog.
"Mahiga ka muna pangit." Hinila nya ko ulit at niyakap
"Ano ba andrew? Nagugutom na ko. Bumangon ka na." pero imbes na bitiwan ako, Hinigpitan nya lang ang pagkakayakap sakin lalo at ngumiti. Ang landi mo!
"May game kayo mamaya diba?" Bigla naman syang sumeryoso. Bumangon na din sya at iniwan ako sa kama. Problema nun?
Bumaba nalang ako. Wala din naman akong gagawin sa kwarto nya.
"Tara na stellar" napatingin naman kami ni tita sa kanya na diretso lang na lumabas nang pinto.
"Sige po tita una na kami" agad nama. Akong tumayo at sumunod kay andrew. Ngumiti naman sa akin si tita .
"Bilisan mo late na tayo"
"Wow ha! Ako pa ngayon ang minamadali mo?"
"ANDREW!!!" Sigaw ko sabay batok sa kanya.
"Aray!! Ano ba naman yan stellar? "
"Anong problema mo?"tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Para pala sayo "padabog kong inabot yung binili kong bag para sa kanya.
"Bakit? Hindi ko naman birthday?"
"Alam ko, pwede namang mag thank you nalang diba?" Pagtataray ko. ginulo nya lang ang buhok ko at inakbayan ako habang naglalakad.
"Tsk"
Pag dating sa school ay agad ako nagpaalam kay andrew na pupuntahan ko si besh.
"Sama ko" Napataas naman ako ng kilay. Bakit sya sasama?
"Bakit sasama ka? Mamaya na ang game mo hindi ba? dapat nandun ka sa mga kateam mo."
"May sasabihin sana ako sayo stellar"
"Ano yun? Dalian mo anong oras na oh."
"Hindi--"
"Besh!!! " Dumating si andrea na tumatakbo. Ano naman problema nito?
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...