"jeff??." Pawis na pawis sya. Pinalitan sya ni cristian.
"Manunuod ka din ba ng game? Hindi naman kasali si andrew ha?" Napakunot ang ulo ko sa sinabe nya.
"Anong sinasabe mo?" Nagtatakang tanong ko. Napatayo na din si andrea.
"Hindi nagpapractice si andrew kaya tinangal sya ni coach." Napailing ako sa sinabe nya. Hindi. Imposiblesinubukan ko syang tawagan. Pero hindi sya sumasagot. Lumabas ako para hanapin sya pero wala. Walang andrew.
"Uyy besh san ka pupunta!?" Hindi ko maintindihan pero nararamdamdaman ko nalang na bumabagsak na ang mga luha sa mga mata ko..
"Kung hindi nagtraining si Andrew, saan sya pumupunta kapag wala sya? Bakit sya nagsisinungaling sakin?" Napatingin ako kay andrea na inalalayan ako iupo at tumabi sa akin.
"Baka naman may girlfriend si andrew kaso hindi pa sinasabe sa inyo." Girlfriend? Si andrew? Pero sino? Hindi. Hindi magagawa ni andrew yun.
"Imposible yun jeff! May something na sa kanila ni stellar noh!" Napayuko nalang ako. Ano nga bang meron sa amin?
"kayo na?"tumingin ako kay jeff na mukang nadismaya sa sinabe ni andrea.
"Well, labas kana dun jeff. Tsaka bakit ba nandito ka pa?" Tinapik ko naman si besh para wag magsungit.
"Ahmm gusto ko sana kausapin ka stellar." Lumapit sya sakin. Kaya tiningnan ko sya.
"Hi-hindi pa" tama ba? Pa? Hindi ko alam. Naguguluhan na din ako. nakita ko ang pag guhit ng ngiti sa kanyang labi.
"Pero magiging sila! Kaya wag na umepal ang mga EX" Napalingon ulit ako kay andrea na halata ang inis kay jeff. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit.
"Tumigil na nga kayo. Uuwi nalang ako. Pagod na din naman ako.
"Hatid na kita" napatigil ako sa sinabe ni jeff
"Hindi na jeff thank you nalang. Kaya ko na magisa." Susunod pa sana si andrea pero pinigilan ko sya. Gusto ko makapag isip.
"Stellar tara na hatid na kita." Nasa bus stop ako ngayon. Pero puro punuan. Huminto si jeff dala ang sarili nyang sasakyan.
"Hindi na jeff, " napatigil naman ako sa pagsasalita ng bumaba sya sa sasakyan at kinuha ang gamit ko at nilagay sa sasakyan.
Binuksan din nya ang pinto sa unahan.
"Tara na stellar.. mamaya ka pa makakasakay kung hindi ka sasabay sakin. Promise ihahatid lang kita"
Hindi na ko naka angal.. pinagtitingan na kami..wala na kong nagawa kundi ang sumakay.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating sa bahay.
"Uhm stellar, pwede ba kita ayain lumbas bukas? Gusto sana kita makausap."
"Si-sige. Thank you sa paghatid jeff ha. Ingat" hindi ko alam bakit ako pumayag. Basta ang alam ko, kailangan ko na makalabas.
"Ingat ka sa pag uwi" hinintay ko sya makaalis bago ko tumawid papunta sa bahay nila andrew.
Pero wala sila ni tita. Sinubukan ko sila tawagan pero walang sumasagot.
....Kinaumagahan ay pumunta ako kila andrew. Hinintay ko nalang sya sa sala.
Napaawang nalang ang bibig ko ng makita ko syang may pasa sa labi. Nakakunot ang mga noo. Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang kanyang muka.
"Andrew anong nangyare sayo? Bakit may pasa ka?" Agad naman nyang iniwas ang muka nya.
"Wala lang to. Tara na. Malelate na tayo." Nauna naman na syang lumabas ng bahay.
"Si Aaron ba ang dahilan nyan? Nagaway nanaman ba kayo?" Kahit hindi sya sumagot, alam kong sya. Nagkuyom ang mga kamao ko. Buong byahe kami tahimik.
"Mauna na ko" kung ayaw nya ko sagutin. Si aaron ang tatanungin ko.
"Beshie goodmorning. Ready kana?"Si andrea. Tsk, may practice nga pala kami.
"Red pirates vs. Ace magready na kayo." Tumayo na kami ni besh. kami na ang maglalaro.
Nanalo ang Blockers kontra real Player.
"Goodluck besh! Kaya natin to! " Sigaw sakin ni andrea. Ngumiti nalang ako.
Maganda naman ang naging game namin ng una.
"Besh!!!" Shit! Bumagsak si Andrea! Agad naman syang inilabas para icheck. Buti at may nurse na nakabantay. Tsk, Sya talaga ang pinupuntirya.
Hindi to maganda. Nakakabawi na ang kabila. Malaking kawalan si andrea.
Humingi muna ng break ang coach namin. Kaya naupo muna ko sa tabi ni andrea.
"Tubig" nakita kong tumabi sakin si jeff. Inabot ko naman yung tubig na bigay nya.
"Thanks" ngumiti lang ako sa kanya.
"Coach! Ipasok nyo ko sa game! Kaya ko!. " alam kong gusto ni andrea maglaro. Pero masama ang pagkakabagsak nya. Baka lalo lang sya lumala
"Manahimik ka jan andrea. Na sprain ka. Ang sabi ng nurse Hindi ka pwede makapaglaro" tinapik ko nalang ang balikat nya para kumalma sya.
"Okay lang yan besh. Kaya namin to." Ngumiti lang ako sa kanya at tumayo na.
Nag start na kami mag laro. Lamang na lamang na ang kalaban namin. Mahihirapan na kami makabawi.
"Besh kaya nyo yan! Team work! Wag kayo mag agawan! Hindi kayo magkakalaban! " Galit na si andrea. Naka kuyom na ang mga kamay nya. Hindi kami pwede matalo.. ayoko nadissapoint si andrea
"Guys! Focus! Hindi tayo pwede matalo dito. "sigaw ko na agad naman tinanguan ng mga kakampi ko. tiningnan ko ulit si andrea bago magserve.
End game...
"Besh, sorry"
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...