A+ School
STELLAR'S POV
"Hi besh!!! Maganda yata ang mood natin ngayon ah. Anong nangyare sa D' Aquarium de manila? Ha? Kwento nah! Kayo na ba!" Nandito kami ngayon si andrea sa bench malapit sa canteen. Break time na kasi namin.
"Ano nanaman yang pinagsasabe mo besh? Ano namang mangyayare?"
"Wushu!!! Besh deny pa! Mukang may nangyareng hindi ko nalalaman ha. Iba ang ngiti nyo parehas. " Tinawanan ko nalang sya.
"Nako besh malalaman ko din yan. Hindi nyo matatago sakin ng matagal yan! Huh! Ako pa ba? Andrea sandoval? HELLO"
"Kapag hindi ka tumugil, hindi ko na ibibigay sayo tong pasalubong ko sayong tumbler."
"Ayy besh sabi ko nga quiet lang ako. Akina yan besh. Love you talaga the best ka talaga!!"
"Besh samahan mo naman ako sa mall mamaya. May bibilin lang ako."
"Besh sorry, may practice kasi ko mamaya after school"
"Sasali ka nanaman sa volleyball?"
"Oo besh, kawawa naman ang team kapag nawala ko. Alam mo namang sakin sila umaasa," hahah ang taas din talaga ng tingin ni besh sa sarili. Hindi ko maabot!
"Hangin besh. Lakas. Hoo!! Hindi kaba giniginaw?"
"Epal lang talaga besh? Ikaw ba ano sasalihan mong sports,? "
"Hindi ko pa alam besh. Ano sa tingin mo?"
"Sali ka nalang samin besh ako bahala kay coach!."
"Talaga besh? Sige besh. Mas okay na kasama kita para hindi naman boring."
"Ayiee miss mo lang ako besh bat ayaw mo pa diretsuhin. "Loko loko talaga to. May pag sundot pa sa bewang ko.
"Mag tigil ka nga besh. Pero pano yan besh aalis ako mamaya? Hindi ba magagalit si coach?"
"Basta bukas siguraduhin mo makapunta, ako na bahala mamaya may coach."
After class at naghiwalay na kaming tatlo. Nag practice na si andrew at andrea. Habang nandito naman ako ngayon sa mall. Dumiretso ko sa book store.
"Ayun!" Kukunin ko na sana yung libro ng may nauna sakin.
"Ayy miss gusto mo din ba to? Sige sayo nalang." Sabi nung babae.
"Talaga!!?" Ano ba yan stellar para kang bata. Natawa tuloy sayo yung babae. May pag palakpak ka pang nalalaman. Ano ka penguin?
"Ayy, hindi miss ikaw ang nauna. Okay lang baka may stock pa sila. Itatanong ko nalang." Sakto naman na may dumaan na staff kaya tinanong ko. Mabuti nalang at meron daw
"Okay na miss. Meron pa daw. Sayo na yan. Ikaw naman ang nauna. salamat ah. " Ang ganda nya. Hanggang bewang ang buhok nya. Maputi sya at mas matangkad sakin. May dimples din sya. Ang cute
"Ako nga pala si Michaela" inabot nya ang kamay nya.
"Ako naman si stellar." Agad ko naman kinuha ang kamay nya pero bahagya ko syang hinila at lumapit ako sa kanya para mag beso.
Nauna na syang umalis...
Naglakad na ko pauwi ng may nakita kong iilang tao na tila may pinanunuod.
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...