chapter 4

8 0 0
                                    

" D' Aquarium De manila. Gusto daw ni manang pumunta dun."

" Ma! Bawal ang aso dun!"

"Aso? Wala naman tayong dalang aso ah?"

"Oo nga iho, wala naman ah" singit ni manang

"Ano nanaman pinagsasabe mo andrew? Anong aso?" Nagtatakang tanong ni stellar

Bago ako sumagot ay humarap ako kay stellar at lumapit sa muka nya

"Ikaw! Malamang hahah sino pa ba mukang aso satin" tawa lang ako ng tawa ng nakitang napipikon na muka ni stellar. Hahah ang cute nya talaga kahit napipikon.

....

"Andrew baba na! Malelate na tayo!" Halatang nag pipigil ng tawa sila mommy at manang.

"Ayoko po ma. Kayo nalang. Makikinig nalang ako dito." Paano naman ako makakababa? Sinuntok lang naman ni stellar ang ilong ko!. Tinotoo nga ng babae na yun ang banta nya. May bulak ako ngayon sa ilong. Ansakit.

"Andrew kailangan ko din ba mag bilang?" Sabay naman kami napatingin ni stellar kay mommy. At napatawa nalang kami.

" Ma naman eh. Nagbibiro ka pa ng ganyan. Hindi mo manlang ako pinagtangol!"

"Ikaw naman ang may kasalanan nyan. Sinabihan mo ba naman ng aso. Ayan nakatikim ka bumaba kana andrew ah. Sisimulan ko na ba mag bilang?" Nataranta naman ako kaya agad bumaba at kung mamalasin ka nga naman, natalisod pa ko.

Kaya lalo sila nagtawanan.
Babalik na sana ako sa loob ng sasakyan pero hinawakan na ni manang ang likod ng damit ko at inangat. Bakas ang gulat sa muka ko lalo na nung hilahin na ako ni manang papasok ng simbahan.

"Manang, bitawan mo na po ako sasama na po ako. Nakakahiya po please manang sorry na po." Grabe pinagtitinginan na kami

Si mommy at stellar ay nagpipigil ng tawa pero tumigil din nung pagkapasok ng simbahan. Binitiwan na din ako ni manang

"Kasalanan mo to" bulong ko kay stellar.

Ako-stellar-manang-mommy. Ayan ang pwesto namin sa upuan.

"Shhh maya na natin ituloy ang labanan. Peace muna. Magbawas ka muna ng kasalanan mo." Bulong ni stellar sakin. Aangal pa sana ko ng bigla akong batukan ng mommy ko. Nakakahalata na ko ha. Napagtutulungan ako.

STELLAR'S POV

"Wag mo itago. Bagay naman sayo " pangaasar ko. May bulak lang naman ang kanyang ilong nya dahil dumudugo . Kitang kita ang pagka pikon sa muka ng mokong.

"sabi ko naman sayo, magsisimba ka ng may bulak sa ilong" ngumiti lang ako ng sobrang pang aasar.

Nagsimula na ang misa at hindi na kami nag usap ni andrew .

Bumilis bigla ang dibdib ko at napatingin sa kamay kong hawak hawak ni andrew.

Natapos na ang kanta ngunit hindi binibitiwan ni Andrew ang kamay ko.
Tiningnan ko lamang sya pero nginitian nya lang ako at bumalik sa pakikinig sa misa.

Nang matapos ang misa, binitiwan ni andrew ang kamay ko. Inakbayan na nya ko at sabay lumabas.

"Nakinig ba kayo mabuti sa misa mga bata?"

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon