CHAPTER 13

2 0 0
                                    


KINABUKASAN
Nakagayak ako nang maaga.
Lutang pa din ang isip ko.
Magisa nanaman ako sa bahay.

"Tita? Goodmorning. Si andrew po?"

"Stellar?"

"Po? Tita, Gisingin ko nalang po si andrew.. Puntahan ko lang po sa kwarto nya"

"May problema ba kayo stellar?" Napatingin naman ako kay tita.

"Ano po yun tita?"

"Kakauwi lang nya ngayon umaga. Mukang lasing kagabe. Hindi ko nga alam saan natulog ang batang yun.."

"Hindi po tita. sige po aakyatin ko muna"

"Iha, pabayaan mo muna si andrew makapag pahinga. Nagaalala ako sa kanya."

Andrew's POV

"Stellar was right. Sino ba naman ako"

FLASHBACK
2nd year high school

"Andrew si stellar?" Napalingon ako kay andrea na nakakunot ang noo.

"Baka kasama si jeff" mapait na sagot ko.

"Bitter?" Napataas naman ako ng kilay habang sya ay nakapa mewang.

"What?"

"Tss. Torpe kasi"
sinundan ko lang sya ng tingin hanggang makaalis.

"Andrew!!" Napaawang naman ang bibig ko ng maramdaman ko ang mga brasong yumakap sa akin mula sa likod.

"Dana" sinalubong ko sya ng isang malaking ngiti ng humarap ako sa kanya. Sya ang babaeng sumalo sakin ng mga panahong wala si stellar.

Sabay kaming pumunta sa parking area kung nasaan si dolly. Ang kakambal nya. After ko sya ihatid sa sasakyan nila ay nagtungo na ko sa bus stop at umuwi.

Ganyan ang set up namin, 1st year palang ay sila jeff at stellar na. At si Dana ang kasama ko.

......

February 14

Magkasama si stellar at andrea. Nasa hallway sila mukang sa may library sila pupunta kaya sumunod ako.

Ibibigay ko sana sa kanya yung binili kong chocolate. Pero imbes na ako mag surprise. Kami ang nasurpresa.

Nakita namin si jeff, habang may ibang kahalikan.. si clarice.

Nagdilim ang paningin ko. Sinugod ko agad si jeff at pinagsusuntok..

Ang kapal ng muka nya! Nagpara ako para dito?

Napatigil ako ng magawa nya kong itulak kaya napalayo ako. Susugod sana sya sa akin pero napaawang ang bibig nya at napatigil.

"Babe"

Nagkuyom ang mga kamao ko. Anlakas ng loob nyang bangitin pa ang salitang yun? Humarang na ko ng akmang lalapit sya kay stellar.

sandali akong tumingin kay stellar na nakatayo pa din at umiiyak.

Kasalanan ko to. Sana ako nalang kasi stellar. Pero tama si andrea, ang Torpe ko.

Gusto ko syang lapitan at yakapin. Pero bago ko pa magawa, nakita ko si Dana sa likuran nya.

Parang napako ang mga paa ko. Ano ba tong napasok ko? Mahal ko si stellar. Pero mahal ako ni dana.

Liligawan ko si Dana ngayon araw. Ito ang plano ko. Pero paano? Kung kailan handa na ko kalimutan ka stellar? Bakit pa to nangyare?

Bumalik ako sa katinuan ng Sumugod din si andrea.

Hinawakan nya ang buhok ni clarice at hinatak ito hanggang makaladkad nya.

"Walang hiya kang higad ka. Alam mo namang may girlfriend yung tao haharot ka pa! Kung walang nagkakamot sa kati mo! Ako ang kakayod sayo!"

Agad na lumapit si jeff para paghiwalayin ang dalawa. Nakayakap ngayon si clarice kay jeff.

"How dare you! Manloloko ka! Anong kasalanan sayo ni besh para ipagpalit mo sya sa babaeng pusit na yan?" galit na galit na sigaw ni andrea. Habang yakap sya si stellar na umiiyak

"Tama na Andrea. Please.. Tara na"

"Huwag mong iyakan ang mga taong sinayang ka stellar. Hindi ikaw ang nawalan." Niyakap ni Andrea si stellar.

"Mga bitter! Paawa effect! Hindi ko kasalanan kung ako ang gusto ni jeff. Kasalanan ko bang mas maganda ako sayo? Bitch! Halika dito at ikaw naman ang ikakaskas ko!!" susugod pa sana si clarice pero pinigilan na sya ni jeff.

"Magsitigil kayo! Sumunod kayo sakin!" Shit! Guidance.

2 weeks kaming suspended

Dahil sa nangyare, iniwasan ko si Dana. Alam ko, mali.. mali na saktan ko ang taong walang ginawa kundi mahalin ako. Oo mahalaga sakin si Dana Pero mas mahal ko si stellar. Hindi ko kayang maging masaya habang sya ay nahihirapan.

Kung alam ko Lang na ganito ang mangyayare? Sana umpisa palang iniwas ko na sya kay jeff

1st boyfriend ni stellar si jeff.
Nag start yun nung sinama ko si stellar para manuod nang practice namin nang basketball. Akala ko, ako ang dahilan kung bakit napapadalas sya dun.

Nalaman ko nalang na sila na nung naabutan ko sila sa locker room

"Babe, gusto ko na sabihin kay andrew na tayo na. Hindi ako sanay na naglilihim sa bestfriend ko."

"Sure babe. Gusto mo ba samahan pa kita? Anything for you." Nakita ko kung paano sya yakapin ni stellar. Sobrang saya nya habang kasama si jeff.

"I'm happy para sa inyong dalawa stellar. Kahit anong desisyon mo, I'm always here para suportahan ka." Ngumiti lang ako kay stellar. Alam kong hirap syang sabihin kaya ako nq ang nagkusa. Niyakap nalang ako ni stellar.

End of flashback

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon