CHAPTER 17

2 0 0
                                    

"Andrew" si stellar. Niyakap nya agad ako mula sa likod.  Namiss ko to.

Agad nya tinanong ang nangyare. Kinalas ko ang yakap nya ay humarap sa kanya. Gusto ko syang Makita. Bakas ang pagaalala sa muka nya.  Lumapit na ako agad sa kanya para halikan sya sa noo. At hinila sa loob. buti Wala pa si mom.  Patuloy pa din sya pagtatanong.

"Payakap lang stellar, mamaya muna ko sermonan" hinayaan naman nya ko. Habang yakap ko sya, nawala ang pagod ko. nawala ang kaba sa dibdib ko. Parang alon sa dagat na ngayon ay kalmado na.

Ako na din ang kumalas sa pagkakayakap namin. Baka hindi ako makapag pigil.

"Wala stellar. Namiss lang kita. Napagod ako kakapractice. Ipagluto mo naman ako. Mukang mamaya pa si mommy."  Nagdahilan nalang ako sa kanya.  Ayoko kasing magalala pa sya. Kailangan ko makapag isip.

Nahiga lang ako sa sofa at tinakpan ang muka ko ng bimpo. Nakakapagod ang araw na to. Sana bukas okay na.

Tinapik naman nya ko kaya kumain na kami. Nagusap lang kami. Sinabe ko din na hindi muna ko sasabay umuwi. Practice pagsisinungaling ko. Pero kailangan ako ni vero.  Natapos kami at ako na ang naghugas.
Nasa sofa sya. Nanunuod.

Kinamusta ko ang araw nya. Pero normal naman daw. buti naman...

Umalis na din si stellar ng sunduin sya ni kenneth. Kaya hinayaan ko na.

Maaga palang ay dumating na si stellar para sunduin ako. Sa totoo lang, hindi ako masyado naka tulog. Iniisip ko kung kamusta na si vero. Sinubukan ko syang tawagan pero hindi nya sinasagot.

"Hi stellar Goodmorning" si aaron. Ano nanaman ang kailangan nya? Nandito kami ngayon sa school ni stellar.

"Goodmorn-" hindi ko na pinatapos pa si Stellar at hinila ko na agad sya.

"Ayos ka din pre ha, Sino ba talaga?" Tsk, hanggang dito ba naman hindi nya ko titigilan?

"Uyy anong nangyayare jan ah?" Si andrea. Pero hindi ko inalis ang tingin kay aaron.

Inaya ako ni stellar pero nakangisi pa din sa akin si aaron.  Bumaling ang tingin nya kay stellar, lalapit sya. Kaya humarang agad ako.

Hindi nya pwedeng idamay si stellar dito. Wag ang taong mahal ko.  Napakunot ang noo ko ng biglang tumawa si aaron. Nahihibang na talaga sya.

"Pre kalma, bakit Parang takot ka?"

Lumapit sya sa akin at may binulong.

"Kung ayaw mo na kay stellar. Akin nalang sya."hindi na ko nakapag pigil tinulak ko na sya. Agad naman kaming pingilan ni andrea at stellar.

"Tigilan mo na to. Lumayo ka nalang pre hanggat kaya ko pa magtimpi sayo." Hinila ko na si stellar paalis pero natigilan sya sa sinabe ni aaron.

"Kanino pre? Linawin mo kung kanino ko lalayo. Sa kanya ba o--" susugod pa sana ko pero pinigilan na ko ni stellar.
Nananadya na talaga tong hayop na to!

"Tumigil ka na nga!" Galit na din si andrea. Natawa naman sa kanya si aaron.

"Huwag ka sa akin magalit. Hindi ako ang kontrabida dito. Kung ako sayo stellar, magiingat ako." Nakita ko ang pag ngisi ni aaron bago umalis.

"Tara na" hinila ko na sya Hanggang sa makarating kami sa classroom .
Tahimik lang kami hanggang mag break time.

"Andrew okay ka lang ba?" Unti unti akong bumangon at humarap sa kanya. Naupo sya sa table ko at humarap sa akin.

"Ohh sandwich. Bigay yan ni Kenneth kanina. Kumain kana." Kinuha ko nalang. Gutom na din ako.

"Wala ka bang sasabihin sakin?"  Tsk Hindi na sya dapat madamay pa dito.

"Thank you?"  pagiiwas ko.

"Hindi yun. Yung kanina, kay aaron." Agad naman akong umiwas ng tingin at isinubo ang tinapay. Isip andrew.

"Wala yun stellar. Nalalamangan ko kasi sa basketball kaya pati ikaw pinupuntirya nya. Alam nya kasing mahalaga ka sakin." Naginit naman ang muka ni stellar. Agad naman nyang iniwas ang tingin nya ng sumulyap ako.

"Namumula ka pangit."  ngisi ko. Naalala ko tuloy yung pag amin nya sa ospital ng kausap nya si cristian.

"Hin- hindi noh. A-ano ka ba! Mainit kasi huuuu!!! Grabe! Hina naman ng aircon dito sa room! Dapat magreklamo na tayo. Sayang ang binabayad natin!.  " Agad namang lumayo si stellar. Ang cute nya magsinungaling. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Sinundan ko na sya at niyakap mula sa likod.

"Sorry stellar. Sorry sa kanina. Natakot kita" buti walang tao. Masosolo ko sya. Humarap naman sya at niyakap ako. Lalong kumakabog ang dibdib ko hindi ko na alam ang ginagawa ko. Unti unti ko inilapit ang muka ko sa kanya. Habang papalapit at mas lalong nagwawala ang puso ko. Nakita ko ang pag pikit nya. Napangiti ako.

"Beshhhh!!!! O-ow!!! Sorry!!"  Tsk istorbo naman.

"Uhm ano sige Andrew bababa na ko." Ano? Ganun nalang yun?  Pipigilan  ko sana sya ng tumakbo na agad sya palabas.

"Aray!!!" Agad naman akong tumakbo kay stellar na nakasubsob sa sahig. Tsk ang lampa talaga.

Binuhatin ko na sya. At dinala sa clinic

"Ohhh teka teka!!! Andrew ano ba? Bitiwan mo ko! Ibaba mo ko!!! Nakakahiya ano kaba!" Pero hindi ko sya pinansin. Napangiti nalang ako ng Ibinaon ni stellar ang muka nya sa dibdib ko at tinakpan  ang muka nya ng kamay nya.

Nakarating kami sa clinic at Buti at okay naman si stellar.

Naupo lang ako sa kama ko at nahiga. Hinila ko sya para umunan sa braso ko. Nag reklamo pa sya pero wala din sya nagawa.

"Ehem!" Napabangon kami sa narinig namin. Istorbo talaga to

"besh! Kanina ka pa dyan?" Kahit kailan talaga istorbo tong babae na to. Makaalis na nga.

Natapos ang klase namin at dumiretso ko sa ospital.  Nakahiga lang si vero. Tiningnan nya lang ako at agad tumalikod .

"Kamusta kana? Pinagdala kita ng pagkain."
Pero hindi pa din nya ko kinikibo

"Vero, sasamahan kita hanggang gumaling ka. Sana hayaan mo kong tulungan ka "

"Tapos ano? Paano kapag gumaling na ko? Aalis kana? Tama na  andrew. Ayoko na umasa. Tigilan mo na to. "

"Veronica, kailangan mong tanggapin. Kaibigan lang ang kaya ko ibigay sayo. Nandito ko bilang kaibigan mo" narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Hahayaan kitang tulungan ako. Pero, hahayaan mo din ba kong makapasok sa puso mo?" Ngayon ay naupo sya. Hirap pa din sya makakilos.  Napangisi nalang sya ng hindi ako makasagot.

"Umalis kana andrew. Hindi ka titigilan ni aaron hanggat nakikita ka nyang kasama ko." Tama sya. Pero paano naman sya?

"Babalik nalang ako bukas. Kumain kana para makapag pahinga kana."
Aalis na sana ko pero may sinabe sya na nagpatigil sakin .

"Kapag bumalik ka, hindi na kita papakawalan.... Kukunin kita kay stellar."

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon