"uyy besh okay ka lang ba? Bakit lutang ka?" Nandito kami ngayon sa classroom. Wala pa ang teacher namin. May kanya kanyang ganap sa paligid.
"Ayos lang ako besh. medyo pagod lang. Nandyan kasi yung mga pinsan ko sa bahay." Napataas naman ang kilay si andrea. Sana naman maniwala sya. Wala ako sa mood tlaga.
Matapos yung nangyare kila tita cris ay umuwi na ako. Inabot din ako ng 10 ng gabi.
"Si Andrew? Napansin mo ba kung dumating na?"
"Besh? May problema ba kayo ni papa andrew? Bakit hindi kayo sabay ngayon pumasok? Anong meron?"
"Kasi besh maaga ko nagising. Kawawa naman kung isasabay ko. Alam ko namang pagod yun kakapractice." Napataas naman ang kilay ni andrea. Tanggalan ko kaya ng kilay to?
"Practice? Si andrew?"
"Oo besh practice. Sa basketball malamang." Anong inaarte nito? Nakakunot pa ang noo?
"Sure ka?"
"Anong muka yan sis? Muka kang tanga. May problema ba?" Akala mo naman ngayon nya lang nalaman na nag basketball si andrew.
"Wa-wala naman." Natahimik na kami ng dumating na si ma'am. Nasaan na kaya si andrew? Late na sya.
Natapos ang klase ng hindi ko manlang nakita si andrew
Umuwi na ko para hanapin si andrew.
"Andrew!" Sigaw ko. Lumapit agad ako sa kanya. At niyakap sya sa likod.
"Anong nangyare? Bakit hindi ka pumasok? Sorry ha hindi kita nasundo may nangyare kasi kahapon." Bumuntong hininga nalang ako.
Agad naman nya kinalas ang pagkakayap ko at humarap. Bakas ang lungkot at pagod sa mga mata nya. Anong nangyare?
Lumapit sya para halikan ako sa noo at Hinila nya nalang ako papasok sa loob. Wala si tita.
"A-anong nangyare andrew? May problema kaba? May masakit ba sayo?" Pero niyakap nya lang ako.
"Payakap lang stellar. Mamaya mo na ko sermonan" hinayaan ko nalang sya at niyakap ko nalang din syang ulit.
Sya na din ang kumalas sa yakap namin at binigyan ako ng malungkot na ngiti.
"Andrew ano ba? Sabihin mo kung anong nangyayare? Kinakabahan ako sayo." Ginulo nya lang ang buhok ko
"Wala stellar. Namiss lang kita. Napagod ako kakapractice. Ipagluto mo naman ako. Mukang mamaya pa si mommy."
"O-okay" ngumiti lang sya at pumunta sa sala.
"Mokong kain na tayo." Nakahiga sya ngayon sa sofa at nakatakip ng bimpo ang muka. Nilapitan ko nalang sya
"Uyy kain na tayo" tinapik ko sya kaya nagising. Mukang pagod na pagod sya ha.
"Mukang masyadong matindi ang pagpractice nyo ah. Wag mo pabayaan ang sarili mo mokong." Nakaupo na kami ngayon at nagsimula kumain. Sinigang na baboy ang niluto ko
"Oo. Pasensya kana stellar pero baka hindi muna ko sasabay sayo. Practice, alam mo na." Napanguso naman ako.
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...