Chapter 2

16 0 0
                                    

Ayun na! Napikon na ang mokong. Lagot na.

"YES!!! PRESENT!!" tawa ko ng tawa. Pulang pula na sya sa galit.

Tumakbo na ko palabas ng bahay.
Para kaming mga batang naghahabulan sa garden hanggang makarating kami sa playground ng walang suot sa paa.

Nung nasa swing na kami ay hindi ko napansin na may lubid pala. Lagot na.
Sumalubong lang naman sa aking muka ang malamig na damuhan.

"Stellar"  agad naman syang lumapit.

"Ayos ka lang ba?" Ano ba naman yan stellar! Lalampa lampa ka talaga kahit kailan!

Akala ko naman ay tutulungan ako ng mokong. Nang bigla syang ngumiti. Pero napalitan ng Ngisi! Lagot na

" No! Wag! Ayoko na! Andrew ha? Binabalaan kita. Ahhhh!!!" Ang walang hiya kiniliti ako ng kinili.

"Tu--hahah tulong tama na bwiset ka ayoko na!!!" Hindi ko na alam ang gagawin ko Hindi ako makapag salita ng maayos. Humanda ka sakin mamaya.

"Wahhhh!!!! Tama-- tama na !!!! Sorry sorry na" pagpupumiglas ko.

"Sabihin mo muna sorry na master pogi! "Walang hiya abuso! Tse ayoko na hinding Hindi ko sasabihin.

"Ayoko!! No!!!!!!!"

Hinuli nya ang kamay ko at inangat sa damuhan. Nasa ibabaw ko lang naman sya. Ano yan!! Anlapit ng muka nya! kitang kita ko ang malaking ngiti nya. Hingal na hingal kami parehas. Nagpupumiglas pa din ako

"Ahh Ganun ha. Okay Lang, pero pangit pano ba yan? hindi rin ako marunong mag bilang? Hanggang tatlo lang din ang kaya kong bilangin" walang hiya. Walang originality.

"Isa" pilit ko pa din kinakalas ang mga kamay nya. Pero nanlalambot ako. Bakit naman kasi ang bango nya. Nasisinagan pa sya ng sinag ng araw sa umaga. Lalo tuloy umaaliwalas ang muka nya. Lord help. Bat biglang naging gwapo ang mokong na to.

Anlakas ng tibok ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakakiliti at takbo o dahil sa sitwasyon namin ngayon.

"Dalawa"
Kitang kita ko ang tangos ng ilong nya ang ganda ng mga mata nya. Kulay brown. At ang mga labi nya......
Ano ba stellar!!! Gumising ka nga!!! Ano ba yang pinagsasabe mo!

"Tat---"
"Sorry na master pogi" napapikit nalang ako sa kahihiyan.
ANDREW NIEL VALMADRID humanda ka sakin mamaya.
Natahimik naman syang bigla kaya nagtaka ko. Pag dilat ko ay bakas ang pag pipigil nya.

"Wahahahahahha nice one pangit! Masunurin ka naman pala .. Good dog"  Dog?  Aba't namumuro na talaga tong bwiset na to.

"MOKONG!!!!" wag ka talaga papaabot sakin. Kakagatin talaga kita.!

"Sige lang pangit! Arf arf! Hahaha" tss!! Andrew!!

Habol dito habol doon. Grabe wala yatang kapaguran tong lalake na to.
Kailangan ko magisip ng paraan.

"Aray!!!!"  Lagot ka sakin ngayon.

"Uyy pangit ano nanaman nangyare sayo. Napaka lampa mo talaga." Napataas sya ng kilay.  Nakatayo lang sya sa malayo. Pero hindi rin nakatiis at lumapit

Tsk easy. Akala ko hindi sya kakagat sayang ang acting ko. Ngayon, Humanda ka sakin. Aso pala ha.

"Ano nangyare? Saan ba masakit?"

"Dito oh. Ansakit " tinuro ko yung tuhod ko para bumaba sya. At lumuhod nga ang loko. Game!

"Arayyyy!!!!! Stellar ano ba! Bitiwan mo ko! Masakit! Sorry na!!!" Sinunggaban ko lang naman sya at kinagat ang tenga nya.

"Sabihin mo muna sorry na pretty sexy master" gantihan lang. Ginaya nya din naman ako kanina.

"Nahihibang kana ba? Yuck no!" Aba aba! Ano daw? Yuck? Walang hiya Bwiset na to! Tatangalan kita ng tenga sinasabe ko sayo!

"Aray!!!! Oo na sige na sorry na pretty sexy master!!! " Hahahah sigaw ng sigaw ang mokong. Buti nga sa kanya. Pasmado ang bunganga nya diba.

Bumitiw na ko agad at lumayo. Mahirap na baka gumanti pa.

"Tama na ha. Ayoko na pagod na ko peace na!" Sigaw ko kay andrew na nakatayo pa din at hawak hawak ang tenga nya.

Naupo muna ko sa swing.
Sumunod naman sya at naupo sa kabila. Nakakunot pa din ang noo habang hawak ang tenga.

Nagkatinginan naman kaming dalawa. Para kaming mga bata padin .
Bigla nalang kami natawa parehas. Okay na bati na kami nun. Ganun lang tlaga kami maglambingan dalawa. May kasamang sakit ng katawan.

ANDREW'S POV
Ansakit ng tenga ko. Grabe kumagot tong babae na to. Akala ko mapupunit na yung tenga ko.  Kapagod!!. Ang aga aga nakarating kami sa playground. Tiningnan ko lang si stellar na nakaupo sa swing.

Naupo na ko kabilang swing. Hawak hawak ko pa din yung tenga ko
Tiningnan ko lang si stellar na halatang nagpipigil ng tawa.

Imbes na magalit ako, natawa nalang ako. Nagtawanan na kaming dalawa. Wala na. Kainis talaga tong babae na to. Hindi ko matiis. Ang cute kasi.

"Sana lagi tayong ganito noh pangit." Nakatingin lang ako sa kalsada

"Anong kadramahan yan?"  Ang taray talaga ng babae na to..

"Wala lang napaisip lang ako. Bakit ayaw mo ba?"  Ngayon, tumingin naman ako sa kanya. Nakita kong napangiti sya sa tanong ko. Dahilan para mas lumakas ang tibok ng dibdib ko.

"Syempre gusto. Ano kaba. Kahit lagi tayong nagaaway, mahalaga  ka sakin."napangiti ako. Naalala ko yung masasayang nangyare samin.  Ang sarap marinig na importante ka sa taong mahalaga sayo.

"Mahalaga ka sakin dahil mahal kita." Lalo ng lumaki ang ngiti sa mga labi ko habang tinitingnan ko sya.. naka tingin lang si stellar sa hawak nyang kwintas na binigay ko sa kanya noong mga bata pa kami.

"walang stellar kung walang andrew. Ang partner ko." Nagiinit yung mga pisngi ko. Alam ko namumula ko. Tumingin sya sakin at ngumiti. At nginitian ko nalang din sya.
Binalik naman nya ang tingin nya sa hawak nyang kwintas. 

"Mahal mo ko?"

"Oo naman.. matagal na" bumilis ang tibok ng puso ko. Napaka lawak ng ngiti ko. Gusto ko syang yakapin.

"Ikaw ang bestfriend ko eh"

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon