CHAPTER 16

2 0 0
                                    

"Pre, nakita mo ba si stellar?" Nandito ko sa labas ng kwarto ni vero. Tinawagan ko si cristian. Isa sa mga kasamahan ko sa basketball

"Si stellar? Oo nandun sya sa room. Nandito ko sa canteen. Break time. Matamlay nga pre. May problema ba?"

"Pwedeng favor?"

"Oo naman pre ano ba yun?

"Ibili mo si stellar ng kahit sandwich. Ibigay mo. Wag mo papatayin tong call. Magearphone ka para marinig mo sasabihin ko. Gusto ko kasi sya marinig."

"Naks pre! Cheesy naman! The moves talaga ng mga valmadrid! Hindi papatalo ." Napangisi naman ako sa sinabe nya.

Agad namang bumili si cristian ng sandwich at tubig. At pumunta sa room

"Ahmm stellar, para sayo"

"Thank you ha, pero hindi pa ko gutom" si stellar. Boses yun ni stellar.

"Para talaga sayo to. Tangapin mo naman. Wala akong ibang balak sayo huwag ka magalala. Mahal ko pa buhay ko haha. Gusto lang kita bigyan ng sandwich talaga." Tsk dapat lang.

"Ahh sige akina. Salamat ha. "

"Kainin mo na. Sasamahan kita."

"Anong ginagawa mo cristian? Wala sa usapan yan" Alam ko naririnig nya ko. Natatawa sya. Nananadya ba sya?

"Relax " natatawa pa sya? ano daw? Ako ba kausap nya o si stellar? Subukan nya lang hawakan kahit daliri ni stellar. Mananagot sya sakin!

"Anong sabi mo?" Si stellar? Mukang narinig din nya yung sinabe ni cristian

"Ahh wala sabi ko ang ganda mo" tsk! Hindi ko dapat sya inutusan.

"Thanks"

"May boyfriend ka na ba?" Napaawang ang bibig ko. Kingina mo naman cristian!

"Bakit mo natanong?"

"Wala naman, ganda mo kasi. May irereto sana ko sayo." Cristian!!!

"Hahahah" aba at natawa ka pa ha.

"Bakit ka tumatawa? Ang weird mo ha haha" aba at nakikitawa naman tong si stellar! Ang rupok naman! Tsk nawala lang ako saglit

"So ano nga? Pwede kaba ? Kung may rereto ko?"

"Meron na ko. May nagmamay ari na ng puso ko. " Ayun na. Nanlambot na ang tuhod ko.

"Aba at sino naman ang maswerteng lalake?"

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

"Si MOKONG" unti unti gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"Mokong?" Sagot ni cristian pero hindi na ko nakarinig ng sagot kay stellar.

"Sige stellar una na ko. Good luck sa mokong na yun kung Sino man sya"

"Sige thank you sa sandwich."

"Hello pre! May utang ka sakin!" Hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi ko.

"Andrew?" Natauhan naman ako ng tawagin ako veronica. Ang kaninang ngiti ay sumeryoso.

"Bakit? May kailangan kaba?" Lumapit naman ako sa kanya at inalalayan Syang pumasok sa loob.

"Wala naman akala ko kasi ay iniwan mo na ko." Niyakap nya ko ng mahigpit. Hinayaan ko nalang sya. Walang ibang nasa isip ko kundi si Stellar.

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon