"Besh sorry" nandito na kami ngayon sa clinic.
"Ano kaba? Bakit ka nag sorry? Hindi mo kasalanan" ngumiti lang sya sakin pero alam kong dismayado sya.
Lumabas na kami ng clinic at dumiretso sa bench.
"Besh okay ka lang ba?" Ngumisi lang sya habang nakatingin sa paa nya na may bandage.
"Oo naman besh, hindi lang naman ako makakapag sa finals bukas." Bakas sa muka nya ang paghihinayang.
Nanalo kami. Oo masaya ko. Pasok kami sa finals bukas. Pero, hindi pwede maglaro si andrea. Kailangan nya ipahinga ang paa nya
"Sorry talaga besh."
Sinundo na si andrea ng kuya nya..
"Magisa ka yata? Pwede ba kitang samahan?" Si jeff. May usapan nga pala kami. Tumango nalang ako kaya naupo na sya sa tabi ko.
"Congats. Ang galing mo kanina."
"Thanks" ngumiti naman ako sa kanya. Naagaw naman ng isang lalake ang atensyon ko .. Si Aaron.
"Uhm excuse lang jeff ha. May kakausapin lang ako." Hindi ko na sya pinatapos at tumakbo na ko kung nasaan si aaron.
"Aaron!" Sigaw ko ng naabutan ko sya. Ngumiti naman sya ng nakita nya ko.
"Magusap tayo." napaatras naman ako ng bigla syang lumapit sa akin.
"Hindi ko inasahan na ikaw pa ang lalapit sakin stellar. Pinaganda mo ang araw ko" ngisi nya sa akin. Napansin ko na may mga studyanteng nakatingin sa amin kaya napayuko ako. Mukang naintindihan naman ni aaron.
"computer lab" sabay kindat nya sa akin bago umalis. Sumunod naman ako ng medyo nagtagal
Pagdating ko, inabutan ko syang nakaupo habang nakangiting may pinapanuod sa computer..
"Kamusta ang game nyo stellar? Panalo ba?" Pinatay na nya ang computer at kinuha ang isang flashdrive.
"Hindi ako pumunta dito para makipag kwentuhan sayo. Alam kong alam mo ang dahilan bakit ako nandito " nakatingin lang ako sa kanya ng bigla syang tumawa. Muka ba kong nakikipag lokohan sa kanya?
"Alam mo stellar, nakakatuwa ka. Ang tapang mo." Ngumisi lang sya at unti unti lumapit sa akin.
"Hindi ako nakikipaglaro sayo. Ano bang problema mo kay andrew? Bakit kailangan umabot sa sakitan?" Nakita kong may pasa din sya sa labi.
"Bakit ako ang tinatanong mo stellar? Bakit hindi si andrew?"
"Muka bang magaaksaya ko ng oras dito kung sinabe nya sakin?" Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.
"Binalaan na kita stellar. Hindi mo pa lubusang kilala si andrew. Iwasan mo na sya. Bago ka pa masaktan." Tumalikod sya sa akin at naglakad papunta sa lamesa sa likod at naupo.
"Pwede kitang tulungan stellar. Sabihin mo lang." Humarap sya muli sa akin at ngumiti.
"Anong ibig mong sabihin?"
Iniangat nya ang hawak nyang flashdrive at pinakita sa akin.
"Nandito ang sagot sa mga tanong mo stellar. Gusto mo bang makita?" Tinaas nya ang kilay nya sa akin. Anong meron sa flashdrive? Anong kinalaman nun kay andrew?
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...