CHAPTER 14

3 0 0
                                    

FLASHBACK
(Waves of Memories  before the sports competition)

ANDREW'S POV

Nasa mall ako ngayon para hanapin si stellar. Tsk lowbat ang phone ko. Pano ko naman mahahanap yung babae na yun?

Baka naman naka uwi na yun?

Habang naglalakad ako ay nakita ko si aaron. Mukang nagaaway sila ng kasama nya ha. Teka si.. si vero ba yun?

"Ano ba Aaron! Bitiwan mo na ko, nasasaktan na ko! Ayoko sumama sayo!"

"Tumigil ka nga Veronica! Nakakahiya ka. Pinagtitinginan na tayo oh! Halika na!"

"Ayoko nga! Matagal na tayong hiwalay ano ba?! Pakawalan mo na ko!"

"Hindi pa ko pumapayag! At hinding hindi ako papayag!"

"Arayy ko masakit ano kaba!"

"Pre, tama na yan.  Nasasaktan na si vero" nakita ko naman ang pag ngisi ni aaron ng nakita nya ko. Hindi ko rin alam bakit ako nangielam, basta ang alam ko, kailangan ng tulong ni vero.

"Andrew! " Agad namang naka bitiw si vero at  yumakap sa braso ko.

"Ano bang pakielam mo dito andrew? Akala ko ba may usapan na tayo?" Nakangisi nyang sagot.

"Anong usapan?" Tanong ni vero

Pero imbes na sumagot, hinawakan ni aaron si veronica para hilahin. Agad ko naman hinawakan ang kabila nyang braso. 

"Pre, Kung ayaw sumama, wag mo ipilit. Pinagtitinginan na tayo dito oh nakakahiya"

"Nahihiya ka pala eh, edi umalis ka! Hilig mo makigulo! Sagabal ka talaga sa buhay ko kahit kailan!"

"Boyfriend ko si andrew! Kaya tama na! Layuan mo na ko!" Napaawang ang Bibig ko sa sinabe ni vero. Kumawala ako sa pagkakahawak sa kanya. Pero sya naman ngayon ang humawak sa kamay ko.

"Tama pala ang hinala ko. Malandi kang babae! Lahat na ginawa ko pero si andrew pa din!"

"Vero-" aangal pa sana ko ng halikan ako ni vero.  Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

Bumitiw na si vero sa pagkakahalik sa akin. Pero hindi pa din ako makapag salita. Ano bang nangyayare? ang first kiss ko. Bakit? Kay Vero? Hindi kay stellar?

"Hindi pa tayo tapos andrew! Pagsisihan nyo ang pang g*g* nyo sakin!"  Pagbabanta ni aaron tsaka umalis. Napailing ako sa nangyayare. Pilit ko ginigising ang sarili ko.

Iniwan kami ni aaron matapos ang nangyare. Agad kong hinila si veronica para harapin.

"bakit mo ginawa yun? Nasisiraan kana ba ng bait? Pinalaki mo lang ang gulo! Pati ako dinamay mo! "

"Bakit ka kasi nangielam! Hindi mo rin ako matiis diba? Aminin mo na kasi andrew gusto mo din ako. " Tsk hindi ko na sya pinatapos. Masyadong madaming mata ang nakatingin.

Hinila ko na sya palayo. Buti naman at hindi sya kumontra.

Dinala ko sya sa parking lot Kung saan wala masyadong tao. Binitawan ko na sya agad ng makarating kami sa medyo dulo.

"Hindi ko naman alam na ganito ka ka agresibo andrew. Mas lalo tuloy kitang nagugustuhan. " Sabay hawak nya sa magkabilang balikat ko. Tiningnan ko ang muka nyang sobrang lapit.

Napakagat ako sa labi ko sa inis. Hinawi ko agad ang mga kamay nya sa akin. Umatras ako para makaiwas.

"Ano ba vero? Bigyan mo kahit ng konting respeto ang sarili mo? Mahiya ka naman. Babae ka! "

"Hindi mo ba talaga ko gusto? Ano bang kulang? Bakit hindi mo ko magustuhan? Andrew! Mahal kita! Matagal na. Alam mo naman yun diba? Noon palang inaamin ko na sayo.  Please!! ako nalang. Kaya ko ibigay sayo lahat. Mahalin mo lang ako."

Lumapit sya sa akin at yumakap. Sinubukan nyang halikan ako pero umiwas ako.

"Sorry veronica. Hindi kita kayang mahalin. "

"Tsk. Si stellar diba? Dahil nanaman to sa babaeng yun? Bakit ba gustong gusto mo yung sya?!  Mas maganda naman ako dun! Wala kang mapapala sa kanya andrew! Akin ka nalang please.. Si Jeff, oo si jeff ang mahal nya at hindi ikaw! Bestfriend ka lang nya! Wag ka na umasa!"   Napailing nalang ako.

"Hindi totoo yan! Tumigil kana! Wala kang alam samin ni stellar. Kaya wag kang mangielam. Siguro nga, sa mata ng iba mas maganda ka.
Pero wala akong pakielam dun! Mahal ko si stellar kung sino sya. Sa mga mata ko at sa puso ko, kung ikukumpara ka? Walang wala ka. Kaya wag kana umasa. " Nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata nya. 

Alam kong nasaktan ko sya. Pero kailangan nyang malaman ang totoo. Para hindi na sya umasa.

"No! Hindi totoo yan! Mahal mo din ako! Kaya nga hindi mo ko natiis. Kaya nga pinagtangol mo ko diba? Kanina, hinalikan kita. Hindi ka kumontra. Nagustuhan mo right? Kaya ko higitan yun. Just love me andrew. Mahalin mo lang ako. Please." Naawa ako sa kanya. Bulag sya sa pagmamahal nya sakin.

Noon pa man ay alam ko na gusto nya ko. Kaya ako lumayo sa kanya maliban sa usapan  namin ni aaron..pero hindi sa ganitong paraan ko inaasahan aabot nag pagmamahal nya..

"Please veronica, tigilan mo na to. Mahal ko si stellar." 

"No! Akin ka lang Andrew. Mamahalin mo din ako. Just give me time. Papatunayan ko sayo ang sarili ko" umiling lang ako at umakmang aalis. Pero natigilan ako sa sinabe nha

"Kasalanan to ni stellar. Kung wala si stellar, sigurado ako mamahalin mo ko. Siguro akin kana ngayon. Kailangan mawala si stellar " agad ko syang sinugod at hinawakan sa magkabilang braso.

"Bawiin mo yung sinabe mo! Wag na wag mong gagalawin si stellar! Ako ang makakalaban mo Veronica. Wag mo ko subukan."  Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng to. Hindi ko alam kung bakit nagpapakababa sya ng ganito.

"No! Hanggat hindi ka nagiging sakin. I'll make sure na hindi matatahimik si stellar. Mararanasan nya kung ano ang nararanasan ko." Napangisi nalang si veronica. Habang ako ay galit na galit.Gusto ko syang saktan.

"Alam mo vero, Wala ka nang pinagkaiba kay aaron." Napailing nalang ako sa inis. Pilit kong kinawala ang sarili ko at itulak sya..

Napatigil ako sa paghakbang ng may isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa parking. Napaawang ang bibig ko sa bumungad sakin

"Vero!"  Agad akong lumapit sa kanya na ngayon ay nakahandusay sa sahig.. 

Napasabunot ako sa sarili ko at napaluhod. Gusto ko man sya hawakan, pero nandun ang takot sa dibdib ko.

Napatigil ako ng bumaba ang isang lalake at lumapit

"Aaron?" 

Waves Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon