CHAPTER 19

7 0 0
                                    

"Bumalik ka, babawiin na kita" napapikit nalang ako sa sinabe ni vero. Nanlambot ang mga tuhod ko.

Wala akong lakas para pumalag. Wala ako sa katinuan para kumontra.

Mabuti at Bumitiw din sya sa pagkakayakap pero ngayon ay nagtungo sya sa aking harapan..  nakingiti sya bago hawakan ang aking muka. Napapikit nalang ako ng naramdaman kong hinalikan na nya ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako maka kontra. Naramdaman ko nalang na humalik na din ako pabalik.

"Gusto mo uminom?" Alok nya sakin. Bago kumuha ng alak at iniabot sa akin

Tumango lang ako sa kanya at kinuha ang baso ng alak. Hindi ako umiinom, pero mukang kailangan ko to.

"Tama na andrew lasing kana" pilit na inaagaw ni vero ang boteng hawak ko.

"Kaya ko pa. Ano ba! Akina yan!" Uminom lang ako ng uminom. Noong una ay masakit Ito sa lalamunan, pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw tumigil ng katawan kong tanggapin ito. Para kong uhaw na uhaw. 

"Akin kana andrew, hindi na kita papakawalan" naramdaman ko ang malambot na kama. Hindi ko namalayang nadala nya ko dito. 

End of Flashback

STELLAR'S POV
Pumasok na ko sa school magisa.
Tapos na ang sports competition. Back to normal na ang lahat.

Lasing si andrew kagabe? Saan sya natulog? Sinong kasama nya?

"Uyy besh, ang aga tulala ka jan. Hindi pa din ba kayo nakakapag usap."

"Hindi pa besh." Umiwas nalang ako ng tingin ng makita kong pumasok si jeff sa room namin.

"Goodmorning ladies" naupo sya sa pwesto ni andrew. Napataas naman ng kilay sa kanya si andrea.

"Excuse lang sir, pero may nakapwesto dyan"

"Wala pa naman sya. Dito muna ko. Okay lang naman stellar diba?" Nginitian ko nalang sya.

"Uyy besh ilang araw ng absent yung si veronica ha. Ano kaya nangyare dun?"

"Yaan mo na besh. Baka may nangyare lang." Napalingon naman agad sakin si besh

"Kung ano man yun. Sana wag na syang bumalik. Tsk nang mabawasan ang maarte sa room." Napatingin naman sa kanya ang mga alipores si vero. Tsk ayaw kasi manahimik.

"Shh! Besh ako ba? Ang aga aga mapapaaway ka."

"So what? Bakit? Wala naman akong sinasabeng masama?" Inirapan ko nalang sya at dumukdok.

Wala yung teacher namin nasa meeting sila lahat kaya mahaba haba ang break namin kaya pumunta muna kaming dalawa sa malapit na milktea shop sa school

"So besh, ano nang plano mo?"

"Kakausapin ko nalang sya mamaya pag uwi besh. Sana kausapin nya ko"

"Tsk, hindi ka matitiis nun besh. Magiging okay din kayo." Ngumiti nalang ako sa kanya at ininum yung inorder ko..

"Kanina mo pa chinecheck ang phone mo. Sino bang hinihintay mo?" Tanong ko kay andrea. Napataas nalang ako ng kilay ng umiwas sya ng tingin sakin.

"Wala besh. Tinitingnan ko lang baka kasi malate tayo sa klase " kakalabas lang namin late agad? Hindi talaga marunong magsinungaling tong babae na to. Tinaasan ko lang lalo sya ng kilay at agad naman nyang nakuha ang ibig kong sabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon