Wala pa din imik ang mokong. Ano? Affected much lang? Galit ba sya? Bakit? Naistorbo ko ba ang reunion nila ng FIRST LOVE nya! Tsk! Kainis. Kakasimba ko lang pero mukang kailangan ko nanaman yata bumalik.
Andrew's POV
Lumabas ako kasi tumawag si dad.
Nasa canada a a kasama ang kapatid ko. Doctor si dad kaya lagi syang busy. Pabalik na sana ko ng tinawag ako ni dana.Hindi ko maiwasang mapangiti.
Sya ang babae na naging interesado ako bukod kay stellar. sikat sya sa A+ school. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya?Ang galing nyang sumayaw. Naging malapit din kami dahil madalas sa gym sila nag papractice after namin mag basketball. May boyfriend si stellar nun..
Masaya naman kami.
Habang tumatagal ay mas lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Hindi ko maitatangi na may pag hanga ako sa kanya at alam kong gusto din nya ko. Pero Hindi pa kami nagsisimula, natapos din agad.Kaya ng nakita ko sya ulit kanina ay binalot ako ng hiya.
nang kunsensya.. Sinalubong nya ko ng malaking ngiti sa Muka.
Mas lalo syang gumanda."Uyy kamusta na!" Bati nya sakin sabay beso. Kasama nya ang kakambal nya pero hindi nya ko pinansin
"Dana.... Okay naman ako." Pinilit kong Ngumiti. Ayokong isipin nya na apektado pa din ako.
"Ikaw kamusta kana dana? Kamusta kayo?" Tiningnan ko yung kapatid nya pero wla pa din itong imik
"Ayos naman kami! Kumain lang kami saglit pero paalis na din kami. babalik na kami sa Canada. Umattend lang kami sa isang event kaya kami umuwi."
"Uhmm Dana, gusto ko sana mag sorry. " tumawa naman sya kaya napahinto ako sa pagsasalita
"Ano kaba! Ayos na yun! Wag na natin ungkatin! Hindi mo kailangan mag sorry. Itreat mo nalang ako pag balik ko Okay ba yun?" Hindi pa din sya nagbabago. Sya pa din yung nakilala kong dana noon. simpleng babae.
Dumating si stellar na naka kunot ang noo.
Alam kong hindi maganda ang patutunguan nito kung itutuloy pa nila.
Ang mas kinakatakot ko ay Baka maungkat pa ang Hindi dapat.
....
"Anong meron sa inyo ni dana? May hindi ba ko nalalaman andrew?" Alam kong ano mang oras ay magtatanong sya. Nandito na kami sa D' Aquarium de manila Nakaupo lang kami sa may malaking aquarium. Kaunti lang ang tao ngayon. Sila mommy ay nagpunta sa washroom kaya nauna na muna kami.
"Wala yun stellar. Nagkamustahan lang. Wag na natin silang intindihin. Mag enjoy nalang tayo." inakbayan ko na lamang sya at hinalikan sa noo.. Ngumiti ako sa kanya para siguraduhin maayos ang lahat.
"Ang ganda pa din dito mokong noh! Nakakarelax. "
Inaya ko na sya maglakad. Nakarating kami sa may penguin show Ng may batang umiiyak kaming nakita. Mukang nawawala.
Nilapitan naman namin agad."Hey, bakit ka magisa? Come here, wag ka matakot. Mabait si ate." Niyakap naman sya agad nung bata.
"Asan ang parents mo?" Tanong ko naman.
"Hindi ko po alam!!" Iyak pa din ng iyak yung bata.
"Anong name mo baby girl?" Pilit na pinapakalma ni stellar yung bata. Pero hindi ito tumitigil.
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...