Para kong binuhusan ng tubig. Ano nga bang aasahan ko? Malamang, mahal nya ko bilang bestfriend nya. Hanggang doon lang...
FLASHBACK
Playground
"Pangit! Birthday mo na next week. Sigurado ko andami nanamang pagkain. Siguradong magiging masaya ang birthday mo.""Syempre naman noh. Sabi ni mommy pinaghandaan daw nya yun. Ibinili pa nya ko ng princess na gown at my crown pa!"
"Sigurado ako na ikaw ang pinaka pangit sa birthday mo stellar hahaha"
"Napaka sama mo! Wag kang pupunta sa birthday ko ah! Hindi na tayo bestfriend!" hala. Napaka pikon talaga nun. Padabog syang tumayo. inirapan pa ko tsaka naglakad.
"Oyy joke lang! Wag kana magalit! Ito oh sayo nalang, alam kong favorite mo to. " Inabot yung lollipop na nasa bulsa ko. Tinangalan ko muna ng balat para hindi na sya maginarte. Kinuha naman nya agad at kinain
"Bati na tayo pangit ah?"
"Tse! Hindi noh! Sayang kasi kaya kinuha ko noh" aba't mautak tong babae na to.
"Ang cute mo talaga" natawa ko sa reaksyon nya kaya ginulo ko ang buhok nya
"Talaga cute ako andrew?" Biglang nagiba ang mood nya. Kitang kita ang ngiti sa muka nya habang hinihintay ang pag sagot ko.
"Syempre joke lang yun. Ang pangit mo kaya" tawa ko sa kanya.
"Ang bad mo talaga andrew!!! Hindi na ikaw ang Bestfriend ko. Sila Austin nalang at August ang bati ko." Napataas naman ang kilay ko. Siningit nanaman nya yung kapit bahay naming kambal.
"Andaya mo naman! Sorry na nga kasi." Pero hindi nya ko pinapansin.
Lalo pa nya kong hindi kinausap ng dumating na nga ang kambal. Tsk
"Pangit tara na uwi na tayo" hinatak ko na sya para makaalis na kami.
"Ayoko nga! Mauna kana!" Lumapit sya sa kambal. Kitang kita ang ngiti sa muka nya. Paanong hindi ngingiti? Crush lang naman nya yung mayabang na austin na yun. Lumapit sya at naupo sa swing katabi ang kakambal ni Austin na si August. Maganda si august kaso lang masyadong mahiyain. Sa kakambal lang nya sya nakikipag laro at kay stellar. Habang si august ay tinutulak ang swing ng dalawa.
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Naiinis ako! Dapat ako yung kalaro nya! Epal talaga yung kambal na yun!
"Ayaw mo talaga makipag bati pangit ha. Edi wag mo kainin ."
Lumapit agad ako kay stellar at Kinuha ko agad yung hawak nyang lollipop at binato ito sa damuhanNakita kong nagulat silang tatlo. Pero ang hindi ko inasahan ay ang pagiyak ni stellar
Tumakbo na sya magisa pauwi. Sinundan ko naman sya agad. Yumakap agad sya sa mommy nya. Mas lagot dahil nandun din si mommy
"Ohh princess, bakit ka umiiyak?" Hindi nagsalita si stellar at tiningnan nya lang ako ng masama. Nakatingin naman sakin si mommy ko at ng mommy nya.
"Andrew? Ano nanaman ang ginawa mo?" Nakakunot na ang noo ni mommy at ni tita.
"Sorry po ma. Sorry po tita"
"Kay stellar ka mag sorry"
"Sorry na stellar. Bati na tayo." Lalapit na sana ko pero tumakbo nanaman sya at pumasok sa kwarto nya. Hindi talaga nya ko pinansin ng ilang araw.
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...