"Kapag bumalik ka, hindi na kita papakawalan. Kukunin kita kay stellar."
Sa pagkakataong yun. Hindi ko na alam. Hinayaan ko na lang sya at umalis na ko.
Hindi na ko nakabalik sa basketball kaya Araw araw ko pa din binibisita si vero ng hindi nya nalalaman. Mas mabuti na to. Atleast alam ko safe at okay sya. Hindi na din nang gugulo si aaron. Mabuti nalang
Sport competition na namin.
Sasabihin ko na sana kay stellar.. Pero laging may nangyayare.At nung natapos ang game nila biglang tumawag sakin si aaron
"Ang selfish mo naman andrew. Ayaw mo din ibigay si stellar. Babawiin ko nalang si vero. Enjoy" nagkuyom ang mga kamao ko.
"Hello!" Pinatay na ni aaron. Iniwan ko nanaman si stellar. I'm sorry stellar...
Pagdating ko sa hospital ay agad kong hinanap si vero. Pero isang bouquet ng flowers ang umagaw ng atensyon ko at isang note.
"I'll meet you at the rooftop.. from andrew" shit! Tinapon ko na agad ang note at tumakbo papanik
Hinanap ko agad kung nasaan sya. Madilim na at malaki ang lugar.
"Vero!" Nasa sulok sya at naka upo sa sahig at umiiyak. Agad ko syang nilapitan at niyakap naman nya ko agad.
"Shhh tama na . Nandito na ko." Itinayo ko na sya pero nakayakap pa din sya sakin.
"Anong nangyare? Bakit ka nandito? Si Aaron? Nasaan ang walang hiyang lalake na yun?" Umiyak lang sya ng umiyak kaya niyakap ko na din sya.
"Tara na andrew. Bumababa na tayo. Please alisin mo ko dito." Tumango naman ako at Agad ko naman syang inilalayan. Bakas pa din ang takot sa muka nya.
"Anong nangyare vero? Kailangan mo sabihin sakin. Umayos ka! Wag kang umiyak!." Naiinis ako. Pero hindi kay vero. Naiinis ako sa nangyayare. Bakit kailangan pa nya danasin to? Bakit ayaw syang tigilan ni aaron!
"Akala ko ikaw ang aabutan ko. si-sinubukan nya kong galawin. Pero nanlaban ako. Akala ko ay papatayin nya ko andrew. Iyak ako ng iyak. Humihingi ako ng tulong pero walang nakakarinig ng bigla kang dumating. Kaya binitiwan nya ko. Nandun pa sya andrew." Nanginginig pa din at iyak ng iyak si vero.
"Dito ka muna vero. Wag kang aalis. Babalik ako agad." Bumitiw na ko sa kanya at agad bumalik sa rooftop
Sinubukan ko syang hanapin pero bumagsak nalang ako sa isang malakas na suntok ..
"Walang hiya ka!" Sigaw ko sa kanya na nakatayo lang sa harap ko
Tumayo agad ako at gumanti ng suntok kaya sya naman ngayon ang bumagsak.
Hinawakan ko ang kwelyo nya at itinayo sya..
"Kailan ka ba titigil aaron? Akala ko ba mahal mo si vero? Bakit mo sya pinapahirapan!?" Tumawa lang ng nakakainis si Aaron kaya itinulak ko sya.
"Ikaw ang may kasalanan nito andrew. Minahal ko naman si vero. Kaso ginamit nya ko.ginago nya ko! Panakip butas lang ako! Kahit anong gawin ko sa kanya, hindi pa din nya ko magawang mahalin! Put*ng ina mo ! Wala na ko sa Basketball! Nasayo na si stellar! Pati ba naman si vero? Lahat nalang andrew!" Sinugod nya ko ulit pero nakaiwas ako
"Hindi kita pinapaalis sa basketball, hindi ko inagaw sayo si vero. Wala kaming relasyon.
Si stellar lang ang mahalaga sakin. Wag mo syang idamay dito." Napangisi naman sya sa sinabe ko. Dahilan para mas lalong magkuyom ang mga kamao ko."Wag mo na paikutin ang ulo ko.. ginago nyo ko ni veronica. Hindi ko kayo titigilan." Lumabas na sya at umalis
Bumalik naman ako agad kay vero na patuloy pa din ang pagiyak. Dinamayan ko nalang sya Hanggang makatulog sya.
Umuwi na din ako ng makatulog na sya. Yun din ang gusto ni Veronica
Binilin ko nalang sa mga nurse na wag na magpapapasok kaht sino sa kwarto nya.
Kinabukasan ay sinundo ako ni stellar.
Nakita nya agad ang pasa ko. Hindi ko alam anong sasabihin ko kaya umiwas ako.Pag dating sa school ay humiwalay agad sya. Pinagmasdan ko lang sya bago ko lumabas muli ng school.
Nasa ospital ako ulit.
Agad ko din inasikaso ang paglabas nya ng ospital. Hindi sya safe dito."Salamat sa kanina Andrew. Pero sa susunod na beses na babalik ka. Totohanin ko na yung sinabe ko. Babawiin kita."
Nagpasundo si veronica sa driver nila at umuwi. Ayaw na nya magpasama.
Bumalik nalang ako sa school para sunduin sana si stellar. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Kasama nya si jeff. Ang walang hiyang ex ni stellar. nilagpasan lang nila ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi rin ako nakatiis at Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa sasakyan.
Hinila ko agad si stellar pero hindi manlang nya ko tiningnan. Sinukan ko syang pigilan pero Tinangal nya ang pagkakahawak ko sa kanya. Iniwan nya ko.
Kinabukasan ay hindi na ko pumasok.
Sinubukan ko puntahan si stellar sa kanila pero nasa skwela na daw ito. Nanatili nalang ako sa kwarto buong magdamag. Kakausapin ko nalang sya pag uwi nya.Pero mag gagabi na wla pa din si stellar. Tinanong ko kay manang pero wla pa daw si stellar. sinubukan ko syang tawagan ng tawagan pero wala. Kahit sa school ay walang stellar akong nakita.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababalot ako ng pagaalala ay takot. Baka Kung ano na ang nangyare. Wag naman sana. Wag nyang sabihin na kasama nya si jeff? Ano nagkabalikan na sila?
Sinubukan ko ulit syang tawagan.
"He--" hindi pa sya nakakatapos ay nagsalita na ko.
"What the fuck stellar? Nasaan kaba? Alam mo ba kung anong oras na? Nang galing ako sa inyo wala ka pa! Wala ka din dito sa school. Huwag mong sabihing kasama mo nanaman yung ex mo? Ano stellar? Papaloko ka nanaman!? Hindi kana nadala! Ang akala ko pa naman.." hindi na nya ko pinatapos at nagsalita na sya
"Akala mo ano? Bakit kasi hinahanap mo ko? Ikaw nga may kasamang babae magkayakap pa kayo may narinig ka ba sakin? Ano ba kita?"
Hindi ko na namalayan, tumulo na mga luha sa mga mata ko. Tama ka stellar, ano mo ba naman ako? Ano bang meron tayo diba?
"Andrew" napapikit nalang ako sa pagtawag nya sakin. Mas lalo kong nasaktan ng wala na syang maisagot. Napabuntong hininga nalang ako.
"Tsk, hindi mo na kailangan sumagot" pinatay ko na ng tawag. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko pero patuloy pa din to sa pag bagsak. Hindi ko na alam san ako makararating.
"Mautak ka mr. Valmadrid. Pero mas pinadali mo lang ang sitwasyon. " Nakatangap nanaman ako ng text mula kay aaron.
Dali dali na ko sumakay ng taxi papunta kila vero.
Nawala naman ang kaba ko ng makita ko syang maayos. Nasa sala kami ngayon.
Tatayo na sana ko para umuwi ng makatanggap ako ng isang message mula ulit kay aaron.
Napaawang ang bibig ko, nawala ang lakas ko. Bumagsak muli ang luha sa mga mata ko ng makita ang larawan ni stellar. Kahit malayo ay alam kong sya yun. May lalakeng kaharap sya. kasama nya si jeff sa labas ng bahay nila. Pero ang mas dumurog ng puso ko ay ang larawang nakahalik si Jeff.
Nakatayo pa din ako ng naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko. No, please.. not now...
"Bumalik ka, babawiin na kita"
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...