"Aaron?"
"Anong ginawa mo?" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang pagaalala sa muka nya, pero bigla syang sumeryoso.
"Ikaw? Anong ginawa mo?" Seryosong tanong nya. Bigla nalang syang tumawa. Anong? Anong ibig nyang sabihin?
"Tinulak mo sya. Kaya ko sya nabungo" Nababaliw na sya. Kailangan ko ng tulong.
Hindi ko na sya pinakingan at binuhat ko na si vero. Lalagpasan ko na sana si aaron pero pinigilan nya ko ...
"Sakay " kalmado pero seryoso nyang Sabi.
"Ano?" Hindi ko sya maintindihan. Binanga nya si Vero tapos ngayon tutulungan nya. Ano ba ang tumatakbo sa utak nito?
"Sabi ko sakay! Bingi kaba! O gusto mo na iwanan ko nalang kayo? Madali naman ako kausap." Tiningnan ko si vero na Wala pa din malay. Hindi ko alam kung tama ba na sumama kami.
Napapikit nalang ako at Huminga ako ng malalim bago tumango kay aaron.
Nakarating agad kami sa ospital na malapit. Agad din naman syang dinala sa emergency room para gamutin."Pwede ka ng umuwi." Maangas na sabi ni aaron habang naghihintay kami.
"Ano? Bakit naman kita susundin?"
"Kasi hawak ko ang video"
"Video?"
"Tss.. dash cam. Stupid" nagkuyom ang mga kamao ko. Nag ngitngit ang ngipin ko sa galit. Gusto ko syang sapakin.
"Napaka sama mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit sya nandito! Hindi ako!" Sinubukan ko syang suntukin pero naiwasan nya to.
"Oppss.. hahaha sinimulan mo to mr. Valmadrid. Wag ka masyado agresibo. Easy round palang to "
"H*yop ka!!" Hinawakan ko ang damit nya. Habang sya ay naka tawa lang sakin.
Agad namang may lumapit sa amin mga nurse at guard. Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanya.
Agad naman syang tumawa at naglakad palayo.
"Doc, okay na po ba si veronica? " Nailipat na sa private room si veronica para magpahinga.
"Well, nakaroon ng head injury ang pasyente dahil sa pagtama sa matigas na bagay. Kinakailangan ng treatment para hindi magkaroon ng complication. If not, maaring makaranas ang pasyente ng headache at sleeping difficulties. Nagkaroon ng internal bleeding pero naagapan naman. Nadamage din ang kanyang knee. Kaya nilagyan namin ito ng braces para maicorrect ito. It will be painful for her. Mahihirapan sya makapag lakad. At maari syang makaranas ng emotional stress dahil sa nangyare kaya huwag muna natin sya bigyan ng mga bagay na hindi makakabuti sa kanya. Kinakailangan nya lang magstay dito para mas matutukan sya."
Mag gagabi na pero nandito pa din ako. Hindi pa din nagigising si vero.
Tumawag na ko ng nurse para bantayan si vero.Dumating ako sa bahay gabing gabi na. Nakita ko si mommy na natutulog sa sofa.
"Ma, bangon kana. Bakit jan ka natulog? Halika na sa kwarto mo. Ihahatid na kita dun kana matulog."
"San kaba nang galing anak? Kumain kana ba? May nangyare ba sayo? " Inilalayan ko na si mommy papanik ng kwarto nya.
"Wala po ma, okay lang po ako. Nalibang lang po sa pag pagpractice. Sorry po" ngumiti lang ako at hinalikan sya sa noo.
"Si stellar, nakausap mo na ba si stellar anak?" Anong meron? May nangyare kaya sa kanya?
"Hindi pa po ma. Bakit? May nangyare po ba?" Umiwas naman ng tingin si mommy at umayos ng higa.
"Wa-wala naman anak. Natanong ko lang. Sige na magpahinga kana may pasok ka pa bukas."
Kinabukasan ay nakatanggap agad ako ng isang mensahe galing kay veronica.
"Puntahan mo ko. Ibili mo na din ako ng pagkain. Naghihintay ako" napa buntong hininga nalang ako. Napatingin nalang ako sa larawan namin ni stellar na nakalagay sa side table ng kama ko. Hindi nya ko ginising. Mukang abala sya.
"I'm sorry dad, hindi na po ito mauulit. Pasensya na po. Magiingat po ako. Yes po. " Naibagsak ko ang hawak kong pagkain ng biglang sampalin sya ng daddy nya.
"So-sorry po" lumabas ako agad ng tumingin sila sa akin. Ilang minuto ay lumabas din sila pero hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
"Kamusta pakiramdam mo? Kumain kana." Ang seryosong muka ay napalitan ng ngiti.
"Nagaalala kaba? Ang sweet mo naman. Kung alam ko lang na ganito kita kadali makuha, dapat matagal na ko nagpasagasa sa mga sasakyan"
"Nagagawa mo pang magsaya? Muntik kana mamatay vero, Wala lang sayo? "
"Hmm walang may paki kahit mamatay man ako. Kahit ang pamilya ko." Napahinto sya. Kita ko ang sakit sa mga mata nya
"First time tumawag ni dad. Pero gaya ng dati, nagalit sya sakin.
hindi maganda ang relasyon namin ng family ko. Ikaw lang ang meron ako andrew. Ikaw lang. Please, wag mo ko iiwan. Kailangan kita." Hinila nya ko para yakapin.Bumagsak ang balikat ko.. sa mga oras na to, hindi sya ang veronica na nakilala ng lahat.
"Sshhh, tama na. Hindi makakabuti sayo kung magpapaapekto ka. Ang kailangan mo magpagaling. Okay? Tutulungan kita. Sana , tulungan mo din ang sarili mo. Nandito ko para sayo." Bumitiw na ko sa pagkakayakap ko sa kanya at naupo. Pero hinawakan ko ang kanyang kamay..
"Ingit na ingit ako kay stellar. Kaya nung nalaman ko kay aaron na nag ka boyfriend sya dati. Naisip ko, may pagasa ako sayo. Kasi Hindi nakikita ni stellar kung Gaano sya kaswerte. Andrew. Pero never mo ko pinansin. Never mo ko binigyan ng chance."hinawakan nya ang muka ko at hinarap sa kanya. Malungkot ang mga mata nya.
"Andrew, aalagaan kita. Pahahalagahan kita. Mamahalin kita .
Pwede naman diba? Subukan natin. Gagawin ko lahat mahalin mo lang ako"
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...